Rein's POV
Maupo ka Lawrence". Sa sobrang kaba ko e tinagalog ko na sya alam ko naman maiintindihan nya ako at nakakapag salita naman sya ng tagalog.
"Im sorry Rein if i came and visit you, I just wanted to know more about you and i like to meet your parents and siblings too. And really they are so wonderful! You're such a lucky girl having that wonderful family and im happy for you. Please don't get mad of me co'z i really love to know you better." Ano ba tong Lawrence nato diba nya alam na sobra akung natataranta at diko alam kung bakit gusto nya pang malaman ang lahat lahat sakin. Sabagay normal lang siguro yun sa isang nakikipag kaibigan at isa pa ganun siguro sa australia pag nakikipag kaibigan ,kaso lang ano ba tung ginagawa nya titig na titig pa sakin at dyos ko pinapungay pa ang mata habang nagpapaliwanag sakin.
"Aamm, thank you Lawrence, you're right i have a wonderful family, and my parents are great!" Akala ko mabubulol na naman ako buti nalang hindi hay bat kasi ganito at anu bang motibo ni Lawrence,ayokong mag isip baka talagang ganun lang siya.
Nagkwentuhan pa kami ni Lawrence at marami pa akung nalaman tungkol sa kanya tulad ng isa pala syang dancer dun sa university na pinapasukan nya. Iniinum ni Lawrence ang buko juice na inilabas ni nanay ko ng biglang mag ring ang phone nya.
"Excuse me Rein," nagpaalam sya sandali para sagutin ang phone nya.
Tumayo siya at lumayo ng konti sakin para makausap nya ng maayus yung tumawag sa kanya.
"Yes tita ill be there just give me thirty minutes ok." Nagpaalam na sa kausap nya si Lawrence at bumalik sya ulit sa upuan.
"Rein thank you, really I love to visit you and your family. Please allow me to be back and visit you again.Thank you Rein, i'll go now were's tita Glo? Tinanung nya si nanay kung nasaan at magpapaalam daw sya, kaya tumayo ako at tinawag ko si nanay,
"Tita thank you very much you're so wonderful tita," Nagpaalam nasi Lawrence kay nanay.
"Ok iho at wag kang mag alala lagi kang welcome dito kahit anung oras. Pag kaibigan ng anak ko kaibigan narin namin." Halatang ok si namay kay Lawrence kasi diko nakitaan ng pag susungit si nanay at ganun pa ang sinabi kay Lawrence Always welcome si Lawrence sa bahay namin,
"Good bye Rein ".nakangiting paalam ni Lawrence at ng malapit na sya sa may gate e huminto sya sa pag lakad at sinabi na...
"See you tomorrow Rein." At kumindat pa ang mokong bago tuluyang lumabas ng gate.
Pagpasok ko sa loob, sa salas e naka upo si nanay sa sofa at nakatingin siya sakin, nakangiti si nanay at sadya nya akung hinintay. Eto na ang kinakaba ko iha hot sit ako nito.
"Halika muna Rein at maupo ka muna, eto uminum ka ng buko juice at kainin mo tong chicken sandwich, mag merienda ka muna bago ka mag palit ng damit." Umupo ako sa tabi ni nanay at uminum ako ng fresh buko juice.
"Rein mabait na bata yang bago mong kaibigan nayun, magalang at mukhang matalino at isa pa gwapo anak a,". Ayan na ang nanay ko nagsimula na, at nanimpli pa ng panunukso.
"Di lang naman po ako ang my kaibigan sa kanya nay pati po yung mga friend ko kaibigan narin si Lawrence, at opo mabait po si Lawrence." Nakangiti ang nanay ko habang ako e nagkukwento.
"Pero alam mo anak ikaw e papunta pa lang ako pabalik na, alam ko na dilang pakikipag kaibigan ang pakay sayo ni Lawrence, anak yung lalaking yun e mayroong pagtingin sayo. Ang masasabi ko lang anak hindi naman kita pagbabawalan na maligawan alam ko nadarating yun at di mapipigilan ang sakin lang anak maging matalino ka pag dating sa pag ibig at wag mong pababayaan ang pag aaral mo, nagkakaintindihan ba tayo Rein? At isa pa anak ok lang na magkaboyfriend ka wag lang masyadong lapit ang katawan dahil sa ganyan nagsisimula ang lahat tapos pag natukso kayo anu na mangyayari? Sira ang pagaaral mo anak tapus mapapasubo kana sa pagaasawa. Tandaan mo ang lahat ng yan ay may tamang panahon kaya di dapat minamadali.kung inlove ka gawin mong inspirasyon wag yung kung todo bigay ka, yun e paalala ko lang Rein dahil ayaw ko na walang mangyari sa buhay mo dahil alam ko na mataas ang pangarap mo, higit ang magiging kalungkutan namin ng tatay mo kung yun e di mo marating." Sobrang nagpaalala si nanay e di naman nagliligaw sakin si Lawrence, at diko naman sisirain yung mga bilin nila sakin ni tatay.
"Nay dipo ako magsasalita ng tapus, ang pag aaral po ang priority ko at isa pa po nay kung sakali na magka bf ako, pipiliin ko rin po yung may pangarap para po sabay naming matupad pangrap namin." Tumayo ako at pumunta sa may likuran ni nanay at yumakap.
"Rein anak kaya ko lang sinasabi sayo yun dahil gusto ko na matapus mo pag aaral mo dahil ayoko dumating ang panahon na maliitin ka ng iba." Habang sinasabi ni nanay yun e hinahaplos nya ang braso ko.
Tumayo narin si nanay at nagpaalam na magluluto na ng hapunan. ako naman e pumanhik na para maligo.
BINABASA MO ANG
You and Me Together
RomanceLangit at lupa iyan ang pagitan nila kung ituring nila. Akala nila'y magiging madali lang ang isang relasiyon kung ika'y magtitiwala at maghihintay. Pero paano kung nawalan na ng tiwala sa'yo ang isang taong ang tagal na naghintay pero hindi ka buma...