Chapter 20

6 2 0
                                    

Rein's POV

"Rein bumangon kana at nasa baba nasi Annalyn." Kinatok ako ni re at mas maaga kesa dati ang pag gising nya sakin maagang dumating si friendship kasi ano kayang problema?

"Opo nay wait lang po at nagsusuklay po ako ng buhok." Nagpony tail ako dahil sobrang init pag gising ko palang naramdaman ko na ang init sa balat ko at medyo basa ang likod ko ng pawis kaya dali dali akong naligo at magpatuyo ng buhok para ma i pony tail ko.  sakto lang naman pagkatok ni mother sa pinto.

"Friendship bat napaka aga mo yatang manundo anung problema?" Nasa last na baitang nako ng hagdanan namin ng tanungin ko si friendship na naka upo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo, malamang hinanap na naman ang balita sa idol nya.

"Problema ka dyan! Napaaga lang ang gising ko kesa dati sige na mag breakfast kana at ng makapasok na tayo." Muling nag basa ng dyaryo si Annalyn at ngumiti pa sakin bago nagbasa.

"Halika sabayan mo ko paborito mo tung ulam namin ngayun, adobong baboy. San nga pala si nanay?" Niyaya ko si friendship kumain ng almusal dahil adobo ang ulam namin na paboritong paborito nya. Ipinaglagay ko sya ng plato sa may tabi ko.

"May bibilin lang daw sa tindahan,kumain na ako ay friendship  tinapay lang naman, yaman din lang na mapilit ka sino ba naman ako para tumanggi sa kaibigan kong sobrang haba ng hair.at binigyan pa ng isang gwapong prinsipe ng paborito nyang bulaklak, hay sarap naman nakaka inlove! Kinilig pa si friendship alam ko naman kaya napaaga ng panunundo si friendship e dahil yun ang pakay ang makapagtanung agad at ang makapanukso agad hahaha si friendship talaga.

"Sorry friendship di na kita na text kagabi ha kasi nag cut na yung unli ko tinamad na akong magpaload kagabi e." Sumandok na ako ng kanin at inilagay ko sa plato ng friendship ko na naupo na sa may tabi ko.

"Ikaw talaga friendship ka aga mong mambuska, halika na nga kumain na tayo eto pineapple juice mo." Inabut ko ang pineapple juice nya at pag tapus e humigup na ako ng mainit na tsokolate ko, bumukas ang gate malamang si nanay nayun.

"Rein, Annalyn eto ang catsup alam ko na paborito nyong sawsawan ito dyan sa adobo, kumain kayo ng husto ha iwanan ko muna kayo jan at gigisingin ko naman yung dalawang kapatid mo para makapag ready naman sa pagpasok." Talagang alam ni nanay ang trip namin ni friendship sa adobo nyang napakasarap. Ganadong ganado si friendship sa pagkain.pumanik narin ai nanay sa taas ng bahay namin para gisingin ang dalawa kung kapatid.

"Sarap talaga ng adobo ni ate Glo dami kong nakain ay," hinihimas pani friendship ang tyan nya habang tinutulungan nya akung magligpit ng pinagkainan namin.

"The best talaga si mother sa pagluluto,halika na bilisan na natin at baka mahuli tayo.  ngayun ang program sa school simula na ng competition sa cheering squad." Kinuha ko na ang bag ko at inilagay ko na yung ribbon ng uniform ko.

Nananaog nasi nanay sa hagdan at lumapit na kami ni Annalyn para magpaalam, humalik na ako sa pisngi nya gayun din si Annalyn at nagpaalam na kami.

"Ingat sa pag pasok at pag uwi, Rein kumain ka ng lunch mo ha baka mamaya dika na naman kumain." 

"Opo nay, kumakain naman ako ng lunch kaya lang po di ako nakakain nung isang araw diko gusto ulam sa canteen." Niyaya ko na si Annalyn.

"Sige po ate Glo salamat po sa napaka sarap na adobo."  Nagpaalam  muna si friendship at lumakad na kami palabas.

Habang kami at naglalakad ni friendahip panay ang tanung sakin.

"Oy miss Rein anung nangyari kahapon at bat andun si Lawrence alam mo ba na binantayan ko pa yung sasakyan nya kahapon baka kasi may makasagi."pagyayabang pa ni friendship Annalyn sakin.

"Wala friendship bumisita lang at gusto nya daw talaga ma meet ang parents ko at yun nga alam nyang nasa abroad si tatay." Pero di dun hihinto ang tanung ni friendship marami pa syang tinanung.

"Anung sabi ni ate Glo?" Tanung nya pa sakin.

"Nako pag pasok ko sa may gate andun sila sa terrace nagkukwentuhan at bahagya pang nagtawanan e, akala ko nga pagagalitan ako ni mother pero baliktad sa inaasahan ko." Sagut ko kay Annalyn,malapit na kami sa paradahan dahil nga sa nagkukwentuhan kami nag decide nalang kami na wag ng sumakay at maglakad na lang kami papunta sa paradahan mga shuttle at dun payun sa bayan.  Malapit din naman yun kahit lakarin namin ni friendship Annalyn.

"Talaga friend di nag sungit si ate Glo?  Wow believe na ako sa charm ng Lawrence mo nayun ah." Tuwang tuwa si friendship Annalyn sa nalaman nya kasi alam nya na bibihira lang talaga na di mag sungit si nanay. Ano nga kaya ang ginawa ni Lawrence at nagustuhan sya ni nanay?

"Iba talaga ang charm ng prince charming mo". Kumindat pa sakin ang loka kung friendship lakas mang buska e.

"Nagulat nga din ako friendship diko sukat  akalain na pupunta sya sa bahay." Tutoo naman sinabi ko kay friendship Annalyn.  Patawid na kami ng daan at malapit na kami sa shuttle na sasakyan namin ng may biglang bumusina sa tapat namin dun sa tatawidan namin.

"Friend si Lawrence!" Kinikilig na sabi sakin ni friendship Annalyn.

Sa sinabi ni frinedship Annalyn biglang dumagundung sa dibdib ko dahil sa sobrang kabog nito.
Nakatawid na kami ng daan at naka labas na ng sasakyan si Lawrence hinihintay na kami. Lumapit sakin si Lawrence at kinuha ang bag ko sya na daw ang magbibitbit at ihahatid daw kami as usual titig na titig na naman sakin ang mokong tapus biglang dumikit sakin nagkauntugan pa nga ang balikat namin kaya napatingin ako sa kanya.

"You're so beautiful". Pabulong nyang sinabi sakin, titig na titig sya at napahinto pa kami sa paglalakad ng biglang nag salita si friendship Annalyn.

"Hey Lawrence Rein is melting!  Tumawa ng malakas si friendship Annalyn pagkasabi nun. "Lets go now baka ma late kami." Panay ang kindat sakin ni friendship at nakatawa pa, hay nako talagang matutunaw ako buti nalang si friendship e nagsalita. Inalalayan ako pasakay ni Lawrence habang si Annalyn e nasa loob na ng sasakyan.

You and Me TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon