Hindi naglaon ay narinig ko ang boses ni Thower. Naramdam ako ng pangungulila at pagkamiss kay Thower. Nabuo rin ang pag-asang ililigtas nya ako dito.
"Ugh! Yamie, what do you want?" halata ang pagkairita sa boses ni Thower.
"May itatanong lang sana ako .." pamahinhin pang tanong ni Yamie habang nakatingin sakin. Nakaramdam ako ng inis sa ginawa nya. Ano bang ibig sabihin ni Yamie sa ginagawa nyang yan?
"What is it?" nananatili ang pagkairitaa ni Thower. It was like sya ang dating Thower. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa usapan nilang naka-loud speaker.
"Ano uli ung sinabi mo sakin tungkol sa plano mo kaya mo pinakasalan si Autumn?" natigilan ako sa aking narinig. Naramdaman kong parang sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko.
"Why did you bring up this nonsense?"
"Just answer me!" punong ma-awtoridad na utos ni Yamie.
Narinig naming nagbuntong hininga si Thower bago sumagot. "Ugh! Kaya ko lang pinakasalan si Autumn ay para mas sumikat ako. I only used her. I never loved her. Ginamit ko lang sya para mas lalong mapabango ang pangalan ko sa publiko. Everything was according to my life until one day, I suddenly fell for--" hindi na pinatapos ni Yamie ang sinasabi ni Thower ng basta na lang binato ang phone nya dahilan para mabasag ang screen nito.
At parang paghampas ng alon ay biglang nag sink in sa isipan ko lahat ng narinig kong sinabi ni Thower.
I only used her. I never loved her ...
Hindi ko na napigilang mapaluha. Napasinghap ako kahit may nakalagay pang busal sa bibig ko. At parang falls ang pagbagsak nitong mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Akala ko ...
Akala ko mahal nya ako. Akala ko happily ever after na namin to kaso umaasa lang pala ako. Naniwala agad ako sa kalolokohang mahal nya ako kahit ang totoo ay hindi naman pala.
Kanina akala ko, masakit na itong ginawa ni Yamie pero mas masakit pa ito. Mas masakit pa lang malaman mong ang taong mahal mo ay hindi ka man lang minahal at ginamit ka lang para mas sumikat sya.
"Nakakaawa ka naman .." at tinanggal na ni Yamie ang nakatakip sa mga mata ko at nakita kong pinagtatawanan nya ako habang umiiyak.
"Grabe! Umiiyak ka pala, akala ko kasi bato ka!" at pinagtawanan nya uli ako. Dahilan para mas lalo akong umiyak.
I feel like I'm such a loser.
"Gosh! This bring a new achievement in my world. At para mas nagdiwang ang nararamdaman mo, hindi mo ba napapansin na mas sikat pa si Thower kaysa kina Ethan,Darren,Zian at Jess?" tanong nya habang naglalakad papaikot sakin.
"This is because he's user .." dinikit nya ang mukha nya sakin pero agad kong nilayo ang mukha ko sa kanya dahilan para mapangisi sya.
"Lahat ng babaeng makakasama nya, makakarelasyon ay gagamitin nya para .." she paused and poured wine in her wine glass. At pagkatapos ay binalik nya sakin ang tingin.
" ... mas lalo pa syang sumikat. And unfortunately, you're one of those losers on fall into his trap" at tumawa na naman sya at pagkatapos ay binuhos sakin ang wine na nasa wine glass nya at pinagsasampal ako.
Wala akong lakas para lumaban o anuman kaya tinatanggap ko na lang ang bawat pananakit nya. What's the use? My heart is badly broken inside.
At nung makuntento na sya at basta na lang nya akong sinipa dahilan para ma-out of balance ako at bumagsak sa sahig. Narinig ko na naman syang tumawa. And the next thing I knew was I was lying on the ground and everything went black.
Nagising ako dahil sa malakas na boses na umaalingawngaw sa buong paligid.
"Ilabas mo ang asawa mo. Hindi pa ba sapat na nagpasalamat ako at pagkatapos ay kukunin ko na sya?" teka, boses ni Thower yun a.
Anong meron?
"Tulog pa si Autumn. Mamaya mo na syang kunin." mahinahon namang tugon ni Sir Calvin. Sir Calvin? Teka, nasaan ba ako?
Nilibot ng pangingin ko ang buong paligid at hindi nga ito ang kwarto namin ni Thower. Wag mong sabihin? Napatakip ako ng bibig. Pero ang naaalala ko ay nasa sahig ako at pinagtatawanan ako ni Yamie pero ngayon ..
Tatayo na sana ako mula sa aking pagkakahiga ng basta na lang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Thower na bakas ang pag-aalala sa mukha. Gusto kong maiyak dahil hindi ko maintindihan ano ba 'to? Bakit nya ako niloloko?
Bakit umaarte sya na mahalaga ako kahit ang totoo ay ginagamit nya lang ako.
Basta na lang nya akong niyakap dahilan para matigilan ako. Nakita ko ring humahangos na tumakbo papasok ng kwarto si Sir Calvin at natigilan din sya ng makitang yakap ako ni Thower.
Nanatili lang din akong tulala ng marinig ko na syang nagsalita.
"I missed you so much, Autumn. Hindi mo alam kung gaano. Mahal na mahal kita, Autumn" taksil na mga emosyon 'to. Hindi ko alam kung bakit pero napaluha na lang ako sa sinabi nya, siguro ay dahil nalaman ko na anv sekreto nya.
Hindi nya ako mahal.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
عاطفيةHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...