Chapter 22

1.1K 58 92
                                    


***

You hold me like I'm the one who's precious. I hate to break it to you but it's just the other way 'round. You can thank your stars all you want, but I'll always be the lucky one.
- Your Universe / Rico Blanco


Mabilis nagdaan ang mga araw at mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula nung mangyari ang foundation day. Isang buwan na kaming official ni Atha pero pakiramdam ko parang kahapon lang iyon nangyari. Hindi ko pa rin makalimutan ang gabi na inamin niya sa'kin na mahal niya rin ako. 'Yung gabi na hinayaan na niya na maging isa ang mga puso namin.

Walang ibang ginawa si Atha kundi mahalin ako araw-araw sa paraang mas higit pa sa ipinapakita kong pagmamahal. Palagi niyang ipinapaalala sa'kin kung gaano ako kahiwaga bilang tao at kung gaano raw siya kaswerte dahil minahal ko ang isang tulad niya. Tangina. Hindi niya ba alam na ako ang mas maswerte dahil ako ang napili niyang mahalin? Hinayaan niya ang isang tulad ko na magkaroon ng bahagi sa magandang kwento ng buhay niya.

Sa loob ng mahigit isang buwan, mas nakilala pa namin ang isa't isa. Tanggap ni Atha lahat ng mga kakulangan ko at minamahal ito nang walang pag-aalinlangan. At syempre gano'n din ako sa kanya.

Nangako rin ako na iingatan at aalagaan ko ang relasyon namin. Napag-usapan namin na dapat laging bukas ang aming mga isipan para intindihin ang bawat isa. Na kung ano man ang maging sitwasyon sa lilipas pa na panahon, dapat ay manatili kaming nakakapit sa isa't isa. Hindi kami dapat bibitiw agad.

Napatingin ako sa direksyon ng kwarto ni Kuya Kenneth nang marinig ko itong bumukas. Pipikit-pikit pa ang ugok at mukhang inaantok pa. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko bago tumingin sa orasan na nakasabit sa pader.

4:30 AM

"Good morning, boy. Akala ko wala ka nang balak bumangon, eh." Tinapik ko ang ugok nang dumaan ito sa pwesto ko. Dumiretso siya sa lababo at naghilamos.

"Aalis ka na?" medyo paos pa ang boses nito. Nagpunas ito ng mukha bago ako tapunan ng tingin.

"Obvious ba?" pambabara ko.

Sinamaan niya naman ako agad ng tingin kaya bahagya akong natawa. Sarap talaga asarin ng ugok na 'to kapag bagong gising. Isinukbit ko na ang bag ko.

Itinuro ko ang nakatakip na pagkain na niluto ko bago tuluyang magpaalam.

"Tangina, hindi ako makapaniwala na dadating 'yung araw na ako naman ang ipagluluto mo. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, Ken Kristoffer," unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa mukha ni kuya at nilapitan ako. Ginulo niya nang bahagya ang buhok ko kaya agad akong nagreklamo.

"Nak ng pucha. 'Wag naman 'tong buhok ko, boy," sinangga ko ang kamay niya.

Nagkatinginan kami at pareho na lang natawa. Tama si kuya. Ako na ngayon ang madalas nagluluto ng pagkain namin sa araw-araw. Simula nang maging kami ni Atha, mas naging desidido akong matutong magluto. Nakaramdam kasi ako ng hiya sa sarili ko dahil nakikita ko kung gaano ka-responsable si Atha sa pamilya niya. Gusto kong tularan ang maganda nitong ginagawa at para rin mas maging karapat-dapat ako sa kanya.

"O sige na, baka naghihintay na sa'yo ang mama ni Atha sa palengke. Lakad na," nginitian ako ni kuya. "Paki-kumusta na lang din ako kay Atha. Pakisabi, daan naman siya minsan sa bookstore. Nagka-jowa lang, nakalimutan na ako," pagbibiro pa nito.

Bahagya naman akong natawa at sinabing abala lang talaga si Atha ngayon sa school works, pati na rin sa pagbabantay ng tindahan. Madalas pa rin akong umuwi ng late dahil nakasanayan ko na rin talagang tumulong sa tindahan nina Atha. Naging malapit na rin kami lalo ng mga kapatid nito. At ramdam ko rin na parang pamilya na ang turing nila sa akin.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon