5:45 AM

12.7K 334 89
                                    

PROLOGUE

***

Hindi naman ako tanga, alam ko na wala ka na. Pero mahirap lang na tanggapin 'di na kita kapiling.

- Ulan / Cueshe

Ibinababa ko ang pampitong bote ng alak na hawak ko matapos kong lagukin ang natitirang laman nito. Pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko, umeepekto na yata ang alak sa katawan ko. Sabagay, halos tatlong oras na rin kami rito sa Karaoke Bar na pinuntahan namin pagkatapos ng gig.

Mabilis kong inagaw ang mic kay Alex at ako ang kumanta sa part ng chorus.

"TANGING HILING KO SA'YO NA TUWING UMUULAN, MAALALA MO SANANG MAY NAGMAMAHAL SA'YO AKO ..."

Todo bigay ako sa pagkanta na 'kala mo wala nang bukas. Nangibabaw ang tawanan ng barkada.

"Potaena ka, Ken! Inom pa! Hahaha!" tuwang-tuwang kantiyaw ni Alfred.

"Hoy mga gago, nasa katinuan pa ba 'yang si Ken? Nagwawala na, oh. Baka mamaya 'di na naman makauwi 'yan!"

Hindi ko alam kung concern ba sa akin si Jeremy o ayaw niya lang talaga akong akayin pauwi. Natawa ako. Gago talaga.

"Hayaan na muna natin 'tong si Ken Kristoffer. Alam niyo naman na wasak pa ang puso niyan. Hangga't blonde pa ang buhok ni kumag, ibig sabihin 'di pa 'yan nakakausad kay ----"

Dumakot ako ng kornik at ibinato ko sa mukha ni Japeth kaya 'di na niya natapos ang sasabihin.

"Gago!" singhal ko sa kanya.

Muling umugong ang tawanan. Napailing na lang ako.

Mas bagay raw kasi sa akin ang blonde na buhok dahil maputi ako, sabi niya.

"LALALALALA! LALALALA! WOOOOAH.." para na kaming mga tanga na tumatalon-talon pa habang sabay-sabay na kumakanta.

Napadausdos ako sa couch dahil sa hilo. Lasing na nga talaga ako. Pipikit-pikit kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa para tingnan ang oras.

Muli kong nakita ang larawan sa wallpaper ko. Magkaakbay pa kaming dalawa. Pareho kaming nakangiti. Masaya pa kami rito. Masaya naman siya sa akin -- DATI. Pero hindi ko alam kung bakit nagawa niya akong iwan. Bigla na lang siyang umayaw.

Humigpit ang paghawak ko sa cellphone. Bumabalik na naman ang galit sa sarili ko. Pero mabilis ko rin itong iwinaglit sa isip ko.

Nag-inom ako para makalimot, hindi para alalahanin ang pag-iwan sa akin ng babaeng minahal ko.

5:00 AM

Naalarma ako bigla. Tangina. Umaga na pala.

"H-hoy mga tanga! 'Di niyo man lang sinabi kung anong oras na! Dedbols na naman ako kay utol nito," iiling-iling kong sabi pero imbes na matakot ay natatawa pa ako. Iba talaga ang tama ng alak sa akin.

"Aba gago! Nagtanong ka ba?" singhal ni Alfred sabay tungga sa hawak niyang alak.

Sinubukan kong tumayo pero bigla akong natumba. Lumapit sa akin ang mga ugok at binilangan ako. Hindi ako nakatayo agad dahil umiikot na talaga ang paningin ko. Lalo silang nagtawanan. Nakitawa na rin ako.

"Teng teng teng teng!" Umarte pa si Alex na may pinupukpok siyang bell na parang katulad sa mga wrestling match habang tuwang-tuwa namang nagpalakpakan ang tatlo.

"Bagsak na naman si Ken mah boy! Hahaha! One down!" sigaw ni Japeth sa mic at nag-echo pa ito. Sabay-sabay naman kaming nagtakip ng tainga.

"Pakyu ka, Japs!" reklamo ko sabay dirty finger.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon