Chapter 13

1.2K 84 62
                                    



***

Bakit ganyan ka? Pinapakilig mo na naman ako. 'Di mo ba nahahalata ang mga ngiting 'di ko maitago.
- Bakit Ganyan Ka / Gracenote ft. Chito Miranda


Alas otso pasado na nang isa-isang magpaalam ang mga kaibigan at katrabaho ni Kuya Kenneth. May mga pasok pa raw kasi ang iba kinabukasan kaya hindi na sila nagpagabi masyado. Patuloy pa rin kami sa kasiyahan at halos lahat na yata ng mga pwedeng kantahin sa videoke ay kinanta na namin.

"Boy, i-ready mo na 'yung cake. Kantahan na natin si utol Kenneth." Lumapit sa akin si Japs at sumenyas sa tropa na maghanda na para kantahan si kuya.

Nagpaalam naman ako sa kanila at pumasok sa loob para kunin ang cake. Niyaya ko rin sina Tita Fe at Lloyd na lumabas at makisama sa amin. Inilapag ko ang cake at binuksan ang kahon. Nagtawanan ang mga ugok nang makita ang picture ni kuya sa ibabaw.

"Ano kaya ang reaksyon ni utol Kenneth 'pag nakita na 'to?" natatawang sambit ni Alex.

"Basta labas ako riyan, ha. Si Ken Kristoffer ang nagbigay ng picture," sagot naman ni Japs na parang takot sa magiging reaksyon ni kuya. Nagtawanan kami.

Sinindihan ko na ang kandila at hinintay na lang makabalik ang ugok kong utol mula sa paghahatid sa mga bisita niya.

"Pagpasok ng ugok, kanta agad ha," pagbilin ko. At maya-maya pa'y nakita na namin si kuya na pumasok ng gate.

Agad kaming kumanta kaya napatingin si kuya sa amin at tatawa-tawa. Sumigaw pa ako na magpanggap siyang walang alam sa surprise na 'to kaya umarte ito na mukha ngang nagulat. Tawa naman kami nang tawa.

"BERTDEY NI KENNETH! BERTDEY NI KENNETH NGAYON! BERTDAY!!"

Lumapit sa'min ang ugok habang natatawa pa rin at mukhang natuwa naman siya sa planadong surprise na ginawa namin.

"Hipan mo na nga 'tong kandila! Nangangalay na ako!" Idinuldol ko ang hawak kong cake kaya muling nagtawanan ang tropa.

Nagpipigil naman ako ng tawa at hinihintay na lang makita ni kuya ang picture na ipinalagay namin.

"Tingnan mo 'tong gagong 'to?! Ba't ganito naman ang picture na nilagay niyo rito!"

Humagalpak na kami ng tawa at muntik ko pang mabitawan ang cake sa sobrang pagtawa. Sabi na nga ba at ganito ang magiging reaksyon ng ugok na 'to. Mabilis naman akong tinuro ng mga tanga kay kuya dahil ako nga ang nagpasimuno ng paglalagay ng picture niyang nakanganga habang natutulog.

"Demonyo ka talaga, Ken Kristoffer!" Inambahan ako ni kuya kaya ang cake ang ginamit kong pagsangga.

"Sige ka, masasayang 'tong cake 'pag tinuloy mo 'yan," pananakot ko.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at muling pinagmumura. Nang mahimasmasan sa pagtawa ay umupo na kami ulit at pinaghatian ang cake.

Unti-unti na ring nagligpit sina kuya at Tita Fe sa pwesto ng mga bisita niya kanina. Kami na lang ng mga tropa ang natitira. Napasulyap naman ako kay Atha na masaya pa ring nakikipagkwentuhan kay Rak habang kumakain. Tinawag ko siya at mabilis naman itong lumingon.

"Baka hinahanap ka na sa inyo," may pag-aalala sa boses ko. Nginitian niya ako.

"Wag kang mag-alala, nagpaalam naman ako kay Mama," sagot nito.

Tumango na lang ako.

Agad naman sumabat sa usapan si Japs.

"Ano ba 'yan, Ken. Kita mong nag-eenjoy pa si Atha gusto mo na agad pauwiin. Ang KJ mo rin, eh no?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag ka ngang tanga diyan. Hindi ko pinapauwi si Atha. Baka lang kasi hinahanap na siya sa kanila dahil medyo gabi na rin," sagot ko naman.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon