Chapter 37

1 0 0
                                    

Rein's  POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko sunud sunud ang pasok ng text.

"Sino kaya ang nag text kaaga pa e  ang sarap sarap pa namang matulog e"  kinapa ko ang cellphone ko sa may side table ng kama ko.

Friendship Annalyn
6:20 am

Friend gising na! This is the day! Ano na nga pala ang nangyari kahapon?

Binasa ko ang message ni friendship Annalyn, ka aga pa at talagang inaantok pa ako,habang hawak ko ang cellphone ko e bumalik ako sa pagkakahiga sa kama.

"Talagang si friendship gusto laging updated." Natatawa kung nasabi sa isip ko.

Friendship Annalyn
6:22 am

Hoy gising na! Balitaan mo naman ako, dito lang ako naghihintay ng reply mo.

Natawa ako sa sumunud na text ng friendship Annalyn ko, nawala tuloy ang antok ko.

Friendship Annalyn
6:25 am
Miss na mahaba ang hair hanggang dito samin umabut ang haba ng hair mo, kailangan ko pa bang pumunta jan sa inyo. Para lang mabahagian mo ako ng pangyayari kahapon?

Napahagikgik ako ng tawa sa huling text ni friendship.di ako tuminag sa pagkakahiga ko at diko rin sinagut ang text nya,gusto ko kasi na pumunta sya ng bahay.

Diko namalayan nakatulog pala ulit ako.

"Rein please let me enter to your world, let me share to you my life my dreams..i wanted you to be part of me! You're the girl i waited for...please be my girlfriend." Matapus sabihin ni Lawrence ang mga linyang yun ay hinawakan nya ang mga kamay ko. Titig na titig sya sa mga mata ko at dahan dahang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Aktong hahalikan nya ako sa lips ng biglang my tumawag sakin. Ayun napabalikwas ako ng bangon kasi na alimpungatan ako at tuluyang nagising sa katok at tawag ni friendship Annalyn.

"Friendship bangon na mag 7:30 na!" Sinabayan pa ng katok ng friendship ko sinung di maalimpungatan sa boses na akala mo e nayuyuping lata. Kaya tumayo ma ako at tinungo ko ang pintuan at binuksan.

"Wow naman friendship ka aga aga wala nanan tayung pasok ngayun, dika man lang nakapag hintay na replyan kita." Bungad ko kay friendship na dire diretsong pumasok sa kwarto ko at na upo sa kama ko.

"Aba friend alas sais palang tinext na kita ni isang reply dika nakapagsend. Kaya eto tulad ng sabi ko pupuntahan kita alam mo naman tung friendship mo my word of honor pag sinabi ginagawa. Kaya eto andito nako sa kwarto mo kaya halika na dito at magkwento ka."  Tinuro pa talaga kung saan ako uupo.ang friendship ko talaga wala na akong masabi.

"Aba miss ni hindi pa ako naghihilamos at nag mumumug! Grabe ka talaga di makapaghintay, wait lang po a at maghihilamos ako!"  Pagkasabi nun  tumalikod na ako at pumasok ako ng banyo. Pag labas ko ng cr e nagulat ako at nasa gilid ng pintuan si friendship Annalyn talagang inabangan pa ako sa may pintuan."

You and Me TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon