Chapter 37 (09/01/2016)

4.3K 64 1
                                    

Autumn's Pov

Nakarating na kami ng bahay at lahat ay hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasalita. Alam kong kanina nya pa ako tinatanong kung may problema ba pero hindi ko sya ginawang tingnan. Ni tawagin ang kanyang pangalan ay hindi ko rin magawa.

Dahil hanggang ngayon ay nakatatak parin dito sa puso't isipan ko yung sinabi ni Yamie.

Hindi ako mahal ni Thower. He's just using me at kapag tapos na syang gamitin ako ay igagaya nyan rin ako sa mga babaeng naging ex nya. Itatapon nya rin akong parang tissue sa basurahan.

"Baby, are you okay? Kanina ka pa di nagsasalita? Is it because of that guy?" hindi ko na lang sya pinansin sa sinabi nya kahit naikuyom na rin nya ang kamao nya.

Tinalikuran ko na lang sya at pupunta na sana ng kwarto namin ng narinig kong binigkas nya ang aking pangalan.

Hindi ko sya nilingon pero tumigil ako sa aking paglalakad at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

"Autumn, may problema ba tayong dalawa kaya ganyan ka umasta?"

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi nya. Bumibilis ang tibok ng puso ko at paulit ulit na namang bumabalik sa aking isipan ang sinabi ni Yamie.

Sana hindi na lang ako nagising pa. Sana hindi ko na lanv mararamdaman itong sakit. Grabe, sana nanatili na lang ako sa kwartong iyon at di na nagising pa.

Madiin ko na ring ipinikit ang aking mga mata parang maiwasan ang pagbagsak nitong mga luha ko kaso masyado silang matigas ang ulo dahil kahit nakapikit na ako at nagsimula na akong umiyak.

"For the first time in my life, akala ko totoo ang lahat ng nakikita ko, nararamdaman ko, naririnig ko at ..." I paused at unti unti ko syang hinarap. "ang taong mahal na mahal ko. Kaso mukhang sa simula pa lang pala ng lahat nakapasok na ako sa laro kung saan sapilitan kong sinali ang sarili ko kahit di ko naman alam."

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Nakatayo lang syang parang estatwa habang nakatingin sakin na parang pinag-aaralang mabuti ang bawat sasabihin ko.

"Cloude Thower Wolfe, you knew that I love you very much. I even waited for that stupid 7 years. Naniwala akong meant to be tayong dalawa. Na tayong dalawa na kaso ako si tanga, umasa. Umasang totoo ang lahat. Umaasa na magbabalik ang dating Cloude Thower na mahal ko at mahal na mahal ako. I'm so weak na umaasa at hinayaan ko ang sarili kong maniwala sa mga kasinungalingan mo."

Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko. Pinupunasan ko lang ito pero ayaw nitong maubos. Hindi ko na tiningnan si Thower at lumingon na lang ako sa ibang direksyon.

I felt betrayed, used and nothing.

"What are you talking about? Is this about earlier? Autumn, ginawa ko ang lahat para iligtas pero ano itong sinasabi mo? Now you're accussing me na nagsisinungaling ako? Kanina pa kita kinakausap na para akong tanga na hangin ang kausap tapos ngayon ganito ka magbu-burst out?"

Alam kong galit na sya. Kita sa mga mata nya at nakakuyom na rin ang kamao nya. Hindi ko na lang pinansin yon.

"Hindi yon ang sinasabi ko!"

"THEN WHAT IS IT!"  pasigaw na nyang sabi. Natigilan ako at parang mas dumoble pa yung sakit na nararamdaman ko. Ngayon napatunayan ko na talaga na totoo ang sinabi ni Yamie. Totoo.

"Do you really love me, Thower?"

"Are you crazy? What kind of question was that?" nakangisi na sya pero bakas parin sa mga mata nya ang inis mula kanina.

"Just answer me! Mahal mo ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako o sadyang ginamit mo lang ako, ginamit mo lang ang pagmamahal ko sayo para pakasalan mo ako at gamitin ang exposure na yun para mas lalo kang sumikat? Dapat ko bang paniwalaan ang mga sinasabi mo saking mahal mo ako?"

Natigilan at natahimik sya.

"A-autumn ..."

"Tanggap ko na. Sorry let me reprase that, pipilitin kong tanggapin. Pipilitin kong tanggapin ang lahat. Pipilitin kong kalimutan ang lahat ng pagmamahal ko sayo, ang mga pinagmamahal natin at higit sa lahat ay ang pekeng pagmamahal na pinakita at pinaramdam mo sakin. Hindi ko alam na labeled na pala ako bilang gamit para gamitin at pagkatapos ay itatapon na lang." tinalikuran ko na sya at hahakbang na sana ako papaalis ng maramdaman kong hinawakan nya bigla ang pulso ko.

"Why are you doing this to me? Autumn, I love you I really do. Alam kong nakagawa ako ng pagkakamali and believe me pinagsisihan ko yon, I shouldn't done that. Trust me. Mahal na mahal kita. Autumn, please"

Napasinghap na lang ako sa sinabi nya at napatakip ng isang kamay sa aking bibig dahil mas lalo lang akong naluha. Ayoko ng ganito.

"Tama na. Tama na, Thower. Tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo. Tapos na tayo. Ayoko na"

At pagkasabi ko non ay tuluyan na akong umalis sa pagkakahawak nya at iniwan sya. Hindi ko na rin dinala ang mga gamit o damit ko. Basta na lang akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi at sinabi na sa driver ang lugar.

Habang nasa loob ng taxi ay iyak lang ako ng iyak. I just let go the man I love. It hurts a lot pero ito lang ang nakikita kong solusyon. Ito ang nakikita kong solusyon kung saan makakalaya na ako sa sa kanya at makakalaya na rin sya sakin.

Ayokong maging pabigat sa kanya. Siguro ngayon, kailangan ko na talagang pilitin ang sarili kong makalimot. Pilitin ang sarili kong itigil na ang pagmamahal para sa isang Cloude Thower Wolfe.

Dahil hindi ko malilimutan, napilitan lang syang magpakasal sakin. Ayaw nya sakin. Kaya siguro ay masaya na sya dahil wala na ako sa poder nya.

Cloude Thower Wolfe, teach me how to unlove someone like you .

- to be continued.

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon