***Kahit mawala ka pa, hinding-hindi mawawala ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo.
- Sa'yo / MunimuniChapter 10: Si Ken at ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya para sa akin
Akala ng iba matigas ang puso niya. Kung ihahanay si Ken sa lahat ng mga supladong tao sa mundo, maraming magsasabi na mangunguna raw ito. Kung hindi mo siya lubusang kilala, panigurado na ganoon din ang iisipin mo, at aminado ako na nabiktima rin ako ng pagiging suplado nito. (Hahahahaha)
Hindi naiiba ang pagkatao ni Ken. May mga tao talagang likas na may ganoong ugali o di kaya'y minsan dala ng iba't ibang sitwasyong kinalalagyan nila. At masasabi ko na hindi talaga ganoon ang isang Ken Kristoffer. Napuno lang ng galit at takot ang puso niya kaya ang pagiging masungit at pagmamatigas nito sa mga tao ang siyang naging sandata niya para itago ang parte na iyon.
Hindi maikakaila na mayroong lakas ng dating na taglay si Ken. 'Yung tipong kapag nasalubong mo siya, hindi maaari na hindi ka mapalingon ulit. (Naks! Kikiligin na naman 'yun panigurado) Ang daming nagsabi sa akin na ang swerte ko raw dahil naging malapit kaming dalawa. Naiinggit daw sila sa akin dahil isang gwapong bokalista ng banda (kilig ulit yun for sure hahaha) ang binihag ko. (Wow grabe! Binihag talaga? Hmp!)
Ayoko man magtunog mayabang, pero gusto ko lang sabihin sa kanila na hindi sila nagkakamali. Maswerte nga ako dahil may isang Ken Kristoffer na dumating sa buhay ko. Pero hindi dahil sa gwapo at bokalista ito ng banda. Napaka swerte ko dahil ako ang nabigyan ng pagkakataon para makilala ang isang katulad niya. At isa pa, hindi dapat ito kainggitan dahil naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may nakatakdang tamang tao.
Napaka swerte ko dahil nasaksihan ko kung gaano kabusilak at kadalisay ang puso niya. Hindi niya alam na lahat ng mga ginagawa niya mula sa pinaka maliit na detalye, lahat 'yun natatandaan ko.
Magmula sa mga paglalakad namin sa kalye, pasimple siyang lilipat ng pwesto para siya ang mapunta sa bukana at maprotektahan ako sa mga dumadaang sasakyan. Lagi niya ring binubuksan ang bottled water na binibili namin bago niya ito iabot sa akin. Naalala ko rin nung isang beses na naabutan kami ng ulan, inabot niya sa akin ang kanyang panyo para raw magpunas ako. Eh pareho naman kaming basa.
Akala niya hindi ko alam, na noong minsang naglaro kami sa arcade, sinadya niyang hindi i-shoot ang mga bola para manalo ako. (Andaya, hindi ba?) Pati na rin 'yung pagpapahiram niya ng jacket nung gabi na pauwi na kami galing tindahan. Sinabi niya na hindi siya giniginaw at ipinagamit sa akin ang suot niya, nakita ko kung paano niya tiniis ang lamig para lang maging komportable ako. Hindi ko rin makakalimutan ang kinuwento sa akin ni Kuya Kenneth, na nagsikap si Ken matutong magluto para lang ipagluto ako ng mga masustansyang pagkain.
Ganoon siya magpakita ng pagmamahal sa akin. Sinasabayan niya rin ang mga gusto ko, na kahit alam kong wala siyang hilig sa mga ganoon, okay lang sa kanya basta hindi ako maging malungkot. Tinatawanan niya ang mga jokes ko kahit alam kong hindi naman nakakatawa kasi miski ako nakokornihan minsan. (Hays)
'Yun ang hindi alam ng marami. At panigurado ako kapag nakita nila ang ganoong side ng isang Ken Kristoffer, mamahalin din nila ito gaya ng pagmamahal ko. Napaka dali niyang mahalin. At sobrang swerte ko dahil ako ang kanyang minahal.
Minsan hindi ko tuloy mapigilan mag-isip. Ano ba'ng nagawa kong mabuti para biyayaan ako ng isang taong katulad ni Ken. Lubos akong nagpapasalamat at kahit pakiramdam ko sobra-sobra na kung hihiling pa ako, hindi ako magdadalawang-isip na humingi pa ng pabor sa kalangitan.
Na kung pwede sana ay pang-habambuhay na ito. At kung magkakaroon man ng pangalawang buhay, si Ken pa rin ang hihilingin ko. Siya lang ang gusto kong mahalin. :")
BINABASA MO ANG
5:45 AM (REVISED)
RomancePosible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?