Chapter 65:

65 0 0
                                    

Sa loob ng isa sa mga silid ng isang pamosong motel ay makikita sina Davis at Karina. Kapwa sila nakaharap at nakatitig sa isa’t isa. Makikita pa nga ang bahagyang takot at pagkailang sa mukha ni Karina habang katitigan si Davis. Tila ba meron siyang kung anong kinatatakutan at pinangangambahan.

“Natatakot ako, Davis…”, si Karina sa halos pabulong at ipit na tinig.

Buong sinseridad naman na hinawakan ni Davis ang magkabilang balikat ni Karina na para bang ito ay pinapakalma niya.

“Huwag kang matakot, Karina. Ako ang bahala sa iyo. Pananagutan kita kahit na anupaman ang mangyari.”, ang tila pagpapakalmang sabi ni Davis kay Karina.

“Kasi Davis…Ito ang…first time ko… Natatakot ako… Nahihiya…”, si Karina na tila puno talaga ng pangamba.

“Kung ganon ay hayaan mong gawin kong napakamemorable ng first time mo, Karina. Hayaan mong punuin ko ng napakasasayang alaala ang unang sandaling ito sa ating pagitan. Hayaan mong ako ang maging una at huling lalaki sa iyong buhay…”, si Davis sa mga kay tatamis at kay roromantikong salita na tila unti-unting nagpapakalma kay Karina.

Bigla ay napapikit si Karina na tila ba may kung anong pinakaiisip-isip.

“Ito na ba ang sandali na ibibigay ko ang sarili kong pinakaingat-ingatan ko sa isang lalaki? Sa isang lalaking kakailan ko pa lamang nakilala… Pero sadyang akin nang…MINAHAL…”, ang nabubulong ni Karina sa sarili.

Mula sa pagkakapikit ay dumilat si Karina at siya ay napatingin ng seryosong tingin kay Davis.

“Ipinapaubaya ko na ang sarili ko sa iyo, Davis… Ito ay dahil…MAHAL KITA…”, si Karina sa tinig ng pagpapaubaya.

Puno naman ng kaligayahan ay nagsimulang halikan ni Davis si Karina. Hinalikan niya si Karina sa labi pababa sa leeg nito. Habang hinahalikan si Karina ay nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay niya sa mga maseselang bahagi ng katawan ng dalaga. Pinagsawa niya muna ang mga labi at mga kamay niya sa kabuuan ng dalaga bago ang ganap niyang pag-angkin dito. Kapwa sila walang saplot ay inihiga niya si Karina sa kama at dito ay sinimula niya itong angkinin. Nagsimula ang lahat sa tinatawag na foreplay at natapos sa tinatawag na climax. Makailang ulit pa ngang maririnig ang mga ingit at daing ng pag-aray ni Karina sa sakit na dulot ng unang sandaling pag-angkin niya sa buong kaangkinan nito. Saksi ang apat na sulok ng kuwarto sa unang sandali na si Karina ay inangkin at inari ng isang lalaking tila labis na niyang pinagkakatiwalaan bagamat sasandaling panahon pa lamang niya nakikilala.

“I love you, Karina…”

“I love you, Davis…”

At nagyakap ng anong higpit ang dalawa. Kapwa dinadama ang isa’t isa.

Sa kuwarto naman ng malaking mansiyon ni Genelyn ay makikita si Ryan na walang patid ang pagluha habang nakaupo sa kama dito. Si Genelyn naman ay awang-awang hinahaplos-haplos ang luhaang mukha ni Ryan.

“Kalimutan mo na siya, baby. Hindi ka niya mahal. Sinasaktan ka lamang niya at pinapalungkot. Ako ang totoong nagmamahal sa iyo. Sa piling ko ay liligaya ka. Paliligayahin kita. Pasisikatin kita, baby…”, ang tila pagpapatahan ni Genelyn kay Ryan.

Nagsimulang halikan ni Genelyn si Ryan. Mga halik na tila punung-puno ng pagkalinga. Sa kalaunan ay gumanti na rin ng paghalik si Ryan sa paghalik sa kanya ni Genelyn. Kapwa sila naghalikan ng anong suyo at anong init. Maya-maya pa ay bumaba ang mga halik ni Genelyn sa maselang parte ng katawan ni Ryan. Namalagi dito ang mga labi ng dalaga. Bagay na tila nagpaliyad kay Ryan. Tila dinadama niya ang tila kasarapang ibinibigay sa kanya ni Genelyn. Pero habang dinadama niya ang kasarapang ito ay tila iba ang iniisip niya at hindi ang kasalukuyang nagbibigay sa kanya ng kasarapang natatamasa.

“Karina… Karina… Karina…”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now