Chapter 27

585 53 34
                                    


***

Basta't tayo'y magkasama, laging mayroong umagang kay ganda. Pagsikat ng araw, may dalang liwanag sa ating pangarap.. ohh. Haharapin natin.
- Umagang Kay Ganda / Bamboo

"Kung bibigyan man ako ng pagkakataon humiling?" ngumiti sa'kin si Atha bago itinuon ang tingin sa malawak na karagatan. Nandito pa rin kami sa seaside at ini-enjoy pa ang magandang tanawin. "Wala naman akong ibang gusto kundi 'yung makalaya na si Papa." Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at kahit hindi siya nakatingin ay ngumiti ako.

Muli itong nagpatuloy.

"Yun lang din ang birthday wish ko, Ken. Gusto kong maging masaya ang mga kapatid ko at si Mama lalo na sa darating na kapaskuhan. Kada taon, pinagsasabay lagi ni Papa ang paghahanda sa birthday ko at ang Pasko. Kahit simple lang at hindi magarbo tulad sa iba ang mga pagkain namin, kuntento na kami kasi kumpleto kami. 'Yun naman ang mahalaga, hindi ba? Kaya lang hindi namin iyon nagawa last year dahil nasa kulungan si Papa."

"Pero naniniwala naman ako na darating din ang araw na makakasama namin siya ulit. Hindi ako nawawalan ng pag-asa..."


"Fourteen... Fifteen.."

Kinuha ko ang natitirang isang daang piso na naiwan sa maliit na kahon na ginawa kong ipunan. Umayos ako ng upo sa kama bago nag-angat ng tingin kay Kuya Kenneth na nakasandal malapit sa pintuan. Tipid ko siyang nginitian.

"Fifteen thousand, boy," mahinang sambit ko bago tuluyang napabuga ng hangin.

Saglit akong tinitigan ng ugok bago niya dinukot ang wallet sa bulsa. Natahimik ako nang ilahad nito ang limang piraso ng asul na pera. Nagpasalit-salit ang tingin ko rito at sa kanya. Ngumuso ang ugok at sumenyas na abutin ko raw ito. Pero nanatili lang akong nakatitig.

"Kukunin mo ba 'to o kailangan ko pang iduldol sa'yo?" kunot-noong banat niya at humakbang palapit sa akin. "Sige na, tol. Kunin mo na 'to para konti na lang ang bubunuin mo," nakangiting dugtong nito.

Napalunok naman ako at bahagyang napaiwas ng tingin. Umupo ang ugok sa tabi ko at ginulo-gulo ang buhok ko. Pailing-iling ito habang natatawa.

"Tangina, Ken Kristoffer? Nahihiya ka ba? Aba! Kailan ka pa nahiya?" pang-aasar na banat nito. "Oh, ganito na lang, boy. Isipin mo na lang na tulong ko na rin 'to kay Atha dahil gusto ko rin naman matupad ang birthday wish niya."

Pilit inilagay ni Kuya Kenneth sa kamay ko ang limang-libong piso na hawak niya. Tinapik-tapik niya ako sa likod. "Alam mo, tol, masyado mo 'kong ginugulat sa mga ginagawa mo. Hindi ko alam na nag-iipon ka ng pera para sa pag piyansa sa tatay ni Atha. Kaya pala panay ang pagtitipid mo."

Saglit akong tumingin kay kuya bago itinuon ang tingin sa hawak kong pera.

"Ito talaga ang plano kong sorpresa para sa birthday niya, tol," nag-angat ako ng tingin. "Pagkatapos kong malaman na iyon ang birthday wish ni Atha, nagsimula na akong magtipid at mag-ipon. Alam kong ito ang pinaka magpapasaya sa kanya, kuya. Sana kahit sa ganitong paraan, unti-unti man lang akong makabawi sa kanya."

--

Isinukbit ko ang gitara sa balikat ko pagkatapos kong ayusin ang amplifier na battery-powered at ipinuwesto sa mas maraming makakarinig. Hindi pa man ako nagsisimula ay nakukuha ko na agad ang atensyon ng mga taong labas-pasok sa mall.

Ala-sais pa lang ng gabi ngunit napakaliwanag na agad ng paligid. Napakaraming christmas lights at mga parol dito sa main entrance ng mall. Ilang araw na lang ay magpapasko na at malapit na rin ang birthday ni Atha.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon