Pagkatapos ng araw ay pagod na kaming umuwi ni baby Cassandra. Nakakapagod, ang dami kong ginawa ngayon pero okay lang atleast nagawa ko ng maayos lahat. Mabuti na rin at hinatid na rin kami ni Sir Calvin, nakabawas ako kahit sa taxi.
Alas singko na kami nakauwi ni baby Cassandra at inihiga ko muna sya sa higaan ko at pagkatapos ay bumaba na ng kusina para magluto.
Pasado ala sais na ako ng gabi nakatapos magluto. Bago maghain ay pinagtimpla ko muna ng gatas si baby Cassandra ng biglang tumawag si Akia sa phone ko.
"Hello, Akia" magiliw kong saad habang sinasalin ang gatas sa botelya.
"OMG! Autumn, guess the good news. Papunta na kami ni Zian dyan, pasensya ka na dahil medyo natagalan kami sa Seoul" ramdam ko ang lungkot sa boses nya.
"Anu ka ba? Okay lang yon, ang inaasahan ko nga ay isang linggo sya dito"
"Yun na nga e, nakakahiya sa inyo ni Thower. Baka kasi sa ginagawa ko ay hindi na kayo makabuo ng inyo" at tumawa pa sya sa kabilang linya. Hindi ako tumawa sa sinabi nya pero nangiti na lang ako.
Siguro ay panghahawakan ko na lang ang sinabi ni Thower na ibabalik nya ang dating sya.
"Naku! Okay lang yon. Hindi naman problema yon" pagkatapos non ay nagba-bye na kami sa isa't isa. Hihintayin ko lang ang pagdating nila.
Umiling iling na lang ako at pagkatapos ay pinadede ko na si baby Cassandra. Sakto naman at nagising sya. Pagkatapos ko syang painumin ng gatas ay naghain na ako sa kusina.
Pagkatapos kong maghain ay nilabas ko ang phone ko. Itetext ko ba si Thower? Tatanungin ko ba sya kung anong oras sya uuwi? Pero siguro wag na lang dahil baka pagalitan lang nya ako kagaya ng pagpagalitan nya ako kanina sa coffee shop.
Siguro masyado ko lang talagang tinatatak sa isipan kong ibabalik nya ang dating Thower pero diba ang sabi nya ay hindi magiging madalian. Kaya, Autumn, wag ka munang mag-assume.
Pagkatapos kong manalangin ay magsisimula na sana akong kumain ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at mga hakbang papunta dito sa kusina. Napalingon ako kay Thower na kadarating lang at by impulse ay pinaghain ko sya, nilagyan ko pa nga ng ulam ang plato nya.
Hindi nya man ako tiningan pero bakit sobrang saya ng pakiramdam ko?
"Nakausap ko uli si Direc bukas daw ang start ng shooting" binitawan ko ang kutsarang hawak ko dahilan para mahulog ito sa sahig. Hindi man lang bumakas sa mukha ni Thower ang pag-aalala.
"Teka, bakit naman parang biglaan?" tanong ko habang pilit na kinukuha ang kutsara sa ilalim ng lamesa. At nung nakuha ko na ito ay tumayo ako para kumuha ng panibagong kutsara at nilagay ito sa plato ko.
"I don't know. Siguro ay naghahabol ng sched si Direc" bored na saad nyang parang hindi man lang sya bahagi sa shooting na ito. Like for pete's sake, magaganap ang shooting na 'to for 3 months tapos ganyan sya umasta. Nakakaasar ha!
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya ay pinagpatuloy ang aking pagkain ng biglang may nag-door bell sa mag labas. Siguro sina Akia na yan.
At dahil na rin sa naaasar na talaga ako sa isang 'to ay pumunta na ako sa may pintuan at nung binuksan ko ay nakita ko ang nakangiting mukha nila Akia at Zian. Napangiti na lang ako, Dahil sa asawa kong si Thower parang nagiging normal na sakin ang makakita ng artista. Haha.
"Wait lang, kukunin ko lang si baby Cassandra" pagpapaalam ko at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at maingat na kinuha si baby Cassandra. Maingat din akong bumaba at ibinigay kay Akia ang bata.
Napuno ng kasiyahan ang mukha ni baby Cassandra. "Ma-ma" napangiti ako at napangiti din si Akia na buhat buhat ang anak nila.
Magsasalita na sana si Akia ng biglang tumunog ang phone ni Zian dahilan para kunin nya ito sa bulsa nya at sagutin ang tawag.
"Hello, Cade, Yes. Papauwi na kami ng Mama mo, what do you want for dinner? . Sige" at pagkatapos ay nagpaalam na si Zian sa anak nya atang nag ngangalang Cade.
"Akia, tara na. Nagugutom na daw ang panganay mo."
"Ganun ba?" napuno ng sandaling kalungkutan ang mukha ni Akia.
"So des ka?" she paused at umiling iling. "I mean, sige ..." nilingon nya ako. "Anyway, sobrang thank you talaga, Autumn, sige uuwi na kami ha. Salamat talaga" at nagpaalam na ako sa kanila. Kahit malayo na sila sa pinto ng bahay ay nanatili parin akong nakatayo dito at pinagmamasdan silang pamilya.
Ganyan din kaya ang mangyayari samin ni Thower kung hindi sya nag-artista? Umiling iling na lang ako on that thought at sinarado na ang pinto at bumalik na sa dining table kung saan hanggang ngayon ay kumakain parin si Thower. Kinuha ko na ang pinagkainan ko at hinugasan na rin yon. Sandali kong nilingon si Thower na puno ang kalungkutan sa aking mga mata.
Isang kalungkutan na sana, sana kagaya natin sila kaso hinuhusgahan mo ako sa mga bagay na hindi naman totoo.
Pagkatapos ko syang tingnan ay umalis na ako at dumiretso na ng kwarto ko. Bahala na sya sa shooting bukas. Nakakatampo lang kasi.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
Roman d'amourHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...