Chapter 32 (07/17/2016)

3.6K 66 0
                                    

Autumn's Pov
Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad papasok ng building ng company-ng pinagtatrabauhan ko. Nakakatuwa! Ang saya!

Parang kahapon lang pagkatapos sabihin sakin ni Thower yon ay agad kong tinawagan si Sir Calvin at nakiusap na ibalik ako sa trabaho. And you know what, hiningi lang nya ang reason ko at balik ako. It turns out na nung umalis ako ay mga palpak ang mga nakukuha nyang secretary kaya parang naging blessing in disquise ako.

"Good morning po, Ma'am!" bati sakin ni kuyang guard. Nginitian ko sya at pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad papasok ng building ng may narinig akong isang pamilyar na boses at alam ko sa sarili kong ako ang kinakausap nya.

"Nandito pa pala ang isang katulad mo?!" tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Napakunot naman ako ng noo sa ginawa nya. May mali ba sa itsura ko? May mali ba sa suot ko?

"Syempre! Dito ako nagta-trabaho duh!" hindi ko alam kung paano ko naitago ang kaba ko pero matagumpay ko yung nagawa. Ayokong ipakita sa babaeng ito na mahina ako. I want to show her how strong I can be.

"Iba na talaga ang nagagawa pag nakikita na ang pagmumukha mo sa tv nuh? Tumatapang na lang basta!" punong galit na sabi nya.

Nagsimula na akong magalit at mainis sa kanya kaya pasimple kong naikuyom ang kamao ko.

"Oh? Nagagalit ka? Di nga? .." she paused and the next thing I knew was nakadikit na ako sa pader at mahigpit ang hawak nya sa bibig ko. Bumabaon na rin ang mga kuko nya sa pisngi ko.

Hindi ko na rin napigilang mapaiyak dahil sa sakit. Mukhang napansin naman kami ng guard at lalapit na sana sya ng sinamaan lang sya ng tingin ni Yamie dahilan para matakot at umalis ang guard at bumalik sa pwesto nya.

"Tandaan mo, ikaw ang sumira ng love story namin ni Calvin kaya kung ayaw mong masira ang love story nyo ni Thower ay iiwan mo na si Calvin!" she said in gritten teeth.

"Paano ko naman sya iiwan kung--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla na lang nya akong sinampal. Napakapit ako sa pisngi ko dahil sa sakit at maging sa pagkabigla.

"Iwan mo na si Calvin. Akin lang sya. Akin!" at pagkatapos nun ay basta na lang nya akong binitawan at basta na lang tinulak at pagkatapos ay basta na lang nya umalis ng walang paalam. At pagktapos din ng ilang segundo ay dumiretso ako ng cr para mag-ayos ng biglang may natanggap akong text message.

From: 09*********
Kung may natitira ka pang awa para sa yong sarili ay pakawalan mo lang si Calvin. Dahil kung hindi mo magagawa yon, gagawin ko lahat ng nalalaman ko para sirain kayo ni Thower.

Natahimik at napatitig ako sa screen ng phone ko. Sisirain nya ang relasyon namin ni Thower? Biglang nag-flash back sa isipan ko ang itsura nya kanina, kung gaano sya kagalit sakin.

Umiling iling na lang ako. No! That won't happen. Nasira at ngayon ay okay na kami ni Thower, naniniwala akong hindi mangyayari yon dahil Thower won't let that happen. I won't let that happen.

---
Thower's Pov
Papasok ako sa building kung saan kami magsho-shooting ay hindi maalis sa aking mukha ang ngiti. Kanina lang kami naghiwalay ni Autumn pero nami-miss ko na agad sya.

Lalo akong napangiti ng maalala kong niyakap nya pa ako kanina bago sya umalis ng bahay.

Mahal na mahal ko si Autumn. Nakakainis lang isipin na maraming taon ang sinayang ko at hindi ko pinansin na mahal na mahal nya ako.

"Bro, mukha atang masaya ka ha" napalingon ako dun sa nagsalita. Si Ethan pala. Nginitian ko na lang sya at pinagpatuloy ang aming paglalakad papasok sa building.

"C'mon, Thower, you can tell me!' nakangiting saad ni Ethan. Natatawa lang ako sa ekspresyon ng mukha nya.

"Why would I? Mawawala ang ngiti ko kapag sinabi ko sayo" at pinagpatuloy ko ang aking paglalakad papasok sa building.

---

"Good! That's a wrap!"  masayang saad ng Direc. Umupo muna ako dito sa may upuan at uminom ng tubig ng maramdaman kong may umupo sa upuang kalapit ko.

"C'mon, Thower. How's it going between you and Autumn?" nakangiting saad ni Ethan.

Natatawa ako sa lalaking ito. Hindi ko inaasahan may ganito pala syang side.

"It's fine." at tumayo na ako. Tumalikod na ako at nagpaalam na sa kanya. I can't wait to see my wife. Napangiti muli ako on that thought.

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon