Chapter 40:

73 0 0
                                    

Nang araw na ito ay hindi na naman pumasok si Cristina sa kanyang mga klase. Pagkahatid na pagkahatid sa kanya ng driver nila ay agad na siyang lumabas sa eskuwelahan. Sa paglabas niya sa eskuwelahan ay nag-abang siya ng taxi at siya ay nagpahatid sa taxi papuntang Pineda, Pasig. Sa lugar kung saan matatagpuan ang kanyang tunay na pag-ibig. Si Vincent!

Nang umaga namang ito ay makikita ang paglalakad ni Vincent papunta sa kanto ng I. Lindayag St. Medyo pataas pa nga ang daang binabagtas niya, pero ayos lang sa kanya. Sanay na siya sa mahaba at mahirap na lakaran. Mula pa kasi nung kanyang kapaslitan ay gawain na niya ang maglakad. Dapat sana ay sa Purok Dos siya dadaan upang pumunta sa Banaag St. kung saan naroroon ang tapsilogan dito na madalas niyang kainan. Pero dahil tila nahihiya na siyang magpakita sa isa sa mga tindera ditong si Kriselda na tila niloko at biniktima ng kaibigan niyang si Quincy ay sa I. Lindayag St. na siya dumadaan papunta sa sakayan ng dyip. Ilang sandali pa ng paglalakad niya ay bigla siyang natigilan nang may makasalubong siyang isang tila napakapamilyar na mukha. Pumipikit at dumidilat pa nga siya na para bang inaalam kung totoo ba ang nakikita niya o siya ay namamalikmata lamang. Pero nakailang pikit at dilat na siya ay nakikita parin niya ang pamilyar na mukha sa kanya ang harapan. Nawala lamang ang pagkakapako niya tila sa matinding pagkakatulala nang bigla na lang lumapit sa kanya ang pamilyar na mukhang ito.

“O bakit para kang nakakita ng multo?”, bigla ay nawika kay Vincent ng pamilyar na mukhang nakikita niya na walang iba kundi si…Cristina!

“A-ano ginagawa mo dito? Hindi ba may klase ka?”, gulat ay natanong ni Vincent kay Cristina habang nasa tila estado parin ng pagkawala sa loob.

“Wala kasi ako sa mood pumasok ngayon e.”, ang tanging natugon ni Cristina sa tanong ni Vincent.

“Bakit naman?”, nagtataka ay natanong ni Vincent kay Cristina.

“Nami-miss kasi kita e. Parang feeling ko gusto kitang makasama sa bawat sandali…”, ang tanging natugon ni Cristina sa tanong ni Vincent sa tila naglalambing na tinig.

Parang labis namang naantig si Vincent sa sinabing ito ni Cristina. Nangingiti ay nayakap niya si Cristina ng anong higpit.

“At ganon din naman ako, Cristina…Gusto ring kitang makasama sa bawat sandali. Naiisip kita sa bawat segundo. Para bang ikaw ay isang permanenteng larawan na natatanaw lagi ng puso’t isipan ko…”, ang tila napakaromantikong pagpapahayag naman ni Vincent ng damdamin niya para kay Cristina.

“Vincent…”

“Cristina…”

At naghalikan ang dalawang magsing-irog ng anong suyo at anong tamis.

Kalaunan ay makikita sina Vincent at Cristina na kumakain sa isang fine dinning restaurant sa may Podium sa parteng Ortigas na nagngangalang Borough By II Ponticello. Habang kumakain dito ay medyo naiilang pa nga si Vincent sa kadahilanang siya ay hindi sanay sa ganitong kasosyal na lugar. Tila napansin naman ni Cristina ang pagiging parang di palagay ng nobyo sa kanilang lugar na kinalalagyan.

“Okay ka lang, Vincent?”, pag-uusisa ni Cristina kay Vincent.

“A-e okay lang, Cristina! Medyo naninibago lang ako. Ngayon lang kasi ako nakakain sa ganitong kasosyal na lugar e. Alam mo namang nasanay ako sa pagkain sa mga tapsilogan at carinderia lang. Iba pala talaga ang mapunta sa mundo niyo.”, tugon at pag-amin ni Vincent sa nobya ng pagkailang niya sa lugar na kanilang kinalalagyan.

“Pasensiya ka na ha. Gusto lang kasi kitang dalhin sa mundo ko tulad ng ginawa mong pagdala sa akin sa mundo mo kahapon.”, paghingi ng paumanhin at pangangatwiran ni Cristina kay Vincent.

“Ayos lang naman ako. Nanibago lang talaga ako.”, ang tila pagpapalubag-loob ni Vincent kay Cristina.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy na sila sa kanilang pagkain sa naturang fine dinning restaurant. Habang kumakain ay nagsusubuan pa sila na para bang sila ay bagong kasal. Sa gitna ng tila napakaromantiko nilang pagkaing ito ay hindi nila namamalayan na may paparating palang isang tila panganib at malaking hadlang sa kanila…

Lingid sa kaalaman ni Cristina, sinundan pala siya ng ate niyang si Mary kaninang umagang siya ay umalis sa pinapasukang eskuwelahan upang puntahan ang nobyong si Vincent. Matapos makita ang ginawa niya ay isinumbong siya ni Mary kay Jason na nakatakdang maging kabiyak niya. Labis namang nagpuyos sa galit si Jason sa isinumbong sa kanya ni Mary kung kaya siya ay agad na nagtungo sa kasalukuyang kinalalagyan nina Vincent at Cristina kasama ang kanyang mayayabang at coniong barkada. At ang kasalukuyang lugar ngang kinalalagyan nina Vincent at Cristina na pinuntahan ng grupo ni Jason ay sa Borough By II Ponticello na nasa may Podium sa may Ortigas Ave., Pasig.

Gayon na lamang ang pagkagulat nina Vincent at Cristina nang makita ang pagdating ng grupo ni Jason sa lugar na kinalalagyan nila. Ngingiti-ngiti naman ay pumalibot ang grupo ni Jason sa magkasintahan.

“Ang tigas din naman ng mukha nitong si Yao Ming o! Fiance pa ni Jason ang binalak taluhin.”, wika ni Barry na nakangiti ng sarkastikong ngiti kay Vincent.

“Well, ganyan lang talaga kung minsan. Kapalan lang mukha para makadiskarte ng babae. Kahit na ba ang pagmumukha mo pa ay parang mongoloid na beho lang!”, ang tila pang-iinsulto namang nasabi ni Jerry kay Vincent.

“Ano ba, pare? Balatan na ba natin ng buhay ang ungas na ‘to?”, si Jake na pinapatunog pa ang kamao habang titig na titig ng masama kay Vincent.

Si Jason naman ay tila pigil ang galit na nagpalipat-lipat ng pagtitig kina Vincent at Cristina.

“Ano ba, Cristina? Ito bang behong ito ang ipinagmamalaki mo sa akin, ha? Kailan pa naging kayo ng mongoloid na ito? Ang tigas ng mukha mo ha! Kilala mo ba kung sino tinatalo mo, ha? Putang ina mo!”, si Jason na galit na galit kina Vincent at Cristina partikular na sa una.

Sa puntong ito ay tila tinantiya ni Vincent ang takbo ng sitwasyon. Batid niyang hindi siya mananalo kapag nilabanan niya ng mano-mano ang mga napakapalibot sa kanila. Ito ay dahil sa katotohanang ang mga ito ay mas matatangkad at mas malalaki ang katawan kesa sa kanya. Ang bawat isa kasi sa grupo ni Jason ay hindi bababa sa six feet ang taas at talaga namang mga panlaban ang mga katawan na tila ba mga football player ang datingan. Ilang sandali pa ng pagtantiya ni Vincent sa takbo ng sitwasyon ay saktong may nakita siyang padating na waiter na may dala-dalang malaking bakal na tray. Sa nakita niya ay tila may kung ano siyang naisip. Pasimple ay tumitig siya kay Cristina na para bang siya ay may gustong ipahiwatig dito. Parang nakuha naman ni Cristina ang gustong ipahiwatig sa kanya ni Vincent kung kaya siya ay pasimple ring napatango dito. At nang mapadaan sa tapat ni Vincent ang waiter na may dalang malaking bakal na tray ay agad niyang hinablot mula dito ang hawak-hawak nitong malaking bakal na tray at sa mabilis na paggalaw ay paulit-ulit niya itong inihampas sa ulo ni Jason. Dahilan upang matigilan sandali at mapako sa kanilang kinatatayuan ang mga kasama ni Jason. Tila sinamantala naman ni Vincent ang pagkakataong ito upang sila ng nobyang si Cristina ay makatakas sa lugar na kinalalagyan

“Tara na!”, pasigaw at tarantang pag-aaya ni Vincent kay Cristina na sila ay tumakas na sa lugar na kinalalagyan.

At magkahawak-kamay ay tumakas sina Vincent at Cristina sa kinalalagyan nilang lugar.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now