***
Inch by inch, we're moving closer. Feels like a fairytale ending. Take my heart, this is the moment. I'm moving closer to you.
- Moving Closer / Never The StrangersSabi ng erpats ko noong nabubuhay pa siya, may tatlong klase lang daw ng tao ang nagsasabi ng totoo. Una raw ay ang mga bata, ang sumunod naman ay 'yung mga taong galit at ang panghuli raw ay 'yung mga taong lasing. Kaya kung sino man sa tatlo na 'yon ang makakausap mo, paniwalaan mo raw ang sinasabi nila.
Dahil ang mga bata, hindi marunong magsinungaling. Kapag galit naman daw ang isang tao, hindi nito nakokontrol ang sariling isip kaya kung ano man ang gusto niyang sabihin, nasasabi niya dala ng matinding emosyon. At kapag lasing naman daw ang isang tao, hindi na rin nito napapansin ang mga nasasabi niya at mas madalas ay nakakatanggal talaga ng hiya ang epekto ng alak.
"Ken!"
May kumalbit sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko. Agad na sumalubong ang malaking mga ngiti ni Atha. Sumilip pa ito sa cellphone niya at masayang ipinakita sa akin.
5:45 AM
"Pa'no ba 'yan? Hindi ako late," proud pa nitong tugon.
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti pabalik. Tinusok-tusok ko ang noo niya.
"Aba dapat lang. Lunes kaya ngayon," biro ko.
Tumawa si Atha at tinanong ako kung anong oras ba raw ako dumating. Sinabi ko na lang na kararating-rating ko lang din pero ang totoo alas-singko pa lang ay nandito na ako. Takang-taka nga ang ugok kong kuya kung bakit daw ang aga kong umalis. Sinabi ko na lang na may kailangan pa akong tapusin at sa school ko na lang gagawin.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nga ba ako maagang umalis. Dahil siguro hindi naman talaga ako nakatulog nang maayos. Simula pa 'to noong Sabado pagkatapos ng birthday ni kuya. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga narinig ko mula kay Atha.
"Pero n-nagulat na lang ako dahil bigla mo akong hinila, Ken. At sabi mo pa, parang awa mo na, huwag mo akong iwan, Eunice."
Ilang beses kong pinilit alalahanin ang nangyari nung nasukahan ko siya pero wala talaga akong maalala. Ginawa ko ba talaga 'yon?
"Bayad po." Nagising na lang ang diwa ko nang magpaabot ng bayad ang katabi ko sa jeep. Napatingin pa ako saglit sa kamay nito bago abutin ang pamasahe na hawak niya.
"Ken, okay ka lang ba?" Dumako ang tingin ko kay Atha pagkaabot nito ng pamasahe mula sa akin.
Saglit akong napatitig sa kanya at tipid na ngumiti.
"Ayos lang ako. Medyo inaantok lang," sagot ko.
Ngumiti si Atha at tinapik ang balikat niya.
"Sandal ka na," sabi pa nito kaya agad napakunot ang noo ko. Mahina naman siyang tumawa at mukhang inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko.
"Linya ko 'yan ha," sambit ko nang maalala ang eksena na pinasandal ko siya sa balikat ko nung antok na antok din siya.
"Bakit? Bawal bang gayahin?" bwelta nito kaya napatawa na lang ako.
"Kaya ko pa naman. Salamat."
Ngumisi naman si Atha at muling tinapik ang balikat niya.
"Pinapasandal na sa balikat ng president ng student council, ayaw pa?" banat nito at pareho na lang kaming natawa.
Napalakas pa yata ang pagtawa namin dahil biglang nagsitinginan ang mga pasahero. Ngumiti lang si Atha sa kanila.
Habang naglalakad papasok ng school, panay pa rin ang pagkukwento ni Atha at tahimik lang naman akong nakikinig sa kanya. Pasimple ko rin siyang sinusulyapan at napangiti na lang sa isip ko nang ma-realize na bumalik na ang Atha na kilala ko kumpara sa Atha na kasama namin noong Sabado.
BINABASA MO ANG
5:45 AM (REVISED)
RomancePosible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?