Chapter 9

1.6K 126 172
                                    


***

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan. Bitawan mong unang salita. Ako ay handa nang tumapak sa lupa.
- Kaytagal Kitang Hinintay / Spongecola


"Huwag kang mapapagod ngumiti dahil once na makita ng mundo na hindi tayo tumitigil sa pagngiti, ito na mismo ang kusang susuko sa pagbibigay sa atin ng mga hadlang para hindi sumaya."

Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Atha kahapon habang kumakain kami. Habang tumatagal, dumarami na ang mga natututunan ko mula sa kanya. Ang daming magagandang bagay ang naidulot niya sa akin. At masaya ako sa resulta. Simula nang lumipat ako ng school, unti-unti kong naramdaman ang pagbabago sa akin.

Laging magaan ang mga araw ko dahil kay Atha. Lagi siyang may baon na mga nakakatawang hirit at kahit minsan nasusungitan ko pa rin siya, ngiti at tawa lang ang palagi niyang sinusukli.


Nandito ako ngayon sa school at kakatapos lang ng first subject ko sa afternoon class. Wala na akong kasunod na klase dahil absent ang prof sa susunod kong subject. Matutuwa na sana ako dahil makakatambay nang matagal pero bigla naman akong tinamad. Wala kasi ngayon si Atha sa university dahil may aasikasuhin daw siya. Nagsabi ito kanina bago kami maghiwalay pagkatapos ng lunch break.

Pababa na ako ng building nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Kuya Kenneth.

"Oh, bakit?" bungad ko.

"Tol, nasa school ka pa ba?" tanong ni kuya kaya agad ko siyang binara.

"Ano sa tingin mo?"

Minura niya naman ako kaya agad kong natawa. Tinanong niya kung may klase ba raw ako.

"Wala na. Absent prof namin," sagot ko. "Bakit ba?"

"Sakto, tol. Nagtext kasi sa'kin si tito. May padala raw siya ngayon. Ikaw na kumuha. Daan ka rito sa bookstore tapos kunin mo 'tong ID ko. Sa akin kasi nakapangalan 'yung pera. Bilisan mo, ah!"

Sasagot pa sana ako kaso bigla naman niyang pinutol ang tawag. Bastos ampotek.

Dumiretso na ako sa sakayan papunta sa mall kung saan nagtatrabaho ang ugok. Wala pang traffic kaya mabilis naman akong nakarating. Hindi naman din kalayuan 'to sa school ko.

Pagdating ko sa mall, dumiretso na ako sa bookstore. May iilan na nagtitingin ng mga libro pagpasok ko. Hinanap ko agad ang ugok kong kuya at lumakad papunta sa counter na nasa dulo ng store.

"Wow! Talaga? May book signing siya rito? Kailan, kuya? Hala, mukhang sasabay pa yata sa exam week namin. 'Wag naman sana."

"Next next week pa ang book signing kaya makakapunta ka pa. Edi ba ngayong linggo na ang exam week ng mga taga CSU? Utol ko diyan din nag-aaral. Nakwento ko na sa'yo 'yun, 'di ba?"

"Ay, oo nga pala no, kuya? Anong year na nga ulit 'yung kapatid mo? Saka anong pangalan?"

Napatigil agad ako sa paglalakad nang makitang masayang nag-uusap sina Kuya Kenneth at Atha. Hindi ko masyadong marinig kung ano'ng pinag-uusapan nila. Pero paano? Bakit sila magkakilala?

Napansin yata ni kuya ang presensya ko dahil napatingin ito sa kinatatayuan ko. Kumaway ito sa'kin bago ako tinawag.

"Ken! Anong tinatayo-tayo mo riyan? 'Lika rito."

Napalingon naman si Atha sa direksyon ko at bakas sa mukha nito ang gulat nang makita ako. Lumakad ako para makalapit. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Potek. Baka mang-asar bigla 'tong ugok kong kuya.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon