Chapter 7

1.6K 137 33
                                    


***

Sabihin mo sa akin, kailan mali ang pag-ibig? Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin?
- Haplos / Shamrock

Araw na ng Sabado. Maaga akong kumilos at inayos ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa school. Sinigurado kong walang bakas ng kahit anong alikabok ang gitara ko at makailang beses din chineck ang tono nito.

Naupo ako saglit sa kama matapos ang ginagawa. Dumako ang tingin ko sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng drawer. Muli kong nakita ang larawan naming dalawa ni Eunice, at bahagyang napangiti dahil hindi na mabigat sa pakiramdam ang bawat sulyap ko sa larawan na iyon.

Tumayo ako at lumapit para pagmasdan muli ang mukha niya.

"Ito na lang ang natitirang picture natin na mayroon ako. At gusto ko lang ipaalam sa'yo na ito na rin ang huling beses na titingnan ko 'to." Dahan-dahan kong hinaplos ang mukha ni Eunice sa larawan.

Nginitian ko siya na para bang nakikita niya ako. Maingat kong inilagay ang picture frame sa karton na nasa ilalim ng kama ko kasama ng iba pang mga gamit na hindi ko na kailangan.


Magaan ang loob kong nagtungo sa sakayan ng jeep. Hindi lang bag ang nakasukbit sa'kin kundi pati na rin ang gitara na gagamitin ko mamaya. Bago ako umalis ng bahay ay nagchat ako sa mga ugok at humingi ulit ng pasensya dahil hindi nga ako makakasama sa session namin mamaya. Minura lang nila ako at sinabihan pa na maghanda raw ako dahil panigurado raw ay maraming hahanga sa'kin pagkatapos kong mag-perform. Tinawanan ko lang ang mga gago.


"Ken!"

Iginala ko ang tingin upang hanapin ang boses na tumawag sa'kin. Mula sa malayo ay nakita ko si Atha na kumakaway sa akin. Malaki ang mga ngiti nito. Sinilip ko saglit ang cellphone ko para tingnan ang oras.

5:45 AM

Napangiti ako.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Atha na tumatakbo na papalapit sa akin.

"Good morning," nakangiting bati nito.

Tumango naman ako bilang tugon at agad dumako ang tingin sa mga kamay niya.

"Ang dami mo namang bitbit," walang-pasabi kong kinuha ang mga paperbag na hawak niya.

Hindi ito agad nakapag-react at blangkong napatingin sa akin.

Ngumisi ako.

"Huwag ka na mahiya. Ako na ang magdadala nito," kaswal kong tugon.

"S-sure ka? Hindi naman 'yan mabigat. Kaya ko na 'yan," alanganin ang boses ni Atha. Mukhang nahihiya nga ito.

Akma niya sanang kukunin pabalik ang mga paperbag pero mabilis ko itong nailayo sa kanya.

"Ayos lang, Atha. Ako na." Nginitian ko siya. Bahagya kong sinilip ang paperbag bago siya tanungin kung ano ang laman nito.

"Extra na damit, pamalit ko mamaya. Kami ang mga hosts sa program kaya dapat presentable."

Napatingin naman ako bigla sa damit ko. Itim na jacket lang ang suot ko na may puting t-shirt sa ilalim at baggy na pantalon. Madalas ganito lang talaga ang mga suot ko tuwing nag-pe-perform sa mga gigs.

"Simple pero rock," rinig kong sabi ni Atha kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Napansin niya yata ang ginawa ko. Naka-rock sign ang kamay nito at kumindat pa. Umangat ang gilid ng labi ko.

"Pogi ko, 'no?"

Napaubo siya kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Sorry, biglang nangati ang lalamunan ko," pahayag nito at hinagod-hagod pa ang leeg. Bakas sa boses niya ang pang-aasar kaya mayabang akong ngumisi.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon