Chapter 19

1.5K 89 193
                                    


***

Sana ay iyong naririnig pusong ikaw lang ang pinipintig. Tanging ikaw lang ang ligaya. Parang buhay ko'y may taning tuwing ika'y nalalayo sa'king tabi.
- Kailangan Kita / Spongecola


Wala akong araw na sinayang para iparamdam kay Atha kung gaano ako katotoo sa nararamdaman ko para kanya. Araw-araw kong ipinapaalala kung gaano siya kahanga-hanga bilang tao; Kung paano nagiging magaan at maganda ang mga araw kapag nandyan siya sa paligid.

Sa anumang paraan, lagi kong pinaparamdam sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat dahil hinayaan niya akong magkaroon ng bahagi sa makulay niyang mundo. Siguro naririndi na sa akin si Atha dahil paulit-ulit kong kinukwento sa kanya na ang pinaka paboritong bahagi ng buhay ko ay 'yung mga panahon na hindi niya ako sinukuan hanggang sa maging maayos ako ulit. Kahit marindi siya, wala akong balak itigil 'yon dahil kung hindi dahil sa kanya, baka hanggang ngayon palutang-lutang pa rin ako sa kawalan.

Walang direksyon ang naging landas ko noon pero nang makilala ko si Atha, nagkaroon ako ng patutunguhan. Siya ang naging liwanag ko sa matagal na pangangapa sa dilim.

Kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapangiti at mapasaya siya lagi. Gusto kong ibalik lahat-lahat ng mga kabutihang nagawa niya sa akin. Hangga't maaari, ayokong mawala ang maganda nitong mga ngiti. Ipinangako ko rin sa kanya na hinding-hindi ako mapapagod maghintay hanggang sa maging handa na siya. Araw-araw ko itong pinapatunayan. At ramdam ko naman na lahat ng mga ginagawa ko ay hindi niya binabalewala.

Ikinuwento ko sa tropa ang nangyari sa pagitan namin ni Atha at ang mga ugok, hindi magkamayaw sa tuwa. Halos nabugbog nga ako ng mga hinayupak dahil sa labis na galak. Masaya raw sila para sa akin. Masaya sila dahil sobrang laki raw ng pagbabago ko simula nang makilala si Atha.

Hindi rin naman raw sila nagulat nang malaman ang kwento ko. Halata naman daw kasi na gusto namin ni Atha ang isa't isa. Inasar pa nga ako ng mga tanga dahil ngayon lang daw nila nakita 'yung pagiging torpe ko. Todo tukso rin ang gagong si Japs at inumpisahan na naman akong tawaging loverboy pero version point zero two na raw.

Ramdam na rin daw nila na si Atha na ang the one na hinahanap ko. At tangina, aaminin ko na gano'n na rin ang nararamdaman ko. Mayroong kakaibang tinataglay si Atha na hindi ko nakikita sa ibang mga babae. Sa kanya ko lang din naramdaman ang ganitong kasiguraduhan. Na para bang siya ang nawawalang piyesa na matagal ko nang hinahanap para tuluyan akong mabuo. At nabuo niya nga ako. Kaya kahit gaano katagal, handa akong maghintay para sa kanya.

Nasabi ko na rin pala sa mga ugok ang tungkol sa Foundation Day na magaganap sa school namin at mas lalo silang natuwa nang malaman na balak kong isali ang banda namin sa Battle of the Bands. Nakapag-register na ako at kami na ang magiging representative ng DLMC. May tatlong linggo pa kami para mag-practice.




"Tangina naman, Ken Kristoffer oh! Maghihiwa lang ng sibuyas, inaabot pa ng ilang minuto. Umalis ka na nga diyan at baka abutan tayo ng sikat ng araw sa ginagawa mo!"

Padabog kong ibinaba ang hawak kong kutsilyo bago napasinghot. Pakiramdam ko bigla akong sinipon dahil halos mapaiyak na ako habang naghihiwa ng sibuyas. Ang sakit pala talaga sa mata nitong walang hiyang sibuyas na 'to. Kabadtrip.

Maaga kaming gumising ngayon nitong ugok na si Kuya Kenneth dahil sinabihan ko siya kagabi na gusto kong magpaturo sa kanya magluto ng ulam. At syempre, inasar-asar niya muna ako at nanghingi pa ng bayad dahil mahal daw ang talent fee niya. Mura tuloy ang inabot niya sa'kin.

Sumilip ako sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang alas-tres pasado pa lang ng umaga.

"Nag-effort akong gumising nang maaga tapos ganito lang ang tuturuan ko? Nak ng tokwa, Ken! Parang gusto ko na lang matulog ulit," singhal ng ugok. Wala pa ngang naituturo, nanunumbat na agad. Sinamaan ko siya ng tingin.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon