Third person's POV
Pagkapasok sa kwarto nya si Rein e nagdiretso na agad sya sa banyo para maligo.ng matapus tinungo nya ang tokador nya at sinuklay nya ang halos hanggang baywang nyang buhok,makintab at baksak ang buhok ni Rein.syempre natapus ma suklay ay itinaktak nya sa likod at dibdib nya ang paborito nyang baby powder di baleng walang baon basta may baby powder lang sya,di kumpleto ang araw nya pag walang baby powder idagdag pa ang baby cologne.
"Rein Rein!" Tinatawag si Rein ng nanay nya at tumayo si Rein sa kinauupuan nya at tinungo ang pinto para lumabas ng kwarto at nagmamadaling bumaba.
"Bakit po mother"? tinanung ni Rein ang nanay nya at napansin nyang tila my tao sa terrace.
"Naan diyan sina Luther at gusto ka daw kausapin." Sabi ni ate Glo sa lanya.
"Bakit daw po?" tinanung nya ulit si ate Glo bag lumabas para harapin sina Luther.
"E sila na magsasabi sayo dirin klaro sakin ang sadya nila sayo."di daw alam ni ate Glo yun ang sagut sa kanya pero ngiting ngiti naman ito na para bang naeexcite. Kaya nagtaka si Rein.
"Hello Rein"binati sya ni Luther at ng mga kasama nito.
"Hello bakit napasyal kayo?"tanung nya kina Luther.
"Mangyari Rein meron sana kaming hihinging pabor sayo." nagpasakalye pasi Luther di nya pa madire diretso ang pakay nya kay Rein.
"Ano bang pabor ang hihingin nyo?" Si Rein na ang nagtanung para di na sila mag atubili sa pakay nila dito.
"Pwedi bang kuhanin ka naming muse sa team namin. Sa Baranggay kasi natin kami yung ieentry nila kapitan,at eto nga nangangalap na kami ng pondo para sa uniform namin. e nuon pa kasi gusto ka ng kuhanin ng team na sumali nung isang taon kaso may iprinisinta si konsehala Elvie .!ayun talo yung ipinrisinta nilang muse pero kung ikaw ang isasali malamang na ang panalo sa muse plus gagalingan pa namin tyak mahahakut natin yung trophy." dire dire diretso sa pag bibida si Luther at tuwang tuwa pa sya habang nagkukwento kay Rein.
"E kasi sa tutoo lang Luther hindi talaga ako mahilig magsasali sa ganyan baka kung pupwede iba nalang yung kuhanin nyo pasensiya na talaga ha"hindi pumayag si Rein na mag muse kaya humingi ito ng pasensya kay Luther at sa mga kasama nito.
Biglang lumabas ang nanay nya terrace tila narinig nito ang pinag uusapan nila ni Luther.
"Ano kaba naman Rein pinakiki usapan ka na ng kababata mo at pinsan mong si Luther at tiyak pag dika pumayag si kapitan pa ang pupunta dito para paki usapan ka." Medyo makulit si ate Glo kaya kailangan pag nag salita siya tahimik kalang muna kaya ng matapus mag salita si ate Glo e si Rein naman ang nakiusap sa kanya.
"Nay alam nyo naman pong di ako mahilig sumali sa ganyan kaya sorry po kung diko matatanggap yung alok nila". humingi din ng paumanhin si Rein sa kanyang ina at muli kay Luther at sa mga barkada nito.
"Pasensiya na talaga kayo talagang di ako sanay at bukod pa dun e nahihiya ako, ksi nga talagang di ako sanay sa ganyan kaya sana kung meron kayung napipisil pa siya nalang kuhanin nyo at sorry talaga Luther."
Nagpaalam na ang pinsan nyang si Luther . makalipas ang ilang minuto eto at bumabalik sila kasama na si kapitan.
"Tuloy kayo kapitan!" pinatuloy ni nanay sila kapitan ngunit tumangging pumasok sa loob dun nalang daw sila sa terrace.tinawag si Rein ni ate Glo para kausapin ni kapitan.
"Magandang hapon Rein".binati si Rein ni kapitan na tumayo ng siya'y lumabas at lumapit sa kanila.
"Magandang hapon naman po kapitan" ganting pag bati ni Rein sa butihin nilang kapitan na sabi nga ng nakakarami e talagang maasahan.
"Rein dina ako magpapaliguy ligoy tinanung ko kasi tung pinsan mo kung nakausap ka ang sabi sakin e ayaw mo daw sumali? Reing kaya ako naman ang pumunta para paki usapan ka. kasi sayang din yung award na makukuha ng baranggay pag nanalo tayo at bukod dun e me premyo pa ang mananalong muse. Kaya Rein nakikiusap kami sayo na sana pumayag ka ng mag muse sa baranggay natin."
Nakiusap si kapitan at nahiya si Rein kaya nagdalawang isip at nag isip. sa sobrang hiya naman sa kapitan ay umoo na ito para di mapahiya ang kapitan.
"E kapitan nahihiya po talaga ako at di po talaga ako sumasali sa ganyan.pero mahihiya naman din po akong tanggihan kayo kaya po sige po papayag na po ako kung sa inaakala nyong makakatulong yun sa bario natin kung tayo po ay mananalo,pero pagpasensyahan nyo po kung medyo sa laban e lumabas ang pagkamahiyain ko pero po pipilitin ko pong wag ientertain yung hiya sa araw nayun."
Tuwang tuwa si kapitan at yun ay nakita ni Rein sa mga mata ng butihing kapitan. Maging ang pinsan nyang si Luther at ka team mate nito ay tuwang tuwa sa kanyang pag payag.napapalakpak pa nga sa sobrang tuwa na pumayag sya.
"Salamat Rein maraming salamat at pinaunlakan mo ang pakiusap namin."
"Pasensya na po kayo kapitan kung nag alinlangan pa ako sa pag sali."nahiya kasi si Rein at sinadya pa talaga sya ni kapitan kaya no choice kaya napilitan syang pimayag sa pag kuha sa kanyang muse.
"Naku kapitan pagpasensiyahan nyo na ang batang yan ha at sibra lang talagang mahiyain yan."humingi ng dispensa yung nanay ni Rein kay Kapitan.
"Alisin mo ang hiya hiyang yan Rein walang idudulot na maganda yan sayo aba kaganda mong bata mahihiya ka." Sabi pa ni kapitan sa kanya bago ito nagpaalam at pati pinsan nitong si Luther e nagyabang pa.
"Kapitan pinsan ko po yan at nasa lahi po."ngiting ngiting pagmamalaki ng pinsan nya.
"Hahahaha!"natawa si kapitan sa arteng ginawa ng pinsan nya.
"Ikaw talaga Luther ka,o pano Gloria alis na kami,maraming salamat Rein at aasahan namin na dina magbabago ang isip mo iha".
Paniniguro pa ni kapitan bago umalis."Makakaasa po kayo kapitan na di magbabago ang isip ko."salamat din po sa pagparito at pasensya narin po."
Nagpaalam narin ang pinsan nyang si Luther na ginulo pa ang buhok nya."Bye pinsan at aasahan ko ang panalo mo itayo mo ang bandera natin ha".
Dumila pa si Rein sa pinsan at sinabi nito na.
"oo na pero wag masyadong proud, !"pag kasabi nun e tumawa ito ng malakas.
BINABASA MO ANG
You and Me Together
RomanceLangit at lupa iyan ang pagitan nila kung ituring nila. Akala nila'y magiging madali lang ang isang relasiyon kung ika'y magtitiwala at maghihintay. Pero paano kung nawalan na ng tiwala sa'yo ang isang taong ang tagal na naghintay pero hindi ka buma...