Chapter 16

1.4K 90 90
                                    


***

Isang ngiti mo pa lang, ako'y para bang nahihibang. Sa mga yakap mong walang kasing tamis, hinding-hindi pagpapalit.
- 'Di Ba Halata / Agsunta


Ilang araw ko nang hindi nakakasabay kumain ng tanghalian si Atha. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakakasama sa pagme-meryenda pagkatapos ng mga klase namin sa hapon. Ilang araw ko nang hindi naririnig ang mga kwento niya tungkol sa kung anu-ano. At sa ilang araw na 'yon na wala si Atha sa paligid ko, pakiramdam ko biglang bumagal ang paggalaw ng mundo ko.

Totoo nga ang sinabi niya na magiging busy na siya ulit. Sa umaga ko lang siya nakakasama dahil sabay kaming pumapasok. Pero hindi ko na siya nahahagilap pa sa buong maghapon kapag nasa school na kami.

Ilang araw na rin kasing walang maayos na klase at natataon pa talaga sa mga major subjects. Kaasar. Hindi ko naman siya mapuntahan sa SC office dahil lagi nilang kasama si Mrs. Cruz ngayon. Abala sila sa darating na Foundation Day sa susunod na buwan.

Tamad na tamad akong humigop ng kape habang iniisip kung gaano na naman ka-boring ang magiging araw ko sa school ngayon. Kung hindi ko lang talaga kasabay si Atha pumasok sa school, lagi rin siguro akong ma-la-late sa pagpasok. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Ang aga-aga nakabusangot. Paano kaya tayo papasukin ng swerte niyan, Ken Kristoffer," napalingon ako kay kuya nang magsalita ito. Lumabas ito mula sa kwarto at mukhang kakagising lang.

Hindi ako umimik at muling humigop ng kape. Narinig ko pang humikab si kuya bago ako tapikin sa balikat. Naghilamos muna ito sa lababo bago nagtimpla ng kape at tinabihan ako sa lamesa.

"Hoy, tarantado. Bakit ilang araw mo nang hindi nauubos 'yung pagkain mo? Aba, Ken Kristoffer, maraming bata ang nagugutom tapos ikaw sinasayang mo lang 'yung pinapabaon ko sa'yo? 'Di mo na ba kasabay si Atha kumain kaya nawawalan ka ng gana?" sunud-sunod na panenermon ng ugok.

Seryoso ko naman siyang tiningnan at napaismid na lang. Humigop muna ulit ako ng kape bago siya sagutin.

"Ang aga-aga puro panenermon. Paano kaya tayo susuwertihin niyan, Kenneth Karl," walang emosyon kong panggagaya sa kanya kaya mabilis niya akong binatukan.

"Nak ng pucha, aray ha!" reklamo ko agad.

Saglit pa kaming nagkatitigan ni kuya nang masama at bigla na lang siyang natawa. Napailing naman ako at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng kape.

"Tinatamad akong magbaon ngayon, kuya. Bibili na lang ako sa karinderya," kaswal kong sabi kaya muling napatingin sa'kin ang ugok.

"Aba, teka. Ano ba talaga ang nangyayari? Ba't parang wala ka sa mood lagi, ha? LQ ba kayo ni Atha? Ano ba 'yan, hindi pa nga kayo, may LQ na agad," umandar na naman ang pang-aasar nito.

Napabuntong-hininga ako. Kinuwento ko naman sa kanya na masyadong abala ngayon si Atha sa school kaya hindi ko siya nakakasama. Kinuwento ko rin na mas madalas nitong nakakausap 'yung Jester na president ng IT Organization. Talagang abala sila sa petition na gagawin para nga ma-approve ang request nilang pagpasok ng mga outsiders sa Foundation Day.

Bahagyang natawa ang ugok at tinapik-tapik ang balikat ko. Mukhang manunukso na naman pero hinayaan ko na lang dahil wala rin talaga ako sa mood makipag-asaran.

"Gets ko na," panimula nito. "Namimiss mo na si Atha kaya nagkakaganyan ka. Iba na talaga 'yan, tol. Alam ko kahit hindi mo aminin, may umuusbong ng feelings diyan sa puso para kay Atha," may halong panunukso sa boses ni kuya pero ramdam ko rin ang simpatya niya para sa'kin.

Pinayuhan pa ako nito na 'wag daw ako basta-basta magpapa-ungos sa iba. 'Wag daw akong magpapakampante na porke malapit kami ni Atha sa isa't isa, hindi na siya pwedeng malapitan at madiskartehan ng iba. Bigla naman kumunot ang noo ko at mukhang napansin ng ugok. Tinapik-tapik niya ulit ang balikat ko.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon