Chapter 64:

80 0 0
                                    

Halos pasapit na ang hatinggabi nang makarating ang truck na sinasakyan nina Vincent at Cristina sa lugar na naisipang puntahan ng una. Ito ay tila isang probinsiya na bagamat liblib ang itsura ay tila hindi naman kalayuan sa Kamaynilaan. Madili na sa buong paligid nang makarating sila sa naturang lugar. Sa pakiwari nila ay tila ba maagang natutulog ang mga nakatira dito.

“O paano? Kailangan na kasi naming bumalik sa Maynila. Baka hinahanap na ni Direk ang sasakyan na ‘to. Gagamitin pa kasi ito sa isang set ng shooting sa may Antipolo. Ayos na ba kayo dito? May tutuluyan na ba kayo?”, pahayag at tanong ng driver ng truck kina Vincent at Cristina.

Sandali ay napalinga-linga sa paligid si Vincent at tila ba napaisip ng malalim.

“Malaki na rin ang ipinagbago ng lugar na ito…”, ang wala sa loob na nabubulong ni Vincent habang lumilinga-linga sa paligid.

Matapos ang sandaling pagmumuni-muni at paglinga-linga sa paligid ay muling nabaling ang atensiyon ni Vincent sa kausap.

“Oo, pare! Okay na kami dito. Salamat nga pala! Pakipaabot na rin kay Ms. Genelyn ang pasasalamat namin!”, tugon at pasasalamat ni Vincent sa driver ng truck.

“Okay sige, pare! Batsi na kami! Goodluck na lang sa inyo!”, pamamaalam ng driver ng truck kina Vincent at Cristina.

“Salamat, pare! Sige ingat sa biyahe!”, pasasalamat at pamaalam din ni Vincent sa driver ng truck.

Maya-maya pa ay tuluyan nang umalis ang truck sa kinalalagyan nina Vincent at Cristina. Nang makaalis ang truck ay naiwan namang parang nalilito si Vincent. Bagay na agad napansin ni Cristina.

“Ano na ngayon, Vincent? Saan na tayo tutuloy mula dito?”, ang nalilito na ring tanong ni Cristina kay Vincent.

Mula ay luminga-linga si Vincent na para bang may kung anong hinahanap. Saglit pa ay napangiti siya na tila ba nakita na ang hinahanap.

“Doon tayo tutuloy sa banda doon.”, masayang wika ni Vincent kay Cristina sabay turo at hila sa nobya sa kung saan.

Ilang sandali pa ng paghila ni Cristina sa kung saan ay nakarating sila sa isang luma at may kalakihang bahay. Pagdating dito ay sandaling natigilan si Vincent upang pagmasdan ang kabuuan ng naturang bahay.

“Sa mga bahay dito ay tila ito ang walang ipinagbago. Ganitong-ganito parin ito mula nung huli kong makita…”, ang nabubulong pa ni Vincent sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuuan ng naturang bahay.

Ilang sandali pa ng pagmamasid sa naturang bahay ay hinila na niya muli si Cristina papasok sa looban nito. Pagdating nila sa may looban ng naturang bahay ay tila biglang nagulat si Vincent. Nabatid niya kasi na meron palang nakatayo na isang tila malaking mansiyon di kalayuan sa kinatatayuan ng naturang bahay. Sa paligid nga ng looban ay makikita pa ang isang may kalakihang hardin na pinapagara ng mga napakagagandang floral design at mga istraktura na tila mala-Ancient Greece ang tema.

“Ano ito? Bakit may malaking mansiyon na sa tabi ng bahay na ito? Yumaman na ba sila ng husto mula noon? Maging ang looban ay tila kay laki na rin ang ipinagbago. Sa labas lang pala parang walang ipinagbago ang buong paligid.”, ang nagugulat na nasasabi ni Vincent matapos makita nang ganap ang buong looban ng bahay na pinasok nila ni Cristina.

“Kaninong bahay ba ito, Vincent?”, takang natanong naman ni Cristina kay Vincent.

“Sa…”, si Vincent na hindi na natapos pa ang sasabihin kay Cristina matapos may makitang kung ano.

Ito ay tila isang lasing na lalaki na nakatayo sa bubong ng malaking mansiyon at tila ba napipinto na dito ay tumalon.

“S-sino ang lalaking iyon?”, takang natanong ni Vincent sa sarili matapos makita ang naturang lalaki.

Maging si Cristina ay napansin din ang naturang lalaki at siya ay labis na nahintakutan sa nasaksihang tila trahedyang napipintong maganap.

“Vincent! May lalaking tatalon mula sa bubong!”, gulat at takot na sigaw ni Cristina habang itinuturo kay Vincent ang naturang lalaki.

Hindi naman malaman ni Vincent pero tila ba siya ay labis na nag-alala para sa naturang lalaki. Nang makita niya ang ganap na pagtalon nito mula sa bubong ng malaking mansiyon ay tila otomatikong kumilos ang katawan niya upang makagawa ng paraan para sagipin ang buhay ng naturang lalaki. Pinilit niyang saluhin ang tumalong lalaki at sa pagpipilit niyang ito ay masalo ay binagsakan siya nito at ang ulo niya ay napabagok sa lupa.

“Vinceeeeeeent!”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now