"Ma, hindi pa naman kami magpapakasal ni Monique dahil sasagutin nya pa ako" narinig kong saad ni Sir Calvin. Nanatili lang akong nakatungo. Pakiramdam ko kasi masyado na akong kinakain ng kahihiyaan.
"Ay. Ganun ba? Pasensya na! Nalimutan ni Mama" at narinig ko pang playful na tumawa ang mama nya.
Akward na lang akong nag-angat ng tingin at pekeng ngumiti.
"Ija, wag ka ng kabahan. I really like you for my son. At umaasa akong sasagutin mo na sya para magkaroon na ako ng kambal na apo" natigilan naman ako sa narinig ko.
Hindi naman mawala ang ngiti sa mama ni Sir Calvin samantalang si Sir Calvin naman ay naramdaman kong hinawakan ang kamay nya dahilan para lingunin ko ang kamay namin.
"Ma, anong oras darating pala si Papa?" hindi nya pinansin ang pagtingin ko sa kamay namin.
"Sabi nya, any minute ay darating na sya." nakangiting saad ng mama nya. May lumapit ditong katulong at nagdala ng pineapple juice at strawberry chocolate cake.
"Dig in" yaya ng mama ni Sir Calvin saming kumain. Nahihiya man ay kumain ako. Sinabi kasi ng mag-ina na wag daw akong mahiya kaya kumain ako.
Habang kumakain ay napuno na ng kwentuhan ang mag-ina samantalang ako ay nanatiling tahimik. Mukha talagang close sila at okay din ang mother ni Sir dahil nakikisama sa trip ng anak nya.
"Eating dessert without me? How rude!" sabay sabay kaming napalingon dun sa nagsalita. Nakatayo papalapit samin ang isang mid 40's na lalaki na sa tingin ko ay father ni Sir Calvin.
"Honey, ang tagal mo namang dumating. Dala dala ng anak mo ang girlfriend nya" nakangiting saad ng mother ni Sir Calvin.
Girlfriend? Ayos ha. Nakalimutan agad ng mother nya? pero okay lang. Cool naman kasi ang mother ni Sir Calvin e.
"Girlfriend?" biglang nagseryoso ang mukha ng father ni Sir kaya natahimik ako. Patay! Mukhang ayaw ata sakin ng father nya--- teka! bakit ko ba iniisip kung gusto ako ng father nya e, may boyfriend na ako at si Thower un sadyang hinihintay ko lang talaga na ayain nya akong magpakasal kagaya nung pinangako nya sakin nung 4th year high school kami.
Umupo ang father ni Sir kalapit ang asawa nito at seryosong kumuha ng strawberry chocolate cake habang nakatingin sakin. Tae! Mukhang hinahanap na agad ng fathee nya ang maling features sakin. Kinakabahan ako.
Naalala kong hanggang ngayon ay nakahawak pa pala ako sa kamay ni Sir Calvin kaya hinigpitan ko ang hawak ko dito.
"Pa, wag nyo naman pong tingnan ng ganyan si Monique. Tinatakot mo e" pabirong saad ni Sir Calvin.
Pero hindi parin inalis ng father nya ang ganung tingin sakin dahilan para ma-concious ako sa sarili ko.
"Honey, uminom ka muna ng juice. It's your favorite" aya ng asawa nya dito pero hindi nya paring inaalis ang tingin sakin na lalong nakakapagpakaba sakin.
"Ahh .. S-sir C-calvin" nauutal kong saad.
Nilingon naman ako ni Sir Calvin na tahimik na kumakain ng strawberry chocolate cake.
"Mag-c-cr lang po ako" paaalam ko dito. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya at tumayo na ako at umalis.
Habang papalayo ako sa kanila ay ramdam kong nakatingin sakin ang father ni Sir Calvin. Lalo akong natatakot at kinakabahan. Hindi naman talaga ako naiihi pero ung mga tingin na ganun para akong kakainin ng buhay.
Bahala na ipagtatanong ko na lang kung nasaan ang cr dito.
Naglakad lang ako papalapit sa isang katulong na nandito ng makatanggap ako ng isang text message mula kay Starie.
From: Starie
Girl, it's 4 in the afternoon. Nasaan ka? Sabi nila umalis daw kayo ni Sir Calvin. Saan kayo pumunta?Napatampal na lang ako sa noo ko. May pagka-chismosa din itong bestfriend ko ee. Talagang inaalam.
To: Starie
Starie, nandito kami sa bahay ng parents ni Sir. Ipapakilala daw ako. At saka anong meron pala at nagtext ka? May nangyari ba?Hindi pa lumilipas ang ilang segundo ay nagreply na sya.
From: Starie
Ay, oo nga pala. Ung Thower mo kasi napabalitang may shooting daw dito malapit sa company. Daming people-lets. Hindi ako makasingit.Natahimik ako sa aking narinig. May shooting si Thower malapit lang sa company. Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay may gumuhit na ngiti sa aking labi.
Hindi na rin kami nagkikita ng boyfriend ko dahil ayaw nyang puntahan ko sya sa bahay nila dahil baka mahuli daw ako ng kakambal nyang si Jess. Sa tinagal tagal kasi ng relasyon namin ay hindi pa ito nalalaman ng parents nya o di kaya ung kakambal nya. Panigurado maging kaibigan nya ay hindi nya ipinapaalam na may girlfriend sya.
Sa bagay, oo nga pala, kabi-kabila ang girlfriends nya dahil gwapo, sikat at playboy sya.
"Monique, are you okay?" napalingon ako sa nagsalita sa may gilid ko.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...