***
'Wag ka nang umiyak sa mundong pabago-bago, pag-ibig ko ay totoo. Ako ang iyong bangka kung magalit man ang alon ng panahon, sabay tayong aahon.
- 'Wag Ka Nang Umiyak / Sugarfree"A-Atha, patawarin mo 'ko," pag-ulit ko bago dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak sa'kin ni Atha. Kasabay nito ay ang masaganang pagtulo ng mga luha niya.
Mabilis at mabigat ang bawat paghinga ko dahil sa naghalo-halong emosyon. Napapikit ako at mariin na pinunasan ang luha sa mga mata ko.
Humihingi ako ng tawad ngayon kay Atha dahil alam ko sa sarili ko na may mga bagay akong magagawa na siguradong hindi niya magugustuhan. Pakiramdam ko hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Tangina! Ngayon pa nga lang gusto ko nang sumabog! Kinuyom ko ang mga kamao ko at sinubukan pakalmahin ang sarili.
"K-Ken, pare, b-bakit? Ano'ng meron? Bakit kayo umiiyak? May nasabi ba akong mali?" sunud-sunod na tanong ni Chad. Bakas sa mukha nito ang pagkalito habang nagpapa salit-salit ang tingin sa'min ni Atha.
Nanginginig akong napahawak sa balikat niya habang nakatingin sa mga mata nitong punong-puno ng kalituhan.
"A-alam mo ba kung nasaan sina Jeremy?" Hindi ko alam kung naintindihan ba ako ni Chad. Nahihirapan akong magsalita dahil pinipilit kong ikontrol ang emosyon ko. Nanginginig na rin ang mga labi ko sa sobrang galit at pagkalito.
Kumunot ang noo ni Chad habang nakatitig sa'kin. Halatang naguguluhan sa nangyayari. Saglit din itong sumulyap kay Atha at mabilis din ibinalik ang tingin sa akin.
"Chad, tinatanong kita. Alam mo ba kung nasaan ang tropa?" pag-ulit ko.
Dahan-dahan naman nitong tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat niya habang nalilito pa ring nakatingin sa'kin. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at ramdam ko na nangangamba na ito.
"P-pre, teka lang. Ano ba talaga ang nangyayari, ha?" nag-aalala na tanong nito.
Wala na akong oras pa para ipaliwanag sa kanya ang nangyayari ngayon. At kung ipapaliwanag ko man, siguradong hindi niya rin ito maiintindihan dahil putangina miski ako hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari! Hindi ma-proseso ng utak ko ang mga narinig ko.
Anong buntis si Eunice?!
Anong magiging tatay na ako?!
Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito?!
Bakit wala man lang ibinalita sa'kin ang tropa na may ganito na palang nangyayari?!
Putangina! Sumasakit ang ulo ko!
Lalo akong nanlamig nang biglang bumalik sa isipan ko ang narinig kong usapan nina Japs at Alex noon sa karaoke bar.
"H-hindi ko alam, tol. Pero nakakaramdam na talaga ako ng konsensya. Wala ba talaga tayong balak sabihin sa kanya 'yung totoo? Tangina, boy! Na-gu-guilty na kasi talaga ako."
"Tangina mo, h-hindi lang naman ikaw ang nakokonsensya. Ewan ko! Bahala na! Putangina. Basta, alam ko kaya natin 'to ginagawa dahil ito 'yung alam nating mas makakabuti."
Napalunok ako at sinubukan ipagtagpi-tagpi ang iba pang mga kakaibang kinikilos nila tuwing magkakasama kami. Tangina. Anong makakabuti? Bakit? Para saan? Bakit kailangan ilihim sa'kin 'to? Putangina! Bakit?
Napakaraming tanong ang sabay-sabay na nag-aagaw sa utak ko. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung ano'ng uunahin kong hanapan ng sagot. Pero isa lang ang sigurado ko. Mali si Chad ng sinabing magiging tatay na ako. Dahil sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ni Eunice noon, kahit kailan wala pang nangyari sa amin. Mahal na mahal ko si Eunice at alam kong may tamang panahon sa gano'ng mga bagay. Nirerespeto ko si Eunice. Nirerespeto ko ang relasyon namin noon.
BINABASA MO ANG
5:45 AM (REVISED)
RomancePosible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?