"Pasensya ka na iha, hindi ko lang talaga inaasahan na may seseryosohin palang babae itong si Thower, kilala kasing playboy yan e" nakangiti kwento ng father nila Thower. Nagtawanan na ang pamilya nila maliban kay Thower na kalapit ko lang sa upuan at halatang napilitan lang sumali sa family dinner nilang ito.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang naturang family dinner at ramdam na ramdam kong tanggap ako ng mga magulang nila Thower at maging si Kuya Jess ay mukhang tanggap na rin ako.
"So, kelan ang kasal?" natigil ako sa pag nguya at agad nag-angat ng tingin. Hindi maalis ang ngiti sa mga mukha at maging sa mga mata ng mother nila Thower.
"Ahh .. Ahh" halos hindi ako makasagot. Nagpalipat lipat na rin ang tingin ko kay Thower at sa mother nyang halatang naghihintay ng sagot ko.
Teka? Ano ba 'tong ginagawa ko? Bakit parang binabaliko ko ang gusto kong sabihin kay Thower ngayon ah? Sasabihin ko na dapat sa kanya na ayaw ko ng ituloy ang kasal pero ano 'to? Sadyang inaasar talaga ako ng tadhana.
"Ano na? Kelan?" nakangiti paring tanong ng mother nila Thower. Nakangiti lang ang father nila Thower at si kuya Jess naman ay tahimik lang na kumakain, pero itong si Thower ay bakas na sa kanyang mukha na naiirita na sya.
"S-sa .." utal kong panimula. Nagpalipat lipat ako ng tingin kay Thower at sa mga magulang nyang naghihintay ng sagot ko.
"Ayoko na. Pupunta pa ako ng bar!" walang modong saad ni Thower at basta na lang hinampas ang lamesa at saka tumayo na at umalis. Huli na ang lahat ng sinita sya ng father nya. Tuluyan ng nakaalis si Thower.
Nanatili na lang akong nakatungo. Napapahiya ako sa sarili ko. Lalo kong naramdaman na ako lang naman ang may gusto ng kasal na ito. At kung hindi ko naman siguro sinabi yon in the first place ay hindi masasakal si Thower sakin at sana malaya pa sya.
"Anong klaseng lalaki yon? Ganun ko ba sya pinalaki?" saad ng mother nila Thower. Nanatili na lang akong nakatungo dahil mapapahiya lang ako.
"Love, tama na. Ung blood pressure mo." mahinahon namang saad ng father nila Thower.
Matapos ng ilang segundo ay napansin nila ako kaya unti unti kong nag-angat ng ulo.
"Autumn, sorry to say this pero totoo ba yung sinabi mo kanina? na fiancee ka ni Thower?" bigla na akong nakaramdam ng kaba.
Punong puno ng pagtatanong ang kanilang mga mata dahilan para tumungo na lang ako sa hiya. "T-totoo po kaso nga lang po, kaya lang naman nya po ako naging fiancee nya ay dahil tinawagan ko si Thower na tuparin nya yung pinangako nya sakin nung fourth year high school pa kami" madiin kong pinikit ang aking mga mata.
Mahirap na baka bigla na lang akong sigawan o pagalitan.
"Pangako? Fourth year high school?" ulit ng father nila Thower. Nanatili lang akong nakatungo at pinakikinggan ang sinasabi nila.
"Love, teka naaalala mo ba ung picture ni Thower nung high school pa sya? May kasama syang babae dun at hirap na hirap pa syang aminin saking girlfriend nya yon. Naaalala mo yun? First girlfriend ng anak mo ung babaeng yon" mahabang paliwanag ng mother nila Thower. May tuwa sa kanyang boses na parang sigurado syang ako ung babaeng nasa picture.
Teka, picture?
"Thower, ano ba? hindi na kasi ako nakikipagbiruan sayo nakikita mo naman sigurong malapit na ang midterms kailangan na nating mag-aral" saway ko kay Thower dahil pinagtatawanan nya ako habang binabasa ko ang makapal na libro ng physics.
"Autumn, para namang babagsak ka? eh, ikaw kaya ang pinakamatalino at pinakamabait na babaeng nakilala ko?" pambobola nya sakin na syang ikinangiti ko naman.
"Alam kong binibola mo lang ako,Thower pero wag mo ng babawiin yon ah" nakangiti kong saad.
"Hindi na at para maging katibayan yang promise ko ay mag-selfie tayo" at nilabas na nya ang phone nya at nagpicture na kami.
"Autumn, sabihin mo nga, iha, ikaw ba itong nasa picture?" hindi ko na napansin na nilagay na pala nila sa table ang printed picture. Natigilan ako at napatitig sa mga ngiti namin sa picture. May makakapal na libro sa background ng picture at may hawak pa akong libro pero parehas kaming nakangiti ni Thower. Hindi ko inaasahan na pina-print nya pala ito.
Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at mapaluha. Masyado pa kaming bata ni Thower ng kunan ang picture na yan at uwian na non kaya nasa library kami.
"Autumn,iha, are you okay?" nag-aalalang tanong sakin ng mother nila Thower.
"Love, mukhang sya nga ang nasa picture kita naman sa mga luha nya diba?" saad naman ng father nila Thower.
Tumango na lang ako at sinabi ko na rin na sa 21 na ang araw na kasal namin ni Thower. Nabigla sila pero biglang bumakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na syang ikinagulo ng isipan ko.
"Autumn, may aaminin ako sayo ah" panimula ng mother nila Thower. "Alam mo nung nalaman kong may girlfriend na si Thower nun at ikaw yun ay halos araw araw ay nakikita kong masaya sya pero nung dumating ang isang araw na nakilala nya sa buhay nya ung Alcantarang yon, naging ganyan si Thower. Kaya sana, kung may balak kang wag ituloy ang kasal ay sana ay ipagpatuloy mo parin ang kasal .Alam namin na ikaw ang makakapagpasaya sa kanya at nakakapagpabalik sa dating Thower na marunong magtiwala sa mga tao dahil masakit mang aminin pero mismong pamilya nya kami ay hindi sya nagtitiwala samin"
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...