Chapter 8

1.6K 132 66
                                    


***

You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try.
- With A Smile / Eraserheads


Mabilis nagdaan ang mga araw. Mas lalo kaming naging malapit ni Atha at unti-unti ay mas nakilala ko siya. Kung dati ay rinding-rindi ako sa boses nito, ngayon ay hindi na ako sanay kapag hindi siya nagku-kuwento tungkol sa kahit na ano. Hinahanap-hanap na ng mga tainga ko ang pagputak ng manok na 'yun.

Exam week na sa susunod na linggo kaya mas naging abala na ako sa school. Naging abala na rin ang mga ugok kaya ilang inuman session na rin ang naka-cancel. Pabor naman ito sa akin dahil parang ayoko na rin muna mag-inom. Wala ng rason para magpakalunod pa ako sa alak. Wala na sa akin ang mga nangyari noon at pakiramdam ko ay mas lalo na akong naging maayos.

Nandito kami ngayon ni Atha sa likod ng old building at nakatambay sa ilalim ng malaking puno. Ito na ang naging paborito naming pwesto. Dito na kami madalas kumain at tumambay kapag walang klase.

Pasimple kong sinilip si Atha at abala ito sa pagsusulat. Napansin niya yata na nakatingin ako kaya agad nitong sinara ang notebook.

"Palagi kang may sinusulat. Ano kaya 'yan? Ba't ayaw mong ipakita sa'kin?" puno ako ng kuryosidad. Tumabi ako sa kanya.

Madalas kong makitang nagbabasa si Atha ng libro at kung hindi naman ay palagi itong nagsusulat. Ilang beses ko na rin tinanong kung tungkol saan ba iyon pero wala akong nakukuhang sagot. Hindi na ako nangulit dahil baka diary niya ito at marunong naman akong rumespeto ng privacy.

"Hello, Ken!" sabay kaming napatingin ni Atha sa dalawang babaeng dumaan nang bigla nila akong batiin.

Ngumiti naman ako bilang tugon. Nang makalampas ang dalawa ay agad akong inasar ni Atha.

"Campus hearthrob ka na talaga," natatawa na sabi nito.

Pagkatapos ng GA, nagdilang-anghel ang gagong si Japs at marami na ngang nakakilala sa akin at bumabati. Ikinuwento ko nga 'yon sa GC at ang mga ugok, tuwang-tuwa. Inasar pa ako at sinabihan na baka sa susunod daw hindi ko na sila pansinin. Parang mga gago.

Nag-ring ang cellphone ni Atha kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya. Ngumiti ito at nagpaalam para sagutin ang tawag. Sinundan ko lang siya ng tingin at pasimpleng pinagmasdan habang kinakausap ang tumawag sa kanya.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Atha pero nang mapansin niya akong nakatingin ay bumalik ang pagngiti nito. Tumalikod siya at muling itinuloy ang pakikipag-usap. Napaiwas na ako ng tingin nang muling humarap si Atha at naglakad pabalik. Nakangiti itong nagpaalam.

"Ken, hindi na pala ako makakasabay sa'yo sa pag-uwi ngayon. May kailangan lang akong puntahan," pahayag nito habang nagliligpit ng gamit.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko at isinukbit ang bag.

"Saan ka pupunta? Tara, samahan na kita. Ayoko pa kasing umuwi," sagot ko kaya agad napatingin si Atha.

Tipid itong ngumiti at umiling.

"Salamat, Ken, pero malapit lang naman ang pupuntahan ko. Hindi mo na 'ko kailangan samahan."

Tumitig ako saglit. Nakangiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Sure ka? Ayos lang naman sa akin, eh." Sinubukan ko ulit pero tumanggi ito.

Tinapik niya ako sa balikat matapos maayos lahat ng mga gamit at isinabit na rin niya ang bag sa kanyang likuran. "Sige, Ken, una na ako, ah? Kitakits bukas!"

Naglakad na ito pero agad kong pinigilan. Lumingon siya sa akin.

"Bakit?" nakangiti nitong tanong.

"5:45 AM bukas," sagot ko at dahan-dahang tumango si Atha.

5:45 AM (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon