Jess Mikel's Pov
Napag-usapan naming magkakaibigan na magkita. Tutal medyo matagal na rin kaming hindi nagkakaroon ng ganitong araw dahil masyado na silang busy sa mga buhay nila dahil silang tatlo ay may pamilya na.Si Ethan may anak na at mukhang may kasunod na dahil medyo malaki na ang tyan ni Chiara, si Darren naman halos hindi ko ma-contact dahil sa bukod sa busy yan sa showbiz ay nagpagawa rin sila ng asawa nyang si Destiny ng hotel at mukhang wala pa ata sa plano nilang mag-anak at kay Zian naman masyado syang busy sa pamilya nya. Hindi na rin sya artista at CEO na lang sa company nila. Sya rin ang nagtuturong magbike sa anak nyang si Cade at si Akia naman ayun, ang sabi ng loko at naglilihi daw.
"Bro, ikaw ang nagyayang magkaroon tayo ng boys night tapos ikaw 'tong tulala" napalingon lang ako kay Ethan na nakatutok lang ang mata sa panunuod ng basketball dito sa may sala ng bahay namin.
"Bro, mukhang hindi naman totoo ang boys night eeh" napalingon ako dun sa nagsalita at nakita kong natigilan si Darren sa pagkain ng chips na isusubo nya sa bibig nya ng makita nyang halos kinakain na ni Akia ang lahat ng pagkaing nakalagay sa may table.
"Dude, ung asawa mo--" hindi na natapos ni Darren ang kanyang sinasabi ng biglang nag-angat ng tingin si Akia sa kanya at matalim sya nitong tiningnan na nakapagpabigay ng kilabot sa buong sistema ni Darren.
"Walang pipigil sakin." matigas at buong buong sabi ni Akia. Sabay sabay kaming napalingon kay Zian na medyo napapahiya na.
"Mga bro, pasensya na, parang hindi nyo naman kilala si Akia. Iba maglihi ang asawa ko kaya kung pwede paki-intindi na lang" umiling iling na lang ako at binalik na lang ang atenyon sa tv.
Wala na rin akong naiintindihan sa pinapanuod ko.
"Uy, Zian, kung nandito kayo ni Akia, nasaan ung si Cade?" tanong ni Ethan na sinamaan naman ng tingin ni Akia.
"Shh! Baby, don't be too rude. Si Ethan yan. He won't hurt you" at lahat kami ay nagulantang sa sunod na ginawa ni Akia dahil basta na lang syang humagulgol ng iyak na parang isang bagong silang na sanggol.
Lahat kami ay nagtakip na ng tenga dahil sa lakad ng iyak ni Akia. Pero si Zian ay nahihiyang nakangiti at niyakap na lang ang kanyang asawa at hinalikan sa noo.
"Baby, wag ka ng umiyak. Baka mapano si Baby" at pagkatapos sabihin yon ni Zian ay natahimik na si Akia at nagsimula muling kumain ng chips.
"Ayan. Ano, Jess mag-aasawa ka pa ba?" natigilan ako sa narinig ko at sa hindi ko sinasadyang pangyayari ay biglang nagbalik sa akin ang alaala kung saan huli ko syang nakita.
Hindi ko sya kasama ng maaksidente sya pero kung kasama ko sya pinapangako ko ay iningatan ko sya at hahayaan ko na lang ako ang mawalan ng buhay kaysa sa kanya.
"Ahh. Guys, si Thower pala ay hindi makakasama satin" pag-iiba ko ng usapan. Ayoko munang alalahanin dahil hanggang ngayon ay sariwa parin ang sugat ng kahapon.
"Dude, parang hindi na kami nasabay sa lalaking yon, kung sinu sino na lang pero naniniwala ako darating ang isang araw kung sino pa ung babaeng nilalayuan at iniiwasan nya ay sya pa ung babaeng mamahalin nya"
Halos lahat kami ay napalingon kay Ethan na ngayon ay kumakain na ng pizza.
"Si Chiara kasi, kasalanan ko ba kung ikwento nya sakin ung tungkol sa nabasa nyang story?" hindi na lang namin sya pinansin at pagkatapos ay tinuon na lang namin ang atenyon sa tv.
Cloude Thower's Pov
Lumabas na ako ng bar at pinunasan ko ang nadumihan kong labi. Ilang babae ang nahalikan ko ngayon. They want me to to have sex with them but I declined.Maaaring iniisip mong grasya na ang lumalapit pero tinataboy? No. Pakiramdam ko ay hindi naman worth it na kung sino sino ang pagbibigyan ko nito. Ugh! I sound like a gay!
Like I was saying, I don't do it. With those whores and sluts. They're just my canvas that needs to be written and after that if I'm bored and sick with it I will just dump it anywhere.
This is my life. I hate seeing my friends being happy with other people by their side. 7 years ago I thought that wanting something is like asking for a candy from your parents but I was wrong. That's not real life. Ang tunay na buhay ay ung aasa ka sa isang bagay at kung kailan ang pag-asa mo ay nandun na sa sukdulan at abot mo na ang tagumpay ay tyaka ka nito sasaktan at itatapon sa kabiguan.
7 years ago, I thought na kapag na sayo na ang gusto mo ay huwag mo itong pakawalan pero I was wrong, you need to let go everything at kapag may bumalik sayo ay masasabi mo sa sarili mong para sayo talaga ang bagay na yon.
Pero kay Autumn? I doubt kung mahal nya ba talaga ako. Hindi ako sigurado sa pinapakita nya. Hindi ako sigurado kung umaarte lang ba sya o totoo.
Because, after 7 years , I learned not to trust anyone even if she is something important to your life. Maybe, she is just using you and in the end she will just leave you broken and in pain.
Yan ang rason kung kaya wala akong sineryoso dahil ang natutunan ko ay lahat at napepeke at maging emosyon mo ay kaya mong pekein.
She's just some secret girlfriend, nothing more, nothing less.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...