Chapter 21

1.2K 71 132
                                    


***

Mga himig na inilaan sa'yo, kunin at ibaon sa puso mo. Bagong araw ay paparating, hintayin ang pagkakataon. Nandito lang ako.
- Tahanan / Munimuni


Sabay kaming napatingin ni Atha sa isa't isa nang biglang kumulog nang malakas. Bahagya pa akong natawa dahil napasigaw pa ito sa gulat. Nandito kami ngayon sa labas ng tindahan nila at kakatapos ko lang palitan ang napunding bombilya sa tapat nila. Pasado alas-siyete na ng gabi at mauubos na rin sa wakas ang mga paninda nila para sa araw na 'to. Sabado ngayon kaya marami-rami ang namamasyal sa park. Sabay kaming dumiretso rito ni Atha kanina pagkatapos ng klase.

"Ate, tawag na kayo ni mama sa loob. Kakain na raw tayo," nakangiting lumapit sa amin si Arkie na may bitbit pang notebook. Tumingin ito sa'kin at dahan-dahang ipinakita ang dala niya, "Kuya Ken, pwede mo ba ako ulit turuan dito sa assignment ko? Kung okay lang sana?" ramdam ko na medyo nahihiya ang boses nito.

Nakangiti ko namang kinuha ang notebook sa kanya at inalam kung ano ba ang ipapaturo nito sa akin. Nang makitang alam ko, agad akong um-oo kay Arkie at mabilis naman siyang nagpasalamat sa akin. Sabay na lang kaming napatingin kay Atha nang bigla itong magsalita. Ginulo niya rin ng bahagya ang buhok ng kapatid.

"Ikaw talaga, Arkie. Nakakahiya kay Ken. Ako na lang ang gagawa niyan. Patingin nga," akma na sanang kukunin ni Atha sa akin ang notebook kaya mabilis ko itong inilayo sa kanya. Agad namang kumunot ang noo nito kaya bahagya akong natawa.

"Oopps, sa'kin nagpapaturo ang kapatid mo. Bawal kunin. Wala nang bawian," natatawang biro ko.

Sasagot pa sana si Atha pero naudlot ito nang maramdaman na may pumatak na tubig sa mga balat namin. Sabay-sabay pa kaming tatlo na napatingala at mabuti na lang ay nakapasok na kami agad sa tindahan bago pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Nag-si-takbuhan ang mga tao na kanya-kanya na ng diskarte para makasilong.

"Naku, ang lakas ng ulan," napatingin ako kay Tita Lordes na nakadungaw ngayon sa bintana habang pinagmamasdan ang malakas na ulan sa labas. Ngumiti ito sa akin nang mapatingin sa direksyon ko at niyaya na akong umupo para kumain.

Inutusan niya si Atha na kumuha ng tubig bago rin yayain sina Argel at Aaron na tumigil naman agad sa paglalaro at pumwesto na sa lamesa.

Hindi gaano kalakihan ang tindahan nina Atha kaya medyo sumikip ang loob nito dahil dumagdag pa ako sa bilang. Dalawang linggo matapos makalabas ng hospital ang mama ni Atha, palagi na akong sumasama sa kanya sa pagbabantay rito sa tindahan. Ilang beses pa nga akong kinulit ni Atha na hindi ko naman daw kailangan magpaka-pagod at magpuyat para lang samahan siya.

Pero wala akong ibang isinasagot sa kanya kundi gusto ko 'tong ginagawa ko. Masaya ako rito dahil nasisiguro ko na hindi ko siya napapabayaan. At napapalapit na rin sa akin ang mga kapatid niya na parang kuya na ang turing sa akin kaya mas lalo kong nagugustuhan ang ginagawa ko.

Nagtataka nga si Kuya Kenneth at tinanong ako dahil napapansin niya raw ang napapadalas na pag-uwi ko ng hatinggabi. Ikinuwento ko naman sa kanya ang naging kalagayan ni Atha at ang nangyari sa mama nito at natuwa ako dahil sinuportahan ako ng ugok.

Pinasabi niya sa akin na sabihin ko raw kay Atha na 'wag mahihiyang lumapit sa amin kung kailangan nito ng tulong sa kahit ano. At nu'ng sinabi ko 'yun kay Atha, kitang-kita ko ang galak sa mga mata niya na para bang hindi makapaniwala na may mga taong handang tumulong sa kanya kahit anumang oras.

"Ken, anak, sigurado ka bang hindi ka napapagalitan sa inyo dahil ginagabi ka ng uwi? Hindi ba nagtataka ang mga magulang mo kung bakit lagi kang may baon na damit, ha?" napatingin ako kay Tita Lordes nang bigla itong magsalita. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon