Calvin's Pov
Basta na lang akong napaupo sa sofa pagkatapos umalis nila Autumn at Thower. Pakiramdam ko ay napakahina ko, sabi ko sa sarili ko na hindi ko na mahal si Autumn pero niloloko ko lang ang sarili ko. Alam kong kasalanan na itong ginagawa ko pero hinyaan ko pa ang sarili ko.Napahilamos na lang ako ng mukha ko at hindi ko na napigilang mapaluha. This ends here.
"Yamie, bakit mo ba ako pinapunt--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nakita ko na lang na nakahiga na sa malamig sa sahig si Autumn habang may nakalagay na busal sa kanyang bibig.
"Kunin mo na sya!" walang emosyong saad ni Yamie. Hindi nya ako tiningnan at aalis na sana sya ng binigkas ko ang pangalan nya dahilan para matigilan sya at lingunin ako.
"Bakit mo ba ginagawa ito? Sadyang wala ka ba talagang puso?" habang sinasabi ko yon ay nanatili lang akong nakatingin kay Autumn.
"Ako? Walang puso? Calvin, you knew that I loved you for longest time in my entire life pero nandito ka nagtatanong kung may puso ba ako? Yes, I have a heart I gave it to you a thousand times but in that thousand times you repeatedly broke it again and again" wala sa sariling napalingon na ako kay Yamie sa sinabi nya. Umiiyak na sya. Kaya hindi ko na napansin ang sarili ko na tumayo na at nilapitan sya.
"Masyado ka kasing manhid, Calvin lagi mo na lang pinapansin yung mga taong hindi ka naman mahal pero ako itong nagmamahal sayo hindi mo mapansin pansin" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagawa ko syang yakapin.
"Please Calvin, please choose me. Please choose me" buong pagmamakaawa nyang saad niyakap na rin nya ako. Hindi ko maintidihan ang sarili ko kung bakit naaawa ako kay Yamie. Hindi ko alam kung bakit parang sa yakap at sa pag iyak nya ay unti unting nalulusaw ang galit na meron ako para sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nakapagdesisyon ako ng isang bagay na maaaring sisihin ko ang sarili ko balang araw. "Sige, Yamie, let's start to know each other better. Remove all your evil deeds. If you want me to choose you, then introduce yourself to m--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng basta na lang nya akong hinalikan.
Isang halik na kalaunan ay nagustuhan ko rin.
"Iuwi mo na sya. Ako na ang magsasabi kay Thower na nasa inyo sya"
Tumango na lang ako sa sinabi nya. At nilapitan na si Autumn at binuhat sya na pa-bridal style. Maybe this will be the end of my feelings for you ... Autumn.
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...