Chapter 15 (04/27/2016)

4.1K 70 0
                                    

Natapos ang 1 week leave ko na laging si Thower ang laging nasa isipan ko pati ung halik na pinagsaluhan namin sa bar at ung basta na lang nyang pag-iwan sakin. Ang sakit lang isipin na apat na buwan na ang lumipas pero wala parin syang nararamdamang pagmamahal sakin kundi parang pandidiri at pagkainis lang.

Minsan, iniisip ko may nagawa ba akong mali nung high school at college kami? Alam kong magka-iba kami ng course pero lagi naman kaming nagkikita nun ah.

"Girl, hindi mo ba napapansin kanina ka pa tinatawag ni kuyang guard?" natigil ako sa aking pag-iisip at napalingon kay Starie na nakatingin sakin.

"Ha?" naguguluhan ko syang tinanong.

Umirap lang sa hangin si Starie sandali. "Ano ba? Ano bang nanggagayayari sayo? 4 months ago halos workaholic ka tapos naging okay ka sandali tapos pagkatapos nating mag celebrity haunting sa bar nung isang araw ay nagkaganyan ka na, tell me may nangyari ba?"

Sandali ko lang tiningnan si Starie at pagkatapos ay umiling na ako. Napalingon din ako kay Kuyang Guard at nalaman kong nakatingin din pala sya sakin. Tinawag nya ako kaya nilapitan ko sya.

"Kuya, may problema po ba?" umiling iling na lang sya at may inabot sakin. Napatingin ako sandali dun at pagkatapos ay binalik ko ang tingin kay kuyang guard.

"Ano pong meron sa envelope na 'to?" tanong kay kuyang guard. Napansin ko rin na nilapitan na kami ni Starie pero nanatili syang tahimik.

"May nagpapabigay po. Hindi ko na nga po tatanggapin dahil uwian na ng lahat pero sadya po talagang mapilit kaya tinanggap ko na" tahimik ko na lang tinanggap ang nasabing envelope at napaisip dun sa sinabi ni kuyang guard.

Sino naman kayang magbibigay sakin ng envelope? Si Sir Calvin? Hindi naman siguro dahil kung may ibibigay sya ay ibibigay nya ito ng harapan sakin at hindi nya pa idadaan kay kuyang guard. Ung pamilya ko? Nope, may text and call naman. Si Thower? No. Hindi, He's the last person on earth na gagawin ang bagay na 'to.

"Salamat po kuya" pagkatapos kong magpasalamat kay Kuyang Guard ay nagsimula na kaming maglakad ni Starie.

Tahimik lang akong naglalakad habang nakatingin sa nasabing envelope. Sino at ano kayang maaaring laman nito?

"Ano ka ba naman? Pati ba namang may hawak kang envelope,tulala ka pa din? Akin na nga yan" at basta na lang inagaw sakin si Starie ang envelope at masyado na akong huli para maagaw pa ito sa kanya kaya hinayaan ko na lang at tiningnan ko na lang habang binubuksan nya.

Tumigil din kami sa aming paglalakad habang binubuksan ang nasabing envelope.

"Cloude Thower..?" basa ni Starie habang unti unting nilalabas ang card sa loob ng envelope.

Napakunot ako ng noo. Ano naman kaya ito? At bakit may pangalan ni Thower? Anong meron?

"And Autumn Monique .." muling pagbabasa ni Starie. Nanlaki ang mga mata ni Starie kaya agad nyang tinanggal nya ang card sa loob ng envelope at halos bumagsak ang panga ko sa lupa sa aking nakita.

Teka, wag mong sabihing si Thower ang nagdesign nito? Hindi ko inaasahan.

"Wow naman, ang galing palang mag-design ni Thower, hindi ko inaasahan na magaling pala sya" nakangiting saad ni Starie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow naman, ang galing palang mag-design ni Thower, hindi ko inaasahan na magaling pala sya" nakangiting saad ni Starie.

Natahimik lang ako. Siguro, kung mahal ako ni Thower ay magiging masaya ako pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko may kulang.

"Uy, hindi ka ba masaya? Ikakasal ka na oh! sa 21 na ang date. 20 days na lang" nakangiting saad ni Starie.

Yakap yakap nya ako at pagkatapos ay isinulat namin sa sand ang initial ng pangalan namin ni Thower at pagkatapos ay nag-drawing ako ng malaking puso sa labas ng initials ng pangalan namin.

CJ ♥️ AM

"Ayy .." bulalas ko matapos burahin ng alon ang sinulat namin sa buhangin. Nalungkot tuloy ako pero may naramdaman akong kamay sa may balikat ko dahilan para mag-angat ako ng tingin at makita kong nakangiti sa akin si Thower.

"Baby, wag ka ng malungkot." dahan dahan akong tumayo at niyakap sya. Niyakap nya rin ako at ibinaon nya ang mukha nya sa balikat ko.

"Baby, pangako pag naging mag-asawa na tayo, hinding hindi na mabubura ng kahit ano ang pagsasama natin. Kahit bagyo, kahit lindol, kahit ano"

Nanatili akong tahimik hanggang sa naramdaman kong hinaplos nya ang buhok ko at kinanta ang bawat salitang nais nyang sabihin sakin.

"🎶Kahit ano, kahit lindol, kahit bagyo, walang papantay sayo. 🎶"

"Mahal na mahal kita, Autumn, tandaan mo, walang sinumang makakapantay sayo"

"Sabihin mo nga sakin ang totoo, Starie, dapat pa ba akong maging masaya kung ang lalaking papakasalan ko ay wala ng pagmamahal na nararamdaman para sakin?"

Natigilan si Starie. At napaawang ang kanyang bibig na parang may sasabihin sya pero walang boses o salitang lumabas mula sa kanyang bibig.

Umiling iling na lang ako at hahakbang na sana ng basta na lang nya akong niyakap. Natigilan ako sa ginawa nya, hindi ko inaasahan na yayakapin nya ako.

"Sabi nila sa fairy tales at disney movies lang nag-e-exist ang happily ever after, pero alam ko, alam kong maging sa real life nag-e-exist talaga ang happily ever after at forever. We just need to wait for that perfect time that God has given us in the first place" hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na sya ng mahigpit. Nagsimula na ring magsibagsakan ang mga luha ko.

"Yes. The Lord already planned everything in our life, kaya siguro nangyayari ang lahat ng ito dahil may reason sya at maaaring sa kasalukuyan ay hindi ko pa alam ang rason Nya pero maaaring sa susunod ay alam ko na ang reason ng Lord" nakangiti kong saad.

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon