Panibagong umaga na naman at papasok na uli ako sa trabaho. Pinilit ko na lang kalimutan ang lahat. Ang lahat ng naalala ko dahil sa kantang narinig ko kahapon.
Wala sa sariling napalingon ako sa kalendaryong nakapaskil sa pader. Ngayong araw na pala ang pangalawang taon ko ditong panunuluyan sa nire-rentahan kong bahay. Parang kailan lang na nilisan ko ang bahay namin sa Binangonan, Rizal para dito na magtrabaho.
Sabi sakin nila Mama na manatili na lang ako sa amin dahil parang maynila na rin ang probinsya namin dahil mas maunlad ito kaysa iba.
Hindi ko tinanggap ang sinabi ni Mama dahil ang pagkaka-alam ko ay pagkasali ni Thower ng reality contest sa tv kasama ng kakambal nya ay nanatili na sila dito sa maynila.
Napabuntong hininga na lang ako ng malingunan ko ang luma naming litrato ni Thower na nakasuot ng high school uniform namin at parehong nakangiti.
Nilapitan ko yon at hinawakan. Siguro ay hindi maibabalik ang nakaraan. Siguro, mananatili na lang akong umaasa na matutupad ang pangako nyang magiging kami.
Malungkot man ang kalooban ay pinilit kong ayusin ang sarili ko. Pagkatapos kong ayusin lahat ay umalis na ako at pumasok na ng company.
Halos 30 minutos na naman ang nasayang na minuto sa buhay ko dahil sa traffic dito sa Maynila.
"Good morning" bati ko sa mga ka-officemates ko at nagsibungisngisan sila at bumati rin pabalik sakin.
Hindi ko na sila kailangang tanungin pa dahil alam kong nasa likuran ko lang si Sir Calvin kaya ganyan na lamang sila makatili.
Pagkasakay ko ng elevator ay sumabay na rin sakin si Sir Calvin. Iisa lang naman kasi ang pupuntan namin.
"Kumusta ka na?" panimula ni Sir Calvin.
Nilingon ko naman sya. At nginitian ko sya.
"Sir naman. Ok lang ako. Sadyang may naalala lang ako kahap--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang iba pang mga empleyado.
Umusod na lang kami para makapasok pa ang iba.
"Be, nakita mo ba si Cloude Thower Wolfe? Grabe, para akong hihimatayin, kinindatan ako kahapon" bigla akong natigilan sa aking narinig.
Narinig ko ang pangalan ng boyfriend ko ah.
"Anong kinindatan ka? Ako nga hinawakan ang kamay kahapon at hindi lang yon hinalikan pa ako sa pisngi" pagmamalaki naman ng kausap nya.
Napasimangot naman ako at umastang wala akong narinig. Simula talaga naging sikat syang artista naging playboy na sya.
"Ang laki talaga ang pinagkaiba nila ni Jess, si Jess kasi hindi mo man lang makitang may kasamang girlfriend. Minsan nga iniisip ko, tatanda kayang binata si Jess?" tanong ng empleyadang babae sa kaibigan nya.
Napaisip ako sa pinag-uusapan nila. Hindi ba dapat pansinin nila ang buhay nila kaysa pag-usapan ang buhay ng iba?
"Hindi mo ba nabalitaan? Ang sabi sa balita ay may nagustuhan daw si Jess ang kaso nga lang ay naaksidente, siguro hindi pa sya nakakamove on kaya wala pa sya ngayong girlfriend"
Nakakaramdam na ako ng pagkainis sa dalawang babaeng itong nagkukwentuhan. Hindi ba sila nahihiya dahil halos puno ang elevator at un ang pinag-uusapan nila?
Nakahinga ako ng maluwag at bumukas ang pintuan ng elevator at halos kalahati ay nagsilabasan. Inayos ko ang pagkakatayo ko at inayos ang nagusot kong damit. Pagkatapos non ay napalingon ako kay Sir Calvin at nakita kong inaayos nya din ang damit nya.
Pinagmasdan ko rin ang mukha nya kung naiinis o ba sya dahil sa nangyari. Kung sisisihin naman nya ako at alam ko at aaminin kong may kasalanan ako. Kasalanan ko dahil hindi ko ni-long press ung floor number namin para hindi na sya mag-open ng pinto sa iba.
"Monique, wag mo akong tingnan ng ganyan dahil in no time makakapuno ka ng isang timbang laway"
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomansHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...