Rein's POV
Busog na busog kami ni Friendship Annalyn napasarap
Ang kain namin. Iniligpit namin yung pinagkainan namin at pagkahugas ng mga ito e umakyat na kami sa itaas at pumasok sa kwarto ko para mamili ng isusuot ko mamayang 6pm.Dipa nakakapag bukas ng bibig si friendship na alam ko namang magrereklamo na e sinimulan ko na ang kwentong kanina nya pa hinihintay.
"Eto na nga friendship pagkatapus nung parade kahapon e inihatid na kami ni lawrence pero bago ang pangyayaring yun sinundo nya muna kami at friendship ang aga talaga nyang nanundo. Tapus sinamahan nya kami ni nanay sa parlor akalain mo napagkamalan syang BF ko nahiya nga ako e. Ng inaayusan na ako lagi ko syang nakikita na nakatingin sakin alam mo ba friendship sobrang kinabahan ako pag nahuhuli ko syang nakatingin sakin, nagkukunwari nalang akung diko napapansin yun, tapus ayun inaalok ako ni tita Pinky na magmodelo sya daw mag hahandle sakin at marami daw syang kakilalang kumukuha ng modelo at karamihan e mga kaibigan nya." Di ako magkandatuto sa pag kukwento sa friendship ko na kinikilig pa pag sinasabi ko yung mga napapansin kong kilos ni Lawrence.
"Talaga friendship?! Pagkakataon muna i grab mona ang pagkakataung lumalapit sayo, at yan naman talaga ang pangarap mo diba? At alam mo ba friendship na nuon ko pa nararamdaman na sasabak ka sa ganyang trabaho kasi nga mapapansin at mapapansin ka dahil nga pang modelo ang itsura at tindig mo sa ganda at tangkad mo na yan talagang qualified na qualified ka dilang sa modelling kahit sa showbiz malamang papatok ka!" Tuwang tuwang nasabi sakin ni friendship mas sya pa itung excited kesa sakin.
"Alam mo friendship gusto ko talaga ang problema malamang di papayag sina nanay at tatay.kaya pagaaral na lang muna ang dapat kung tuunan ng panahon at pansin." Nakaramdam ako ng konting panghihinayang ng mga oras nayun pero no choice talaga kundi ang isang tabi ang pangarap na gusto at mag focus muna sa pag aaral.
"Friendship ano kaya ang magandang isuot ito bang pink or itung bestida kong gray? O kaya naman itung yellow na bulaklakin kung long dress?" Tinanung ko si friendship Annalyn habang idinikit ko sa katawan ko ang mga bestida ko para makita nya kung ano ang mas bagay sa akin.
"Buti pa kaya friendship isukat mo yung pink at yung yellow para makita natin kung anu ang mas maganda at mas may dating sige na isuot mo na". Tanging nasabi sa akin ni friendship Annalyn dahil hindi sya makapag decide sa dalawang bestida na hawak ko.
Dali dali akong pumasok sa banyo hawak ang dalawang bestida.inuna kung isuot ang kulay pink na above the knee ang haba na medyo pa ballon ang tabas ng ibaba tapus sabrina naman ang tabas sa may balikat."O ito friendship ok ba?" Tanung ko kay Annalyn.
"Wow ang ganda chic na chic ang dating mo dyan friendship lalong maiinlove sayo si Lawrence at ang kulay bagay sa morena mong balat." Tuwang tuwa si friendship pagkakita ng suot kong bestida at agad akong pinagpalit yung kulay yellow naman daw ang isuuot ko.
"O ano eto na ba o yung pink?" Tanung ko kay friendship pagkasuot ko na yellow na long dress at pabaksak ang tela naman at spaghetti strap naman ang sa may manggas na may kut sa beywang ang tabas ng bestida kong yellow.
"Ano bayan friendship di ako maka pili pareho syang bagay na bagay sayo! Sa suot mo naman nayan mukha kang fresh na fresh ano ba talaga?wait ha sandali lang kailangan kung isipin mabuti." Hirap magdecide si friendship Annalyn sa isusuot ko.
" ok sige friendship yun na lang pink ang isuot mo kasi medyo formal yun yun na lang at lilitaw ang long legged legs mo dun yun ang isuot mo mamaya." Sa wakas naka pili na rin si friendship.
"Tapus mamaya babalik ako dito friendship ayusan kita ng konti para lalong lumutang ang beauty mo!" Sobrang excited ang friendship ko sa kaganapan mamaya.
"Talagang aayusan pa ako o baka gusto mong mag bihis narin at samahan ako mamaya kasi sa tutoo lang friendship kinakabahan ako e." Nahihiya kong kumpisal kay friendship Annalyn.
"Nako friendship wag na di naman ako invited e." Mukhang ayaw akong samahan ni friendship pano na kaya baka himatayin ako pag harap ko sa pamilya ni Lawrence.
"Please naman friendship o alam mo naman ako pagkinabahan, sige ka pag dimo ako ainamahan kay friendship Roda ako magpapasama." Abut abut ang paki usap ko kay Annalyn.
"Hay nako ikaw talaga friendship kung dilang talaga kapatid na tayo nako, siya sige sasamahan na kita baka mamaya sabihin ni Lwrwnce bat kapa nagsama ng chaperon nakakahiya." Tignan mo itung friendship ko sasamahan nga ako kung anu ano pang sasabihin.
"Hindi naman ganun si Lawrence at wag kang magalala ako naman nag invite sayo." Ngumiti ako at sinabayan ko pa ng kindat si friendship pag kakasabi ko nun.
"Oo na nga diba pumayag na ako kaya wag mo ng gamutin yang charm mo! Sya sige uwi na ako at mamimili din ako ng isusuot dadalhin ko mamaya dito na ako magbibihis tapus twagan mo si Lawrence na kasama ako ha para alam nya." Di talaga ako matanggihan ng friendship ko .
"O sige gusto mo bago ka umuwi tawagan kona para alam mo na pinarating ko na sa kanaya na kasama ka baka kai mamaya isipin mo diko sinabi." Pagkasabi ko nun e kinuha kona ang phone ko at tinawagan kona si Lawrence.
"Hello.." Sagut ni Lawrence
"Lawrence about the dinner tonight." Panimula kong nasabi kay Lawrence
"What is it Rein? Problem?" Alanganing tanung ni Lawrence na pakiramdam ko e kinabahan baka akala e diko sya sisiputin.
"Yes.. Am...can i bring friendship Annalyn with me? Tanung ko kay Lawrence.
"Sure why not.. I know what you feel so you can bring Annalyn with you to make you feel comfortable. Sagut sa akin ni Lawrence.
"Thank you Lawrence, bye see you." Nagpasalamat at nagpaalam na ako kay Lawrence.
"Bye Rein..and i miss you." Kinabahan ako sa sinabing yon ni Lawrence pakiramdam ko namumula na naman ang pisngi ko.
"Bye." Tangi kong naisagut at pinatay kona ang phone ko.
"Oy bakit ang pula pula ng pisngi mo ano napahiya kaba at namula ang pisngi mo?" Tanung sa akin ni friendship Annalyn.
"Hindi ah kita mong nag thank you ako e". Sagut ko kay friendship Annalyn.
"O e bat namumula pisngi mo?" Ngiting ngiting tanung sa akin ng intregerang friendship ko.
"Pano sabi nya sakin I miss you." Nahihiya kong nasabi kay friendship Annalyn.
Tuwang tuwa si friendship Annalyn at panay hampas sa balikat ko pano di mapigilan ang kiligin.
"Aray ko naman!" Angal ko sa friendship ko.
"Sorry friendship sobra lang kasing nakakakilig grabeh! Sinasabi ko na nga ba unang kita palang sayo ng mokong nayun e tinamaan na agad yun sayo e!" At talagang nagtitilin pa ang friendship ko.
"Ano kaba wag kang maingay baka magalit si nanay! Sige na umuwi kana at mamaya na lang." Tinaboy kona si friendship para tantanan ako sa panunukso nya.
"O sige friendship mamaya na lang. I miss you! Sabay tawa ng malakas bago tuluyang lumabas ng kwarto talagang ang friendship ko na yun sobrang manukso.
Naiwan na akong mag isa sa kwarto at tinabi kona ang inilabas kong mga bestida pero di maalis sa isip ko ang sinabi ni Lawrence deep inside e talagang kinilig naman ako.matapus kong mag tabi ng mga bestida ko e naglinis na ako ng kwarto ko at pagkatapus nun e sa ibaba naman ako maglilinis.
BINABASA MO ANG
You and Me Together
RomanceLangit at lupa iyan ang pagitan nila kung ituring nila. Akala nila'y magiging madali lang ang isang relasiyon kung ika'y magtitiwala at maghihintay. Pero paano kung nawalan na ng tiwala sa'yo ang isang taong ang tagal na naghintay pero hindi ka buma...