Chapter 2

2.5K 171 33
                                    


***

'Di makawala sa isip ko. Sa'yo, baliw ang utak ko... buong sistema ko sa'yo.

- Pilit / Hilera

Masyado yatang nag-enjoy ang buong tropa sa jamming at food trip kaya hindi namin namalayan na madilim na pala. Nagtext na nga rin sa akin si kuya at tinatanong kung nasaan na ako.

"Dedbols ka na naman kay utol Kenneth," pang-aasar ni Japs nang makitang nakatutok ako sa screen ng cellphone. Inismiran ko na lang ang mokong.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng eskinita.

"Alex, ano boy, sasabay ka ba sa akin?" tanong ni Jeremy kay Alex na kasalukuyang may hinahanap sa bag niya. Tumango ang ugok.

"Ikaw, Ken? Dala ko kotse, sabay ka ba?"

Umiling ako at sinabing gusto ko munang maglakad-lakad. Umarangkada naman bigla ang panunukso nina Alfred at Japs.

"Ano ka ba, Je, 'matic na 'yan! Syempre alam mo naman na tuwing tatambay tayo sa kubo, may isang lugar tayong madadaanan na sobrang memorable sa loverboy natin," kantiyaw ni Japeth. Wala nang ibang alam ang isang 'to kundi mang-asar.

Napatingin sa akin si Jeremy bago sumulyap sa kamay ko. Ipinasok ko tuloy ito agad sa bulsa ng jacket ko.

"Ngayon mo pa itatago, kitang-kita na namin 'yan kanina pa," mahinang sabi nito at sinabayan ako sa paglalakad habang nauuna ang mga ugok. "Anong pader na naman kaya ang sinuntok mo, boy?" dugtong nito.

Umiwas ako ng tingin.

"Tanga, pinagsasabi mo d'yan?. Nahiwa lang 'to ng kutsilyo kaninang umaga," pagsisinungaling ko.

Tumawa nang mahina si Jeremy at binatukan ako.

"Gago. Kung sarili mo pwede mong maloko, pwes ako, hindi."

Napa tahimik ako saglit. Pero hindi ko na rin napigilan magtanong.

"N-napansin niyo ba siya sa school kanina? Kumusta siya?"

'Di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan habang hinihintay na sumagot si Jeremy. Basta pagdating kay Eunice, ganito pa rin ako.

Inakbayan ako ng ugok at tinapik-tapik sa balikat.

"Hindi namin siya nakita sa school maghapon, tol. Pero sabi ni Peach, 'di raw pumasok."

Si Peach ang matalik na kaibigan ni Eunice.

Tumango na lang ako. Gusto ko man alamin kung bakit hindi nakapasok sa unang araw ng pasukan si Eunice, pero pinili ko na lang na manahimik. Dahil parang ginagago ko lang ang sarili ko kung patuloy ko pa ring pipiliting magkaroon ng parte sa buhay niya. Ano pa'ng silbi ng paglipat ko ng school kung ganito pa rin ako ka-interesado pagdating sa kanya? Ang gago lang, 'di ba?

"Ayos ka lang?" Napatikhim si Jeremy, napansin yata na bigla akong tumahimik. Tumango lang ako.

"Alam ko mahirap, tol. Pero 'wag kang mag-alala, darating din ang araw na mawawala 'yang bigat sa dibdib mo. Dito lang kami palagi."

Nginitian ako ng ugok at nakipag-fistbomb pa sa akin pero dahil nga sa sugat ko, hindi na lang niya itinuloy.

"Salamat," tipid akong ngumiti.

Nakarating na kami kung saan nakaparada ang kotse ni Jeremy. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ang dalawang ugok naman na sina Alfred at Japs ay humiwalay na sa akin dahil iba ang daan nila pauwi.


Nagpatuloy na ako ulit sa paglalakad. Wala akong ibang naririnig sa paligid dahil malakas ang tugtog sa suot kong earphones. Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa tapat ng isang maliit na crochet shop. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid dahilan para muling kumirot ang puso ko. Aalis na sana ako ngunit nakita ako ni Mang George. Kumaway ito sa akin kaya agad kong tinanggal ang earphones ko. Nilapitan niya ako.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon