Rein's POV
Natapus na ang klase namin sa Math salamat naman ang sakit sa ulo i hate math talaga. Habang kami ay palabas ng room e abot ang tanung ng mga friendship ko na halatang kinikilig.
"Sino ba yung guy nayon? ang gwapo nya at bakit parang titig na titig kay Rein kulang na nga lang habulin si Rein e". kilig na kilig sa pagtatanung si carmie na nakahawak sa strap ng bag nya na kulay brown.
"Oo nga meron ba kaming di nalalaman baka boyfriend mo nayun Rein ? tapus dimo samin sinabi ang daya naman pero ang gwaaaapohh nya hay makalaglag panty e ano ba talaga Rein sino siya?" halos tumitiling tanung ni joycel.
"Mag hintay nga kayo at sasagutin din yan ng bff natin, diba Rein? At saka bakit pati si Annalyn e kilala nya kasi narinig ko tinawag nya ito sa pangalan nya at Lawrence ang pagkakadinig ko,kayung dalawa mag kwento na kayo at di na kami makapaghihintay pa". Kinulit kami ni Desiree kaya ayun nag kwento na si friendship Annalyn.
Huminto kami saglit sa paglalakad at nagsimula ng magkwento si friendship.
"Eto nga kasi si Lawrence yun. yung kinuwento ko dati na nakapulot ng cp nitong si Rein 2 weeks ng nakakalipas.at yun nga at diba nga nakita mo naman kanina at dirin namin sukat akalain ni Rein na makikita namin si Lawrence. kaya itong bff natin e na shock ang beauty hahahaha".at tumawa pa ng pagka lutung lutung na talaga namang intensyon nya yun para manukso lakas lang talaga manukso nitong fruendship ko na ito eh.
"Pero ang sa tutoo nyan eh pinuntahan nya talaga ako dito.alam nyo na, sumabog na naman ang appeal ko hahaha." Hay nako nakakaloka na talaga tung friendahip ko na kumindat pa at tumawa ng pagkalakas lakas.
"Weh di nga? Bakit di mapuknat sa pagkakatitig kay Rein kung ikaw ang sinadya dito?" Nag duda pa talaga si Bff Joycel at nakangiwi pa habang nagtatatnung.
"Pwedi ba tama na yan at baka
Mahuli tayo sa susunud na subject natin,ang tutoo nyan wala naman talagang sinadya dito si Lawrence at aksidente na magkita kami kanina, diko alam kung bakit siya narito o ano klaro na ?at wala akung inililihim sa inyo diko rin naman alam kung bakit narito siya, period.sa paliwanag ko e natahimik ang tatlo at sabay sabay na sumagut ng "ah ganun ba".Malapit na kami sa susunud na subject namin ng makasalubong namin ang grupo mi cheska.At ng matapat samin nagparinig na naman ang sosyalerang si cheska na kuntodo makakembot na akala mo e rumarampa sa entablado.
"Girls ready na kayo bukas ha buti na lang walang nagback out sa inyo , kasi kahit naman mag back out ang isa sa inyo e kayang kaya naman nating ipanalo at lumaban competition,diba girls?" Kontodo arte sa pagsasalita ang loka na walang hilig magparinig.
Naimbyerna si friendship Carmie at tinapatan ang pagpaparinig ni Cheska na ginaya pa ang arte sa pagsasalita ni Cheska.
"Girls mainam ng nag back out tayo kasi kung tumuloy pa tayo magkakaroon pa ng kalaban tiyak na mahihirapan yung mga judges, ok lang naman na di tayo tumuloy tiyak na sila ang mananalo ,diba girls?" hinila kona ang kamay ni Carmie para huminto na sya at mabilisan na kaming naglakad at nakita ko na masama na ang tingin samin ni Cheska.
"Bilisan nyo na at nakita ko na yung teacher natin sa Pilipino baka mamya ma late pa tayo" inilakas ko ng bahagya ang pagsasalita ko para maawat na sila at pinagmadali ko sila friendship para dina kami mapaaway sa grupo nila Cheska.
"Hay naku Carmie dapat dimo na pinatulan pa ang pagpprinig ni Cheska. kulang lang sa pansin ang grupo nun". sinermunan ko si friendahip Carmie habang papasok na kami sa room ng subject namin sa Pilipino.
"Nakakaasar na kasi akala mo kung sinung pagkagaling galing,Sila na ang magaling at manalo sa competition!" naiinis pa ang friendship kung si Carmie inakbayan ko nalang sya sa balikat
habang pumapasok na kami sa loob ng room.Uwian na ang tagal talaga ng oras pag nagaaral ka. magkakasabay kami ng mga friendship kong naglalakad ng mapadaan kami sa may waiting shed e andun ang grupo ni cheska at may iba pang kababaihan na parang my pinagkakaguluhan,my nakahintung sasakyan na ang tatak e Lexus,kulay charcoal black na mate.
"Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan ng mga babae dun at kasama pa yung mga sosyalera baka may pautut na naman ang magbabarkadang yun". Pansin ng friendship kung si Annalyn habang naglalakad kami papunta dun.
"Wag nyo na lang pansinin basta pag malapit na tayo kunwari di nalang natin sila nakita para iwas nalang tayo sa gulo,ok ba yun mga friendship?" Pinakiusapan ko sila para kami ay maiwas na sa kung anung gulo na talaga namang laging pinamumunuan ng grupo ni Cheska. diko nga alam kung bakit ganun kainit ang dugo nya sakin. Alam ko kasi na ako ang puntirya nya pero diko nalang pinapansin para di na magkgulo.
Ng napatapat na kami sa mga babaeng nakakumpol sa my waiting shed biglang nagsalita si Cheska ng pagkalamhing lambing,
"So tita mo pala si ma'am Guanzon yung superentendent namin dito sa school? hinihintay mo ba sya?"nakangiti ng pagkatamis tamis ang sosyalera habang nagtatanung sa lalaking nakasandal sa pintuan ng kotse na parang may hinihintay.
"Yah she's my aunt and i visited her that's why im here.."
O my god si Lawrence, bigla na namang kumabog ang dibdib ko. At iniisip ko kung pano pag nakita ako nito eto na malapit na akung dumaan sa tapat nya.
BINABASA MO ANG
You and Me Together
RomanceLangit at lupa iyan ang pagitan nila kung ituring nila. Akala nila'y magiging madali lang ang isang relasiyon kung ika'y magtitiwala at maghihintay. Pero paano kung nawalan na ng tiwala sa'yo ang isang taong ang tagal na naghintay pero hindi ka buma...