Halos dalawang araw ng buhay kong nandito kami sa lugar kung saan kami mag team builing ay naging masaklap. Yes, tama ang pagkakabasa mo, masaklap. Akala ko, simpleng pagdating lang ni Yamie ang dahilan kung bakit sya nandito. Alam ko ang kwento nila ni Sir Calvin dahil ikinuwento ito nya sakin pero ang pinagtataka ko ay kung bakit nandito sya.
Nung una ay inisip ko na lang na maaaring malapit lang dito ung pinagsho-shootingan pero hindi e, nagtanung tanong ako pero wala. Walang nagsho-shooting sa malapit.
Nagpakilala pa si Yamie na kaibigan daw sya ni Sir Calvin na syang hindi naman pinansin ni Sir. Na sya ring mas ikinatuwa ng mga empleyado at panigurado ay mas naging boto na sila sa love team nila ni Thower. Meron pa ngang sumigaw sa may likuran ng 'Thomie' dahilan para mas lalong ngumiti ng pagkatamis tamis itong artistang hilaw na nasa unahan. In just less than 10 seconds ay close na sila ng mga empleyado dito.
Buong dalawang araw ay nanatili lang akong tahimik. Naiinis ako dahil buong dalawang araw ko ring nakita ang pagmumukha ni Yamie na syang ikinaiinis ko. Hindi nya ba alam na asar na asar ako sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit nagbago si Thower? Kung bakit ganyan na akk tratuhin ni Thower?
"O, hanggang ngayon ay gusot parin ang pagmumukha mo" napalingon naman ako dito sa kalapit ko. Nandito na kami sa bus na naghahatid sa amin pauwi.
Umiling iling lang ako at nilingon na lang ang bintana.
"Hindi naman maaalis sakin yun diba?" saad ko habang nakatingin parin sa bintana.
"Pwede naman, girl, kung gusto mo kaso ayaw mo lang talaga" nilingon ko si Starie at nakita ko sa kanyang mukha na mukhang nahihiya sya at mukhang gusto nyang bawiin ang sinabi nya.
"Sa tingin mo ba napakadali lang na ngumiti? Starie, 17 days na lang at matatali na ako kay Thower at aaminin ko hanggang ngayon hindi ko parin malaman sa sarili ko kung bakit gusto ko parin syang pakasalan kahit harapan na akong sinampal ng tadhana na ayaw nya sakin at napipilitan lang sya sa kasal na mangyayari" tumungo na ako dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang mga luha ko. At hindi nga ako nagkamali dahil nung pagtungo ko ay isa isa ng nagsibagsakan ang mga luha ko.
"Girl, pag-isipan mong mabuti dahil pagkamali ka ng desisyon ay maaari mong pagsisihan habang buhay" at niyakap na lang ako ni Starie dahilan para mas lalo akong mapaluha.
GABI NA ako nakauwi ng buhay. Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa kwarto at humiga na ako. Siguro ay bukas ko na lang mas iisipin ung kasal na magaganap.
Sinag ng araw ang nakapagpagising sakin. Pagkatapos kong manalangin dahil nagising ako ngayong araw ay niligpit ko na ang higaan ko at dumiretso na sa kusina para magluto. Alam kong late na akong nagising kaya tinext ko lang si Starie na male-late akong pumasok pero imbis na magreply sya ng tugon na gusto ko ay iba ang nireply nya.
From: Starie
Girl, manuod ka ng tv. Balitang balita na ang kasal nyo ni Thower
Natigilan ako sa aking narinig kaya agad akong tumakbo para bukas ung tv at natigilan ako sa aking napanuod at narinig. Hindi nga nagbibiro si Starie sa text message nya.
"Cloude Thower Wolfe, ikakasal na?" panimula ng showbiz reporter. "Cloude Thower Wolfe o mas kilalang Thower ay napabalitang ikakasal na at sa isang non showbiz personality. Matagal na kaya ang relasyong ito na hindi man lang ibinalita ni Thower sa kanyang fans at paano na kaya ang relasyon nila ni Yamie Alcantara--" madiin kong pinindot ang off button at binato ang remote sa may kung saan at umupo ako sa sofa. Natulala ako sa screen ng tv na ang tanging nakikita ay repleksyon ko lang.
This explains alot. Totoo nga na may relasyon sila ni Yamie at mukhang gagamitin nya ang kasal para pahirapan ako. Ganito na ba ako kasama para kay Thower na kaya nya itong gawin para sirain ako at lalong pasikatin ang sarili nya?
Cloude Thower's Pov
Madiin kong hinawakan ang remote matapos kong mapanuod sa tv ang tungkol sa pag-anunsyo na ikakasal na ako. Nagtiim bagang ako dahil sa inis. Sana naisip kong maaaring mangyari ang bagay na ito. Gagamitin lang ako ni Autumn at nagsisimula na sya. Tama ba namang sabihin nya sa press na ikakasal na ako. Ang galing nya, malinis ang pagkakagawa nya dahil hindi man lang lumabas ang pangalan nya.
Hindi ko alam kung paano ang ginawa nya pero napapahanga nya ako. Ang galing nya na sa sobrang tuwa ko sa kanya ngayon ay gusto ko na syang sabunutan at bugbugin.
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa at tatawagan na sana ang babaeng yon ng biglang tumawag si Yamie dahilan na kahit naiinis ako ay sagutin ko parin ung tawag.
"Anong kailangan mo?"
"Napanuod mo na ba sa tv ang ginawa ko?" sweet na saad nya dahilan para lalo akong mainis at kumunot ang noo ko.
"Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba naiintindihan na galit ako ngayon?" madiin kong saad na syang ikinatawa nya lang.
"Alam ko. Kaya ko nga ginawa ang anouncement na yon para tuluyan ka ng makapaghiganti sa babaeng yon at para tigilan na rin nya si Calvin."
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...