Chapter 4

1.7K 134 9
                                    


***

Ang dating walang hanggan, nagkaroon ng katapusan.

- Magbalik / Callalily


"Sabado is SHOTurday! Woooo! Pota! Namiss ko 'to mga gago!"

Hindi naman halata na tuwang-tuwa si Alfred dahil magkakasama na ulit kami. Dito kami dumiretso sa bahay nina Jeremy pagkatapos ng mga klase namin kanina. Gumawa kami ng usapan na tuwing Sabado pagkatapos ng school ay magkikita-kita kami at mag-iinuman.

Itinaas ni Alfred ang hawak niyang bote at isa-isa kaming niyaya.

"Cheers tayo mga ugok!"

Kanya-kanya naman kaming taas ng bote.

"Woohoo! Ang sarap tangina!" sigaw ni Alex pagkatapos niyang tunggain ang iniinom.

"Aral is life pero syempre ALAK is lifer! Tapos nasa rooftop pa tayo ni Jeremy. Buti na lang talaga may rich kid tayong tropa. Sarap-sarap! Hahaha!" si Japs naman ang bumanat.

Nakaupo lang ako sa isang tabi at pinapanood sila. Natawa ako. Kung umasta kasi ang mga tanga, akala mo mga presong nakalaya.

"Wala ka pang amats, boy?" si Jeremy. Tumabi ito sa'kin habang tumutungga sa alak na hawak niya.

Bahagya lang akong ngumiti.

"Tahimik ka pa, eh," dugtong pa nito.

Ibinaba niya ang hawak niyang bote saka ako tinapik sa balikat na parang sinasabi na mag-kwento ako. Nagpakawala ako ng hangin bago tumagay.

"Hindi pala madali, tol," panimula ko.

"Ganyan talaga sa umpisa," sagot nito.

Binaling ko ang tingin sa hawak kong alak bago siya tingnan.

"Kahit anong pilit ko na kalimutan siya, walang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko, Je." Muli akong tumungga ng alak.

"Kahit anong pag-kumbinsi ko sa sarili ko na hindi na dapat ako maghanap ng mga kasagutan, hindi ko pa rin maiwasan. Ang hirap. Araw-araw nagtatanong pa rin ako. Araw-araw napapaisip pa rin ako, tol."

Tumango-tango si Jeremy na parang sinasabi na naiintindihan niya ako.

"Hayaan mo lang. Nagsisimula ka pa lang. Wala namang madali sa umpisa, hindi ba? Hindi mo kailangan magmadali. Wala namang time frame ang pag-usad."

Tinapik niya ako habang taas-baba ang mga kilay niya.

"Ang mahalaga ay sinusubukan mo at nagsisimula ka na. Darating din 'yung araw na mabubura lahat 'yan," dugtong pa nito.

Tumunog ang hawak naming mga bote nang pagbanggain namin ito. Ngumiti kami sa isa't isa at sabay na tumagay.

"Aba, ang dalawang gago may sariling mundo." Naibaling namin ang tingin kay Japs nang bigla itong magsalita.

"Alam mo na... usapang puso," si Alfred ang sumagot sa kanya.

"Wala ka naman kasing maiaambag kaya mag-inom ka na lang diyan," sabat naman ni Alex.

Nagkatinginan kaming lima at sabay-sabay na tumawa. Dami talagang alam ng mga gunggong na 'to. Sinenyasan ko sila na lumapit sa pwesto namin ni Jeremy. Hinila naman agad nila ang case ng mga alak at nagbukas pa ulit ng mga bote.

Kinuha ni Jeremy ang gitara niya at nagkantahan kaming lima. Napuno ng tawanan at asaran ang buong gabi. Halos naubos na rin namin ang mga chichirya na pulutan kaya napilitan si Jeremy na bumili ulit. Pagbalik nito, balik ulit kami sa pagkukwentuhan.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon