Chapter 4

22 2 0
                                    

Rein's POV

"Kinakabahan kasi ako at malamang na magagaling ang mga kasali." talagang nakakaba kasi first time kung mag join sa ganitung paligsahan.
"Ano kaba magtiwala lang tayo kay Roda at gagawin nun yung best nya para manalo at alam naman nating magaling si ROda kaya kahit nakakakaba go tayo laban tayo!" At iwinagayway pa ni Annalyn yung kamay nya pataas para lang sabihin ang laban kami e di laban.                     

"Oy! Naku mga friends alam nyo naba di makakapasok ngayun si ROda!" Sinalubong kami ni Carmie sa my pinto at natatarantang isinalubung samin ang balita kay Roda.                  

"Bakit? e ngayun yung usapan natin na magpapractice para sa cheer dance na ipanglalaban natin ay pano nayan?" Ang kinakabahan kung tanung sa mga kaibigan ko.

"Napano ba sya at di nakapasok?" pagtatanung ni Annalyn.                                       

"Ang sabi sakin ni classmate Annalyn pumunta daw kanina yung mommy nya at ipinagpaalam kay teacher na naka confine sa hospital si Roda sa St. Joseph Hospital nahirapan daw huminga at namumutla si Roda kagabi kaya isinugud na nila sa hospital" Ang dirediretsong balita nI Carmie samin ni Annalyn kinabahan ako at nagalala,           "Pano na tayo nyan sa susunud na araw na tayo mag audition  kung mag back out nalang tayo kasi di na tayo makakapag practice?" ang tanung ko sa kanila habang kami ay nasa may bukana ng pinto na patuloy parin sa pagkukwentuhan. "Hay nako bat kasi ngayun pa nangyari kay roda yun. tyak na magtatalon sa tuwa ang mga sosyalerang yun pag nag back out tayo!"  nanghihinayang na turan ni Carmie.

"Dalawin natin mamya c Roda,talagang ganun dinatin batid ang mangyayari hayaan nalang natin sila ang mag cheering squad, magaling naman sila at balita ko pinaghandaan ng husto ang competition nato". Hinawi ko ang buhok na lumaylay sa mukha ko habang sinasabi ko yun sa kanila. at kitang kita ko sa mga mukha nila ang panghibinayang na di na kami makakasali,

Kumatok kami sa kwarto kung saan naka admit ang friendship namin. "Halika kayo mga iha pasok kayo"  nakangiting mommy ni Roda ang bumungad samin habang nakahawak ang kamay sa dooorknob ng pinto. Lumapit kami sa my kama kung saan nakahiga si Roda at tila natutulog.

"TIta kamusta na po si Roda?ano po ba ang nangyari sa kanya?" Nagtanung ako habang nakatingin ako sa nakapikit na si Roda. Yung  apat na friend ship ko e naka upo na sa sofa at naghihintay naman sa sagut ng mommy ni Roda.

"Wala namang dapat ipag alala Rein at na over fatique lang ang kaibigan nyo.  ikaw ba naman ang mag practice mayat maya dika mapagud ayun naubus ang lakas ng batang yan! hay naku sobrang natakut talaga kami ng dad nya".  nakangiting pagkukwento ng mommy ni Roda samin "Nagmerienda na ba kayo?teka at kukuha ako sa ref ng makakain nyo".  nakangiting inalok kami ng merienda ng mommy ni Roda mommy ni Roda.  

"Naku wag na po kakamerienda lang po namin sa canteen bago po kami pumunta dito. katunayan po ipinagbalot pa namin si Roda ng paborito nyang pancit guisado".  maagap na sagut ng kaibigan kung si carmie.                        

"Yung pancit desiree paki abot na kay mommy". Ang sabi ni carmie sa kaibigan naming si desiree.   "

"Eto po mainit pa po."
sabi ni desiree sa mommy ni Roda habang nakahawak sa supot ng pancit at inabot sa mommy ni Roda.                                     

"Salamat sa pasalubong nyo sa kaibigan nyo".  pasasalamat ng mommy ni Roda samin habang inaabot ang pancit kay Desiree. 

"Mga BFF buteh binisita nyo ako !akahla koh matsutsugi akoh na di koh kayoh makikitah hahahahha"
pagbibiro samin ni Roda at nagulat kami ng todo dahil kausap namin ang mommy nya ng bigla siyang nagsalita.                             

"Ay palaka na buhay! Ano kaba Roda loka ka talaga alam mong minsan e magugulatin ako bigla bigla kang bibirit dyan kaasar ka talaga" reklamo ko sa kaibigan kung si Roda sobra naman talaga akong nagulat ng mga oras nayun.

"Hahahaha look mommy diba tutoo yung kinukwento kho sayow diba kagandang babae magugulatin hahahaha"! tumawa pa ng tumawa ang loka.

"Oo nga Roda magugulatin pala talaga itung muse nyo. kagandang babae e sobra kung magulat" nakangiting sagut ng mommy ni Roda.                                    

"Pasensya na po kayo at sobra lang po talaga akung magugulatin minsan. ito naman po kasing si Roda e lagi na lang po akong ginugulat".                                  

"Kaya nga mommy laging my pantal ako kakakurut nya hahahaha!"                                       At isinumbong pa talaga ako ng lokang  si Roda.                        

"Naku Rein pagpasensyahan mo na tung kaibigan mong to a. sobrang buskador talaga ang batang yan."   nakangiting sinabi sakin ng mommy ni Roda.          

"Ok lang po sanay na po kami kay Roda".
nahihiya kung sagut sa mommy ni Roda.                        

"Siya nga pala friendship , yaman din lang na under observation kapa at dika pa makakalabas . at kahit makalabas kadin bukas dika parin basta basta pweding gumalaw . kailangan mo paring magpahinga kaya napagdesisyunan namin na magback out nalang sa cheering squad competition". sabi ko kay Roda habang nakaupo ako sa gilid ng kama nya.                    

"Hindi pwedehh! tutuloy parin tayo diba walang bibitiw!" malakas na sagut ni Roda sakin.    

"Friend iniiisip lang namin ang kalagayan mo. at isa pa gahul na tayo dipa rin kami nakapagpapractice, dahil nga eto nakaconfined kapa. kaya wala ng dahilan para tumuloy tayo , at isa pa iniisip namin ang kalagayan mo". sagut ng kaibigan kung tisay na si joycel.                            

"Oo nga naman Roda. itutuloy natin e kung himatayin ka sa araw nayun , at kung anung mangyari sayo anung magagawa namin. kaya wag mo ng ipilit . ayaw namin na mapahamak ka".  sabi naman ng kaibigan kong si Annalyn.                                                   
"Tama lang ang mga kaibigan mo Roda. nagaalala sila sayo kaya sana maintindihan mo".  sabi naman kay Roda ng mommy nya.

"Mommy sayang kasi, panoh nalang yung hirap kow sa pag buo ng mga steps namin? tapus ganitow lang ang mangyayayri"  paliwanag ni Roda sa mommy nya, makikita  mo talaga ang lungkot sa mga mata nya.         
"Roda minsan may mga bagay na dapat tayung isakripisyo, lalo nat alam natin na di mabuti ang kahihinatnan nun. o sige nga itutuloy natin kung may mangyari naman sayo. ayaw namin ang ganun Roda, dahil alam mo naman na sa pagkakaibigan  natin pag nasaktan ang isa lahat tayo masasaktan, pag may sakit ang isa feeling natin  para narin tayong magkakasakit, pag wala ang isa sobrang lungkot. pano pa kung may mangyari sayo ? alam mo namang dilang magkakaibigan ang turingan natin. para narin tayung magkakapatid ! kya sana Roda wag mo ng isipin na sayang at itutuloy natin, ayaw naming my mangyari sayo". Habang nangingilid ang luha ko sa pagpapaliwanag sa kaibigan kung si Roda  , e nakaakbay ako sa kanya at pag katapus nun e nagsilapit ang mga kibigan namin. at inilahad ang mga kamay sabay sinabi namin ang motto naming "one for all,all for one walang iwanan"!! At ayun nagyakapan kaming lahat at nagkatawanan habang nakatingin samin ang mommy ni Roda na nakangiti at maluha luha.

You and Me TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon