***Minsan nahuhuli ko ang sariling nakangiti. Malayo ang tingin, malalim ang isip, kailangang magkita muli...
- Makapiling Ka / SpongecolaDumating na ang exam week kaya mas naging abala na ako sa pag-re-review. Hindi na rin kami masyadong nakakatambay ni Atha dahil puspusan na rin ang pag-aaral niya. Tuwing may bakanteng oras ay wala akong ginawa kundi mag saulo ng mga terms sa mga subjects ko lalo na sa mga major. Ganun din si Atha. Nakakapag-kwentuhan lang kami kapag kumakain ng tanghalian.
Sumabay pa sa pagkaabala ko ang paghahanda namin ni Kuya Kenneth para sa darating niyang birthday sa Sabado. May mga nabili na rin siyang sangkap para sa mga lulutuin na handa. Kinausap ko na rin ang kakilala kong nagpaparenta ng videoke kaya nakapagpa-reserve na kami. Konti na lang ang mga iintindihin namin habang papalapit ang araw ng Sabado.
"Tingnan mo 'tong si gago, oh, tulala na naman."
"Oo nga, eh. Mukhang malalim ang iniisip."
"Tangina. Minsan na lang makasama, tulala pa ang hinayupak."
Nagising na lang bigla ang diwa ko nang batukan ako ni Alex. Masama ang tingin nito at mukhang naiinis.
"Nak ng pucha. Ang sakit, ah!" reklamo ko habang sapo ang ulo. Medyo malakas ang pagkakabatok ng ugok na 'to.
Nagtawanan ang tropa kaya mabilis ko silang sinamaan ng tingin. Tinanong ko rin agad kung bakit ba bigla na lang akong binatukan ng gagong si Alex.
"Ginigising lang namin diwa mo, boy. Kanina ka pa kaya namin tinitingnan. Ang lalim ng iniisip mo. Masyado ka na yatang subsob sa pag-aaral?" si Alfred ang bumanat.
"Pag-aaral ba talaga ang iniisip niyan? Baka naman kamo si Atha!" Hindi rin nagpaawat si Japs.
"Pupusta rin ako kay Japeth! Ramdam ko rin na si Atha ang nasa isip nitong aport natin! Eh sa GC nga hindi pwedeng hindi mababanggit ang pangalan ni Atha. Tsk, tsk," si Alex naman ang sumabat. Iiling-iling at halatang nang-aasar.
"Alam niyo minsan, tangina niyo." Nag-dirty finger ako at muli namang nagtawanan ang mga ugok. Hindi ko na rin napigilan makisali sa tawanan.
"Pero seryoso, tol, masaya kami kasi ang laki na ng pagbabago sa'yo." Sabay naman kaming lahat napatingin kay Jeremy nang magsalita ito.
"Oo nga, boy, inaasar ka lang namin pero hindi mo alam kung ga'no kami kasaya ngayong nakikita namin na maayos ka na at mukhang inspired pa."
Umarte pa si Alex na parang iiyak at gusto pa akong yakapin kaya inambahan ko agad siya. Nangibabaw ulit ang tawanan dito sa fastfood chain kung nasaan kami.
"Pero may isa pa talaga akong inaabangan. Magiging masaya lang talaga ako nang lubusan para sa tropa natin kung magpapa-itim na ulit siya ng buhok!" Bumanat na naman si Japs kaya muling nagkantiyawan ang mga ugok.
"Oo nga! Tama, tama! Saka na talaga tayo magdiwang kapag itim na ulit ang buhok ni Ken. Nakakaasiwa pa rin kasi talaga!" segunda ni Alex.
"Mga gago," natatawang sagot ko at napailing na lang.
Tuwing nakikita ko ang kulay ng buhok ko sa salamin noon, puro sakit at galit ang nararamdaman ko. Pero ngayon wala na akong nararamdaman na kahit ano. Naisipan ko na rin na magpakulay na ng itim pero hindi ko pa magawa dahil wala pa akong libreng oras. Abala masyado sa mga gawain sa eskwelahan.
Nang mahimasmasan kami sa tawanan, agad ko na silang tinanong kung ano ba ang gagawin naming sorpresa sa Kuya Kenneth ko. Akala siguro ni kuya binibiro ko lang siya nung sinabi ko na gagawa kami ng surprise para sa kanya.
BINABASA MO ANG
5:45 AM (REVISED)
RomancePosible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?