Chapter 1

4.2K 205 32
                                    


***

'Di ko alam kung may nagawa akong kasalanan. Bigla na lang nang-iwan nang walang dahilan. Sandali lang, 'wag mo munang sasabihing ayaw mo na. 'Di ba pwedeng pag-usapan ang lahat ng ito?

- Sandali lang / Silent Sanctuary

"Isa pang balik ko sa kwarto mo, Ken Kristoffer, bubuhusan na talaga kita ng tubig diyan! Bumangon ka na kung ayaw mong tsinelas-in ka pa kita!"

"Ayaw mo talaga ha! Makulit ka!"

Napabangon ako sa higaan nang biglang may sumampal sa mukha ko. Kitang-kita ko ang utol kong si Kuya Kenneth na nakaupo sa gilid kama ko habang may hawak na tsinelas. At tsinelas ko pa talaga! Ang sakit potek.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Babangon rin pala, gusto pang tsini-tsinelas," tumayo si kuya at inihagis ang tsinelas sa akin. "Bilisan mo na kumilos para maaga kang makaalis. Unang araw mo sa school, tol, sa bago mong school kaya dapat 'di ka ma-late."

Tinapik niya ang balikat ko sabay labas ng kwarto. Padabog kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras.

Kumirot ang puso ko nang makita ang wallpaper ko. Tangina. Bakit ganito pa rin kasakit kahit apat na buwan na ang nakalipas simula nang iwan ako ni Eunice?

Si Eunice na unang babaeng minahal ko nang sobra. Kahit halos mawalan na ako basta maibigay ko lang sa kanya lahat.

Lahat ng gusto niya, sinunod ko, ibinigay ko.

Ganon ako magmahal. Pero bakit? Bakit ganito kasakit 'yung naging kapalit?

Si Eunice ang unang babaeng dumurog sa akin. Dinurog niya ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang tao dahil sa ginawa niya.

Tangina, ano ba kasing nagawa ko?

"Eunice naman, huwag naman ganito! Tangina na naman, oh, kung nagbibiro ka hindi na nakakatuwa!"

Niyakap ko siya nang mahigpit pero nagpupumiglas ito. Naguguluhan na ako. Nung nakaraan lang ang saya-saya pa namin. Tapos bigla niyang sasabihin sa akin ngayon na ayaw na niya? Ano 'to, gaguhan? Nakakagago.

"K-Ken, ano ba! Bitiwan mo 'ko!"

Mariin niya akong itinulak bago siya mabilis na naglakad.

Hinabol ko siya at agad hinila sa braso nang maabutan. Naramdaman ko naman na may pumatak na tubig sa balat ko. Umaambon na.

"Eunice, ano ba'ng problema mo? Mag-usap nga tayo!"

"Let me go, Ken! Hindi mo ba naiintindihan?! Ayoko na! Tapusin na natin 'to! Ayoko na sa relasyon na 'to! Napapagod na ako. Nakakapagod ka na!"

Binawi niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Tama na, Ken. Please... a-ayoko na."

Pumatak ang luha mula sa mga mata ni Eunice.

Dahan-dahan akong napaluhod kasabay ng tuluyang paglakas ng ulan. Nasa gitna kami ng tahimik na kalye at madilim ang paligid. Tanging bagsak lang ng ulan ang naririnig sa paligid.

Mabuti na lang at umulan. Naisasabay ko ang pagbuhos ng mga luha ko sa buhos nito. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ni Eunice at tumingala para tingnan siya.

"Nagmamakaawa ako, E-Eunice. Huwag mo namang gawin sa'kin 'to. H-huwag mo akong iwan."

Hinalikan ko ang mga kamay niya.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon