Chapter 5

1.6K 135 15
                                    


***

Ang pag-ibig ganyan talaga, pag bago pa ang pag-ibig. Ganyan talaga.. masaya.

- Masaya / Bamboo


Kinabukasan, maaga akong kumilos kaya maaga rin akong nakarating sa sakayan ng jeep. Medyo bumigat ang backpack na nakasukbit sa likod ko dahil sa dala kong baunan. Sumilip ako sa cellphone para tingnan ang oras. 5:30 AM pa lang. Mapupuno na ang ilang jeep na nakapila. Luminga-linga ako sa paligid at hindi ko alam kung bakit nga ba hinihintay kong dumating si Atha. Baka kasi magkasabay kami ulit sa jeep.

Sunod-sunod na nagsidatingan ang ibang mga pasahero ngunit wala akong nakitang bakas ng babaeng manok.

"Isa na lang!" sigaw ng barker na agad namang napatingin sa akin. Inalok ako nitong sumakay.

"Isa na lang, boss. May hinihintay ka ba? Ilang minuto pa bago ang susunod na jeep. Baka matagalan ka, boss."

Sinilip ko ulit ang oras at nagkibit-balikat. Wala pa si Atha.

Aba, himala?

O baka naman mas maaga siyang nakaalis?

Pero ano naman sa akin?

Napailing na lang ako.

5:45 AM

Isinuot ko muna ang earphones ko bago tuluyang sumakay ng jeep. Hindi ako mapakali sa byahe dahil nararamdaman ko ang init ng baon ko mula sa loob ng bag. Isa rin 'to sa mga dahilan kung bakit ayoko magbaon. Kainis.

Minor subject ang unang klase ko na feeling major dahil sa haba ng oras. Tatlong oras akong antok na antok at hindi ko nga mabilang kung ilang beses ko bang pinigil na huwag mapahikab.

Hinintay ko lang na makalabas ang prof namin bago ako bumwelo para umunat at humikab. Tangina. Ang sarap matulog.

"Kaantok, pre, no?" napatingin ako sa katabi ko nang bigla ako nitong kausapin. Umuunat din ito kaya napangisi na lang ako.

"Oo, buti tapos na," sagot ko bago tuluyang ibalik ang gamit sa bag. Ngumiti ito.

"Transferee ka, 'di ba? Mojica?"

Nginitian ko siya pabalik at tumango.

"Ken, pare."

"Patrick, irreg student din."

Sabay kaming lumabas ni Patrick ng room at nagkwentuhan pababa ng building. Kinuwento nito sa akin kung bakit siya naging irregular student. Third year na raw sana siya ngayon kung hindi lang siya tumigil sa pag-aaral.

"Lintik na pag-ibig, nag-o-ojt na sana ako ngayon," natatawa niyang pag-kwento.

Noong nakipagbreak daw sa kanya ang dati niyang girlfriend, halos gumuho raw ang mundo niya. Nawalan siya ng gana mabuhay no'n kaya napabayaan niya ang pag-aaral at naisipang mag-drop out na lang.

Halos isang taon daw siyang nasa gano'ng kalagayan hanggang siya na mismo ang napagod. Tinulungan niya raw ang sarili na bumangon dahil napagtanto niya na wala namang mangyayari kung habambuhay siyang magmumukmok. Siya lang daw ang magiging kawawa sa huli.

"Sa una talaga masaya ang pag-ibig. 'Yung tipong pakiramdam mo sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Pero darating din pala talaga ang araw na matatapos din ang panahon na puro saya lang. Hindi pala habambuhay gano'n lalo na kung hindi naman talaga kayo ang nakatadhana sa isa't isa."

Natatawang tumingin sa akin si Patrick.

"Tangina, ang baduy, no? Pero ganyan kasi ang natutuhan ko sa nangyari sa akin, pre. Sensya na, nadramahan pa kita." Kumamot pa ito sa ulo.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon