Chapter 15

1.2K 86 67
                                    


***

Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw. Mahiwaga, ang nadarama sa'yo'y malinaw.
- Araw-araw / Ben&Ben


Hindi ko alam kung gaano na ba kalapad ang mga ngiti ko habang inaalala ang mga nangyari sa buong maghapon ko na kasama si Atha. Simula nang maghiwalay kami ng landas pauwi kanina, hindi na nabura sa isip ko ang mga ngiti niya. Paulit-ulit din na rumerehistro sa utak ko kung gaano siya kasaya sa mga simpleng bagay na nagawa ko para sa kanya.

Ilang beses pa akong pumikit-pikit para subukan siyang tanggalin sa isip ko pero nabibigo lang ako. Kahit anong gawin ko, siya lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Parang nasira nga ang utak ko na tulad ng sirang plaka dahil paulit-ulit at parang walang katapusan ang nangyayari sa loob nito.

"Hayaan mo lang akong suklian lahat ng mga ngiting ibinigay mo sa akin, Atha. Salamat dahil sa mga ngiti mo, muli akong nabuo."

Tangina. Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga salitang iyon nang diretso. Pero hindi naman ako nagsisisi dahil malinaw kong nakita kung paano kumurba ang mga ngiti sa labi ni Atha. Alam kong naapektuhan ito sa mga narinig niya. Hindi ako pinanganak kahapon kaya alam ko na sa mga ganung reaksyon ni Atha, pareho nang may namumuong damdaming hindi maipaliwanag sa pagitan naming dalawa.

Sumipol-sipol ako habang nagpapatuyo ng mga kamay dahil kakatapos ko lang maghugas ng plato. Ang ugok kong kuya talaga ang nakatoka ngayon sa paghuhugas pero bigla akong sinipag kaya ako na ang nagrepresinta. At syempre natuwa naman ang hinayupak at hindi na umangal.

Napapakanta pa ako pero napatigil din agad nang biglang may tumama na tsinelas sa ulo ko. Nabura agad ang mga ngiti ko at inis na nilingon ang ugok kong kuya.

"Problema mo?" nayayamot kong tanong. Panira talaga minsan ng trip ang isang 'to. Ngingiti-ngiti itong lumapit sa'kin para kunin at isuot ulit ang tsinelas na binato niya.

"Sarap sa paa ng tsinelas, Ken Kristoffer. Magkano 'to? Branded pa talaga ha. Salamat sa regalo," kaswal na tugon ni kuya na akala mo hindi ako binato ng tsinelas. Tinapik-tapik niya pa ako.

Hindi nawala ang masamang tingin ko sa ugok. Mabilis ko rin hinawi ang kamay nitong tumatapik sa akin. Halatang nang-aasar ang sira-ulo.

"Talaga? Eh, kung bawiin ko kaya? Akin na nga 'yan!" sarkastikong sagot ko at akma na sanang aagawin ang tsinelas pero mabilis itong nakalayo.

Bumulalas ng tawa si kuya kaya napakunot na lang ang noo ko. Umupo ito sa sala at ngiting-ngiti pa ring nakatingin sa akin.

"Hay, namiss kong makita kang ganyan, tol," pahayag nito. "Buhay na buhay ang mga mata mo. Halatang masaya."

Mabilis akong umiwas ng tingin at kunwari'y naubo. Nagtanong na lang ako sa kanya kung ano ang lulutuin niyang ulam bukas para maiba agad ang usapan. Pero ang ugok, hindi ako sinagot at lalo lang lumakas ang pagtawa.

Napaatras naman ako nang muli niyang hubarin ang tsinelas at itinaas sa ere.

"Alam mo tol, mukha kang gago," natatawa nitong sabi. "Halatang-halata na oy! 'Wag mo na ngang itanggi. Alam mo kung mag-a-audition kang artista, bagsak ka agad, eh! Ang pangit ng acting mo! Aminin mo na kasi sa'kin, boy. Gusto mo na si Atha, no?"

Saglit akong natahimik dahil naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tangina. Napapadalas na ang ganitong reaksyon ko kapag tungkol kay Atha ang pinag-uusapan. Napatitig ako sa malayo.

"Hay, hay, hay, mukhang napana na ulit ni kupido ang puso ng kapatid ko," rinig ko pang pag-lilitanya ni kuya kaya bumalik ako sa katinuan.

Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin bago inismiran.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon