Chapter 28

772 52 78
                                    


***

Huwag kang bibitaw, huwag kang mawawala
Oh, aking dinadala ang bawat piyesa ng ikaw. Ano'ng gagawin kung wala ka?
- Bawat Piyesa / Munimuni


Saktong alas dose nang matapos kami nina Kuya Kenneth at Jeremy sa lahat ng mga ligpitin. Pinag-pahinga ko muna si Atha at nagprisinta ako na tumulong sa paglilinis at paghuhugas nang makauwi na ang lahat ng mga bisita niya.

"Salamat sa inyo mga anak. Hindi niyo naman kailangan maglinis pa. Kayo talaga. Mga bisita namin kayo, eh," ani Tita Lordes at ramdam kong medyo nahihiya ito.

"Naku, Tita, 'di naman po kami others kay Atha kaya oks na oks lang po itong pagtulong namin," nakangiting sagot ni Jeremy.

Kaming tatlo na lang ang natira dahil unang umalis sina Japs para ayusin ang sinet-up nila sa rooftop. Excited na akong makita ni Atha ang huli kong sorpresa para sa kaarawan niya.

"O, uminom muna kayo ng tubig at magpahinga. Sasabihan ko na rin si Atha na mag-ayos na para sa date niyong dalawa," malawak ang ngiti ni tita na tila nanunukso. Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin at pakiramdam ko nag-init ang mga pisngi ko.

"Ano ba'ng ginawa mo, Ken, at botong-boto sa'yo si tita?"

Nagtawanan kami nang biglang mang-asar ang ugok kong kuya.

"Pati nga yata kami nagayuma nitong kapatid mo, hijo," natatawang banat ni tita na alam kong sumasakay sa biro. Muli kaming nagtawanan. Nagpaalam na si tita at pumasok sa kwarto.

Agad kong inambahan si Kuya Kenneth nang mawala sa paningin namin si tita. Tatawa-tawa lang ito at nag-peace sign.

"Eto naman 'di mabiro! Masaya lang akong makita na masaya ang utol ko. Wala akong ibang gusto kundi 'yung maging masaya ka lang, tol." Tinapik ni kuya ang balikat ko.

Sandaling kumunot ang noo ko dahil sa pagdadrama ng ugok pero napangiti rin.

"Alam ko naman 'yun kaya nagpapasalamat ako sa'yo, kuya. Salamat sa lahat ng tulong at pagtiyaga sa akin," sincere kong sagot.

Inakbayan kami ni Jeremy habang natatawang nagpasalit-salit ng tingin sa amin.

"Ang drama naman ng mag-utol. Pero makikisali na rin ako," ginulo niya ang buhok ko kaya agad akong nagmaktol. "Lahat kaming nasa paligid mo, tol, walang ibang hangad kundi ang kasiyahan mo."

Lalong kumunot ang noo ko at natatawang humiwalay sa kanila. "Hindi naman tayo nag-inom pero bakit parang may mga amats kayo? Para kayong mga sira! Hindi ako 'yung may birthday kaya tama na sa drama. Mga baliw."

Inambahan ako ng ugok.

"I-appreciate mo na lang kesa manira ka ng trip," banat nito kaya muli kaming nagtawanan. Napailing na lang ako dahil hindi talaga ako sanay kapag nagdadrama kami.

"Ready na ako," halos sabay kaming tatlo napatingin nang lumabas si Atha mula sa kwarto.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila bumagal ang galaw sa paligid nang makita kung gaano kaganda si Atha sa suot niyang puting bestida na hanggang tuhod ang haba. Nakaipit ang buhok nito sa likod ng kanyang mga tainga kaya kitang-kita ko ang maaliwalas niyang mukha. Nanatili lang akong nakatitig at tila pati siya ay bumagal ang galaw sa paningin ko.

"Mahal, ayos ka lang?" Bumalik ako sa katinuan nang kumaway-kaway ito sa harapan ko.

"Naku po naman talaga! Inlove na inlove ang Ken Kristoffer!" Lalo akong natauhan nang mahina akong batukan ni Kuya Kenneth.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon