"Sir, bat nandito po tayo sa bahay n--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng hindi ako pinatapos ni Sir Calvin sa sinasabi ko.
Parang kanina lang after ng meeting nya with Mr. Matsumoto ay inaya nya akong maglunch daw kami.
"My parents wants to meet you" sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay nagblush ako. Natahimik ako at hindi ko pinahalata na nagblush ako.
Sa loob kasi ng dalawang taon ay nanatili syang sweet sakin at ito ang unang pagkakataon na sinabi nya saking gusto daw akong makilala ng parents nya.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng excitement.
"Sir Calvin .." hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mabigla ako dahil bigla nyang pinunan ang pagitan ng kamay ko. Sandali akong napalingon sa kamay ko na naka-interwined sa kamay nya at pagtapos ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Pero nanatili lang sa mukha nya ang ngiti na matagal ko ng hindi nakikita kay Thower.
"Just let me hold your hand." tipid lang akong napangiti. Habang dahan dahan kaming naglalakad papasok sa loob ng mala-mansyong bahay ay parang gustong gusto ko ng umayaw at tumalikod na lang at tumakbo papalayo. Parang ayoko na ata.
Naramdaman kong humigpit ang kapit nya sa kamay ko dahilan para muli akong mag-angat ng tingin sa kanya only to find out na nakangiting nakatingin pala sya sakin dahilan para ma-ilang ako at una ng mag-iwas ng tingin.
Hindi ko na na lang pinansin na kapit kapit nya ang kamay ko hanggang sa papasok na kami ng mala-mansyon nilang bahay.
Bawat hakbang na mas lalo kaming lumalapit sa loob ng bahay ay lalo akong kinakaban dahilan para mas lalong humigpit ang kapit ko sa kamay nya.
Mukha namang nakuha ko ang atensyon nya. "Something wrong?"
Umiling iling na lang ako kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong ipagsigawan na kanina ko pang gustong umuwi.
Kasi naman isipin mo tong posisyon ko, ang boss ko. Ung CEO ng company ay nagkagusto sa sekretarya nya at itong sekretarya naman nya which is ako ay hanggang ngayong ay basted lang sa kanya.
"Don't worry. Hindi ka sasaktan o sisigawan nila Mama. I bet magugustuhan ka nila kagaya ng nagustuhan kita" at nag-wink pa sya dahilan para magblush ako na hindi ko pinahalata sa kanya.
Nanatiling hawak nya ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay kung saan may isang nasa mid 40's na babae ang nasa garden na syang tanaw na tanaw sa kinatatayuan namin ni Sir Calvin.
Naglakad kami papunta sa may garden hanggang sa sandaling bumitaw si Sir Calvin at sandaling yakapin ang babae. Siguro mother nya 'to.
Pagkatapos nilang magyakapan ay nanatili ang ngiti sa labi ni Sir Calvin maging sa babae ay may gumuhit na ngiti na rin sa kanyang labi.
"Sya na ba?" nakangiting saad ng babae. Nakatingin sya kay Sir Calvin pero nakaturo sya sakin dahilan para kumunot ang noo ko.
"Yes Ma, my future girlfriend" natigilan naman ako sa sinabi ni Sir Calvin. Fu-future girlfriend?
Alam ko sa sarili kong sinabi ko na kay Sir Calvin na may hinihintay ako pero sinabi nya paring --
"You have a great taste in women, Son. Manang mana ka talaga sa Papa mo. I can't wait to see the joy in his face when he meet this amazing girl right here" at tinuro ako ng nalaman ko ngayong mother nya. Awkward na lang akong ngumiti at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Pagkatapos non ay nagkaroon sila ng kaunting kumustahan ng mother nya at napag-alaman kong hindi pala sya dito tumutuloy dahil may sarili syang bahay.
At nalaman ko pang, meron ng sariling bahay si Sir Calvin, meron na ring stable na company at lahat ng mahihiling ng isang babae ay nasa kanya na.
Napatungo na lang ako sa aking narinig. Alam kong boto sa kin ang mother ni Sir Calvin dahil kwento sya ng kwento about sa past ni Sir Calvin na syang aaminin kong nakakatuwa at minsan ay nakakahiya.
Kaya imbis na hindi pakinggan ang sinabi ng mother nya ay tahimik na lang akong nakikinig. Minsan naman ay ngumingiti ako pag nakakatawa.
Sinabi rin ng mother nyang babaero daw itong si Sir Calvin hanggang sa isang araw ay bigla na lang itong tumigil sa pambabae. At nabigla din daw sila na malaman nilang may nagugustuhan daw ang anak nila which is ako. Kaya nung una ay tutol daw sila kaya natagalan akong ipakilala ni Sir Calvin sa parents nya.
Pero nung napapansin nilang nagbabago na ang anak nila ay pumayag silang makilala at makita ako.
"Ija, kelan ba kayo magpapakasal ng anak ko?" biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng mother ni Sir. Sandali akong napalingon kay Sir at parang wala lang sa kanya ang kanyang narinig. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awkwardness kaya tumungo na lang ako.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...