Chapter 12

1.3K 94 137
                                    


***

Heto na naman, sulyap ng 'yong mata na nagsasabing ika'y nag-iisa. Pinilit kong sabihin ngunit 'di ko magawa na magsabing gusto kita.
- Sana'y Ako Na Lang / Six Part Invention

Dumating ang araw ng Sabado. Maaga akong nagising dahil sa ingay na galing mula sa kusina. Dito ako natulog sa kwarto ni Kuya Kenneth dahil gamit ni Tita Fe ang kwarto ko. Dito sila natulog ng pinsan kong si Lloyd para tulungan kami ni kuya mag-asikaso ngayong araw. Sila ang pamilya ng tito namin na nasa abroad.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko agad sina kuya at Lloyd na nagkakape at mukhang kanina pa gising. Nagkukwentuhan sila kaya agad ko silang binati. Binati rin nila ako pabalik.

"Happy Birthday, tol." Tinapik ko si kuya sa balikat. "Huwag kang mag-alala, may surprise kami sa'yo mamaya," natatawa kong sabi.

Tumawa si Lloyd.

"Ang gago mo talaga kahit kailan, Ken. Saan ka nakakita ng surprise na sinasabi agad?" pahayag nito.

Agad naman siyang sinegundahan ni kuya.

"Kita mo na 'tong pinsan mo, Lloyd? Isang tanga't isang gago talaga, 'di ba?" Tumingin sa akin si kuya. "Hayaan mo, a-acting na lang ako mamaya na kunwari hindi ko alam na isu-surprise niyo ako," sarkastikong sabi pa nito kaya lalo kaming nagtawanan.

Pero agad din kaming tumahimik nang ma-realize na natutulog pa si Tita Fe sa loob. Nagtimpla na rin ako ng kape at sumabay sa almusal. Naka-leave ngayon ang ugok dahil gusto niya raw ma-enjoy ang araw niya.

25 years old na si kuya. Matanda lang siya sa akin ng apat na taon. Pero ganun pa man, marami pa rin ang nagsasabi na parang mas matanda pa raw ako kung kumilos kaysa sa kuya kong ito. Dahil siguro minsan ay may pagka-isip bata pa rin si Kuya Kenneth.

"Sinu-sino ba ang bisita mo mamaya, kuya?" tanong ni Lloyd sa birthday boy.

"Mga kaibigan ko lang at mga kasamahan sa trabaho." Tumingin sa akin si kuya. "Saka 'yung mga tropa nitong si Ken na parang mga tropa ko na rin."

Tumango naman si Lloyd. Humigop muna ako ng kape bago sumabat sa usapan.

"Nga pala, kuya, sasabihan ko na lang sina Jeremy na mauna na lang dito mamaya. May dadaanan lang muna ako bago umuwi. Kasama ko na si Atha," pahayag ko.

Agad naman akong tinanong ng pinsan namin kung sino si Atha kaso naunahan ako ng ugok sumagot.

"Girlfriend niya."

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tasa dahil sa narinig. Tingnan mo 'tong isang 'to!

Tumingin nang nakakaloko si Lloyd.

"Kaya pala mukhang inspirado ang pinsan ko." May halong panunukso sa boses nito.

Mabilis akong umiling.

"Hindi ko siya girlfriend at walang namamagitan sa amin." Sinamaan ko ng tingin si kuya. Pasalamat lang talaga siya dahil birthday niya ngayon kaya hindi ko na lang masyadong papatulan ang pang-aasar niya.

Tumawa ang ugok at iiling-iling.

"Napaka-defensive, Ken Kristoffer. Halatang may feelings, eh," tatawa-tawa nitong pahayag.

Ipinaliwanag niya rin na ang girlfriend na tinutukoy niya ay isang kaibigang babae. Inismiran ko na lang siya.

"Aba, kailan pa na-torpe ang isang Ken Kristoffer?" Hindi makapaniwala na turan nitong si Lloyd.

Agad naman akong nag-dirty finger kaya tumawa silang dalawa.


"Boy, papasok na 'ko. 'Yung videoke pala darating na rin 'yon mamaya. Ikaw na lang bahala kung saan mo ipapapwesto. Text ko na lang ang tropa na mauna na rito mamaya pagkatapos nila sa school," pagbibilin ko kay kuya bago umalis.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon