Autumn Monique
Naguluhan ako sa sinabi ni Thower at medyo kumunot pa ang noo ko."Favor? Anong klaseng favor?" muli na rin akong umupo at isusubo ko na sana ang kutsarang may kanin at ulam ng nagsalita si Thower.
"In 3 months time ay ipapalabas sa tv ang buhay mag-asawa natin. And in that time, I need you to act as my loving wife. Pero don't worry, as a payment ng para dito sa hinihingi ko sayong pabor ay ibabalik ko ang dating Thower na minahal mo" buong panahon ng kanyang pagsasalita ay nakatitig lang ako sa kanyang mukha.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hindi ko inaasahan ito. Paano ba nangyari 'to? Bakit parang ang bilis naman yata? Teka? Bakit ba ako nag-aalangan? diba dapat masaya ako?
"Thower" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako at niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi man nya ako niyakap pabalik ay masaya pa rin ako. Masayang masaya.
"Thower, napakasaya ko. Sobrang saya" at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay hinalikan ko sya. Nung narealise kong nakalapat na pala ang labi ko sa labi nya ay agad akong kumalas sa halik at bahagyang lumayo sa kanya at tumungo.
"S-sorry, na-carried away kasi ak--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nilagay ni Thower ang kamay nya sa may batok ko at hinalikan ako. Natulala ako sa ginawa nya. Kahit na sabihing naglapat lamang ang aming mga labi ng 3 seconds ay isang kasiyahan na sakin yon.
Pagkalayong paglalayo ng mga labi namin sa isa't isa ay pakiramdam kong namula ako sa kilig. Tumungo ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ko.
"Autumn, tungkol dun sa sinabi kong ibabalik ko ang dating Thower, seryoso ako dun" pagkasabi nya sakin non ay hinalikan nya ako sa noo dahilan para matulala ako sa kanya.
At marahil sa tulala na ako ay hindi ko napansing nakaalis na pala si Thower suot suot ang matamis nyang ngiti. Wala na sa sariling napaupo ako sa silya at natulala sa kawalan.
What just happened? Tell me, nananaginip lang ba ako? Dahil kung ganun ay parang ayaw ko ng gumising, dahil gusto ko munang manatili sa Thower na kasama ko ngayon.
---
"Great. Now it's setled!" nakangiting saad ng director. Ngumiti na lang din ako at sinabayan ang kasiyahan nila ni Thower."Thank, Direc" nakipagkamay na kami ni Thower kay Direc na hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa mukha nito ang kasiyahan. Kagaya ng akbay ni Thower sakin, gusto ko na sanang matunaw sa sobrang kilig ng marealise kong kaninang umaga pala ay halos sigaw sigawan nya ako dahil lang kesyo nagmamadali daw si Direc, pero nung nakarating kami dito sa isang kilalang coffee shop. Wala man lang akong director na nakita bagkus ay umorder lang si Thower ng kape nya. Oo, nya lang.
Hindi man nya ako naalala at habang umiinom sya ng kape ay mukhang kausap nya pa sa smartphone nya ung manager nya dahilan para mag cross arm na lang ako at nakasimangot na nakatingin sa kanya pero biglang nawala yun ng biglang dumating ang Director. Dahil alam mo yon, kaninang sobrang sungit na naging sobrang sweet na mahihiya ang langgam sa sobrang ka-sweetan nya sakin. Artista talaga!
"Now, I see the reason kung bakit biglaan ang pagpapakasal mo, Thower, this is because of your wife and your adorable baby" then that's it. Na-realise kong kasama pala namin si Baby Cassandra na nasa stroller nya.
Ngumiti na lang ako. Ngumiti rin si Thower at hinaplos sandali ang tyan ko dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat. Teka, anong balak nito?
"Yes , Direc, at inaasahan din naming makakabuo muli kami ng panibago." masayang masayang saad ni Thower.
Alam mo yung pakiramdam na parang matutuyuan ka ng laway? Yun ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, hindi ko makaya ang mga kasinungalingang lumalabas sa bibig ni Thower.
"Good. " The Director paused and looked at his wrist watch. " O sya, may gagawin pa ako. Maiwan ko na kayong pamilya. Mauuna na ako. Wag nyong kalimutan ha, everyday ang shooting" nagpaalam na kami sa Director at pagkatapos ay umalis na sya.
Pagkaalis na pagkaalis ng Director ay parang may nakakahawa akong sakit kung paano ako layuan ni Thower. Lumipat sya sa ibang upuan dahilan para mapairap na lang ako.
"Alam kong alam mong wala naman akong nakakahawang sakit dahilan para grabe ang paglayo mo sakin" pagpaparinig ko sa kanya.
"I know. Pero hindi ko nasisiguradong okay ka talaga. At isa pa, hindi dahil sa ibabalik ko ang dating Thower ay mabilis na maaalis sayo ang galit ko. It takes time" at pagkatapos ay nagdial na sya sa smartphone nya at pagkatapos ng ilang segundo ay may kausap na sya
Grabe lang. Ang sakit naman nun. Apakan ka ba naman, harap harapan talaga. At ung galit? Teka, may ginawa ba akong mali sa kanya na sya lang ang nakakaalam? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong ginawa ha?Pagkatapos namin sa coffee shop na 'to ay ako na ang naunang umuwi. Maka-ilang beses akong nagpaalam kay Thower pero hindi man lang nya ako matingnan dahil masyado syang abala sa pakikipag-usap sa phone nya.
Lumabas na kami ng coffee shop ni baby Cassandra at dumiretso na ako sa trabaho. Habang nasa byahe ay tinext ko si Sir Calvin na papunta na ako kahit medyo late ako. Nakakahiya naman kay Sir Calvin.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...