Chapter 6

1.5K 146 9
                                    


***

Walang mabibigay ang bukas sa mga damdaming kumakalas. Ikaw at ako'y sadyang lilipas at bubukod na ng landas, sa wakas.

- Hanggang Dito Na Lang / Frio


Ilang araw ko nang hindi natityempuhan si Atha sa sakayan ng jeep. Mukhang maaga lagi itong pumapasok at naging abala na nga para sa darating na General Assembly sa Sabado. Ilang beses na rin siyang wala sa mga klase namin pero hindi ito pumapalya na puntahan ako tuwing lunch break para sabayan sa tanghalian. Ayaw niya raw akong maging malungkot.

Palagi na rin akong nagdadala ng baon at totoo nga ang sinabi ng ugok kong utol na nakakatipid talaga sa allowance ang pagbabaon ng pagkain. Hindi pa nauubos ang allowance ko para sa linggong ito.

"Mojica, punta ka raw sa SC office sabi ni Athaliah. 'Di raw siya makakaakyat ngayon dito. Do'n ka na lang daw kumain." Lumapit sa akin si Maru, isa sa mga kaklase ko sa major subject.

Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Dali-dali kong isinukbit ang bag ko at bumaba para puntahan si Atha. Pagdating ko sa office, bumungad sa akin ang mga abalang officers na tila hindi napansin ang presensya ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Atha pero hindi ko ito nakita.

"Athaliah! Nandito na 'yung friend mong blonde ang hair!" sigaw ng isa sa kanila kaya mabilis napunta ang atensyon sa'kin ng ibang mga kasama nito. Nginitian nila ako at kahit naiilang ay tinanguhan ko naman sila.

Maya-maya pa'y lumabas si Atha mula sa maliit na stockroom. Nakangiti ito at lumapit sa akin.

"Nandyan ka na pala, Ken."

Hinila niya ako para tuluyang makapasok sa loob at isa-isa nitong ipinakilala ang mga officers ng student council.

"Guys, ito nga pala si Ken, classmate ko," nakangiting pahayag nito.

"Ah, siya pala 'yung madalas mong ibida sa amin!" sagot ng vice president nila na si Anthony. Siya 'yung tumawag kanina kay Atha pagdating ko.

Mabilis naman siyang sinaway ni Atha at natatawang tumingin sa akin.

"Ikaw talaga, Antonietta! Puro ka biro. Baka mamaya maniwala 'tong si Ken."

Tumawa sila.

"Hindi naman siya mukhang masungit, president. Bakit sabi mo sa amin masungit siya?" Napatingin naman ako roon sa maliit na babae na Steph ang pangalan --- sa pagkakatanda ko.

"Huy, Stephanie! Wala akong sinasabing ganyan, ah!" pagtanggi ni Atha at hindi na mapigil ang pagtawa.

Agad kumunot ang noo ko at pabiro siyang tiningnan nang masama. Pinigilan ko rin ang sarili na huwag matawa. "Ikaw, ah. Sinisiraan mo pala ako sa mga kasama mo."

Nawala na ang pagkailang na nararamdaman ko.

"Lagot ka, president!"

"Huy, grabe! Hindi totoo 'yon."

Napuno saglit ng tawanan ang buong SC office at nang mahimasmasan ay niyaya na sila ni Atha na mag-lunch break muna.

"Balik kayo ng 1 PM, ah," paalala pa nito sa mga kasama bago tuluyang magsialisan.

Naiwan kaming dalawa ni Atha dito sa office. Nginitian niya ako habang kinukuha ang baon sa bag.

"Ano'ng niluto ngayon ng kuya mo?" masiglang tanong nito.

Binuksan ko na rin ang bag ko. Magkatabi kami ngayon sa lamesa niya. Itinabi ko muna ang mga gamit na nasa ibabaw nito bago tuluyang inilabas ang baon ko.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon