Mirrors - Justin Timberlake
(Luis Figueroa Acoustic Cover)Aren't you somethin' to admire?
Cause your shine is something like a mirror
And I can't help but notice
You reflect in this heart of mine
If you ever feel alone and
The glare makes me hard to find
Just know that I'm always parallel on the other side.Aaminin ko, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pumayag ako sa gusto ng mga magulang ni Thower. Hindi ko alam na kahit alam ko sa sarili kong ayaw sakin ni Thower at napipilitan lang sya sakin ay ituloy ko parin ang kasal. Madiin kong pinikit ang aking mga mata at muling minulat ito at nilingon sila Mama at Papa na kitang kita sa kanilang mga mata ang kasiyahan.
Hindi ko sinabi sa kanila ang buong kwento. Hindi ko sinabi na ako lang naman ang nagpumilit ng kasal na ito. Ayoko ng saktan pa sila, siguro mas okay na rin itong masaktan ako.
"Anak, masaya ako para sayo, ito na ang hinihintay mong happy ending" nakangiting saad ni Mama. Ngumiti na lang ako ng pilit at niyakap na lang sina Mama at Papa ng mahigpit. Hindi ko na rin napigilang umiyak.
Mahal na mahal ko sila.
Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul
I can tell you there's no place we couldn't go
Just put your hand on the glass
I'll be trying to pull you through
You just gotta be strongNagsimula ng magbukas ang pintuan. Humiga ako ng malalim. Ito na. Ito na ang simula. Ito na ang simula ng araw araw ko lang sasakalin ang sarili ko at ipipilit sa taong alam kong ayaw naman sakin.
Sa sabay ng unang paghakbang ko papasok ng simbahan ay isang buntong hininga ang nilabas ko. Paisa-isang hakbang papalapit sa altar hanggang sa marating ko ang destinasyon na aking pinili.
Cause I don't wanna lose you now
I'm looking right at the other half of me
The vacancy that sat in my heart
In a space that now you hold
Show me how to fight for now
And I'll tell you, baby, it was easy
Coming back here to you once I figured it out
You were right here all alongPaisa-isang hakbang papalapit kay Thower na syang naghihintay malapit sa Pastor. Lalo akong kinabahan at bumigat na ang paghinga ko. Parang gusto ko ng umiyak. Pakiramdam ko, sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa altar ay lalo kong pinagmamalaki sa Diyos ang kasalanan ginawa ko.
Ang kasalanang ipilit sa lalaking ayaw sakin na pakasalan ako. Kasabay ng pagpikit ko ng madiin ay ang pag-realise ko rin sa mensahe ng kanta. Mga sikat na singer ang kumakanta nito ng acoutic version at marami ring press ang nandito dahilan para lalo akong kabahan.
Lalo kong nararamdaman na ako ang may kasalanan ng lahat.
"Anak, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Tandaan mo yan at wag mong kalilimutang nandito palagi kami para sayo" naiiyak na saad ni Mama. Tumigil kami sa aming paglalakad at niyakap ko sila ni Papa. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at umiyak na rin ako.
Hindi dahil sa masaya ako ngayong araw kundi labis akong nagsisisi at nanghihinang sa desisyon kong nagawa. Kung may nabibili mang time machine sa grocery store ay siguro ay binili ko na lahat para lang mabalikan ang araw na kaya ko pang tanggihan ang lahat.
Pagkatapos naming magyakapan ay pinagpatuloy namin ang aming paglalakad. Binigay na nila ako kay Thower na wala man lang emosyon sa kanyang mukha.
NATAPOS ANG naturang kasal at dumiretso kami sa reception at punong puno ng pag-arte ang nangyari.Pinakita nya sa mga press na masaya kami sa isa't isa pero pagtumalikod ang mga ito ay syang pagtulak nya sakin at napupuno ng pagdidiri ang kanyang pagtingin sakin.
Di rin nagtagal ay natapos na ang program sa reception at masamang loob pa nya akong pinasakay ng sasakyan nya. Umuwi na rin sina Mama at Papa at maging sina Tito at Tita at si Kuya Jess.
"Wag kang umasang maibabalik ng kasal na ito ang nakaraan dahil inuunahan na kita, walang magbabago. Kung sekreto ka nun, sekreto ka paring ngayon. Dahil nagpumilit kang ikasal sakin ay matitikman mo ang galit ko sayo... manggagamit" natigilan ako sa aking narinig. Hindi ko inaasahan na maririnig ang mga ganitong salita kay Thower.
"At isa pa nga pala, dahil pinilit mong ipasok ang sarili mo sa sitwasyong ito ay mind as well i-enjoy mo na lang ang pagpapahirap ko sayo"
ITINIGIL NYA ang sasakyan sa may tapat ng isang magandang bahay. Natigilan ako at pinagmasdan ang bahay kahit nandito palang ako sa may labas. Hindi ko napigilang mapanganga.
"Isarado mo nga yang bibig mo at buhatin mo na ang mga bagahe mo" utos sakin ni Thower . Tumango na lang ako at kinuha ko na ang dalawa kong maleta at maingat itong ipinasok sa bahay. Wala namang dalang gamit si Thower dahil nilipat na nya ang gamit nya dito kahapon pa.
Aaminin ko, medyo naiingit ako dahil pagod na ako dahil maaga pa akong gumising para ayusan ng buhok, make up at kung anu ano pa. Tapos mabibigat pa itong maleta ko pero hindi na lang ako magrereklamo dahil pagod na ako.
Tagaktak pawis kong narating ang second floor na may city view na panandaliang nagtanggal sa pagod ko pero parang biglang nagbalik ang pagod ko ng sinita ako ni Thower na ngayon ay nakapagpalit na ng damit.
Kahit hirap na hirap at pagod na ako ay pinagpatuloy ko parin ang paghihila ng dalawa kong maleta papasok sa isang kwarto na syang nilabasan ni Thower. Bubuksan ko na sana ang door knob ng bigla nya akong sinita.
"Anong ginagawa mo? Sa kabilang kwarto ang kwarto mo"
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...