Chapter 1 (03/26/2016)

9.6K 167 0
                                    

"Thower?" bigkas ko sa pangalan nya dahil sinabi nya saking pagtapos ng graduation ceremony namin ay magkikita daw kami dito sa may rooftop ng school.

Hinanap ko sya pero hindi ko sya makita. Tiningnan ko lahat, maging kaliwa o kanan pero sadyang wala talaga sya. Nakaramdam ako ng lungkot at naramdaman ko ring may mga luha ng babagsak sa aking mga mata.

Pinangako nya sakin na magkikita kami dito pero wala sya. Ngayong araw pa naman ang unang anniversary namin pero hindi man lang sya sumipot.

Hindi ko na napigilan at isa isa ng nagsibagsakan ang mga luha ko.

"Mahal, sa tingin mo ba hindi kita sisiputin sa mahalagang araw na to?" patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko habang tumatango.

He chuckled at medyo ginulo ang buhok ko dahilan para magpout ako. Nangiti lang sya sa ginawa ko at sandali akong hinalikan sa noo.

"Autumn, pinapangako ko sayo. Once na nakagraduate na tayo ng college at pag nakalimang taon na tayo. Papakasalan kita. Soon you will be known as Mrs. Autumn Monique Classe-Wolfe"

Nangiti ako sa sinabi nya at niyakap sya ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Thower"

"Mahal na mahal kita, Autumn"

"Girl, bumabalik na naman ba sayo ang nakaraan?" agad akong napalingon kay Starie-officemate at bestfriend ko.

Nandito lang kami sa may canteen ng company na pinagtatrabahuhan namin at lunch time na pero nananatiling na kay Thower ang isipan ko.

"Starie, hindi naman siguro masama kung isipin ko sya diba?"

Halos nakatulala na ako sa kawalan habang sinasabi ko yon.

"Alam mo, ung sinabi mo sakin nung gabi nung graduation natin na kapag graduate na ng college at kapag 5 years na kayo ay papakasalan ka nya? Friend, hindi ko makita. Halos dalawang taon na ang lumipas pero ni nagpropose nga sya sayo ng kasal hindi pa nangyayari ee" nalungkot ako sa sinabi ni Starie. Alam kong tama ang sinasabi nya pero ayoko munang isipin. Ayoko munang masaktan.

Ayoko munang harapin ang katotohanan na 7 years na kami ni Thower pero hindi nya tinupad ang pangako nya.

Naglabas ako ng buntong hininga at tumungo na dahil pakiramdam ko babagsak na ang mga luha ko.

"At saka isipin mo yun, friend, naka-ilang girlfriends at ilang flings na si Thower samantalang ikaw, forever ka na atang loyal sa kanya samantalang may Sir Calvin Manuel ka naman."  hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Starie at nilingon na lang ang pagkain na inorder ko kanina na hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagalaw o ni hindi pa nababawasan.

PAGKATAPOS ng lunch ay pumunta na kami ni Starie ng elevator. Naubos nya ang inorder nyang food kanina samantalang ako halos hindi pa ata nangangalahati. Kasalanan ko siguro talaga to. Masyado kong iniisip si Thower na nakakalimutan ko na ang sarili ko.

"Friend, pwede ba hanggang dito ba naman sa elevator, wag mo ng isipin si Thower. Baka mamaya, mawalan ka pa ng trabaho" hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Starie at nanahimik na lang ako.

Naunang lumabas ng elevator si Starie dahil 4th floor lang sya samantalang ako ay nasa 10th floor pa ang floor na pupuntahan ko. Ilang segundo pa ang lumipas at lumabas na rin ako ng elevator.

Pumunta na ako sa opisina ko at tinuloy ko na ang trabaho ko. Hindi ko nga pala nasabi na secretary pala ako ng CEO ng company which is Mr. Calvin Manuel.

Tahimik lang akong nagta-type sa computer na nakaharap ng narinig kong tumunog ang glass door sa opisina ni Sir. Hindi ko na lang pinansin yon at pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko.

Hanggang sa ...

"Mukhang busy ata ang sekretarya ko ha" I heard him chuckled dahilan para sandali akong mag-angat ng tingin only to find out na nakatingin sakin si Sir Calvin with those smile in his face. A genuine and perfect smile.

"Sir naman." nakangiti kong saad.

Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Pumasok pa sya sa opisina ko at umupo syan sa upuang nakalaan para sa maghihintay.

"Tell me, Monique, why can't you just answer me. Ganun ba ako kahirap mahalin? Panget ba ako?" I can see loneliness in his eyes dahilan para umiling iling ako.

"Hindi ka panget, Sir, in fact you are on the list of my most handsome guys in the philippines alone" nakangiti kong saad dahilan para mangiti din sya.

Two years ago, on my ojt days dito ako sa company nag-ojt. CEO na nun si Sir Calvin. He is just two years older than me. Pero ang nakakapagtaka ay sa loob ng dalawang taon na yon ay kahit nireject ko sya sa panliligaw nya ay nananatili parin syang mabait sakin.

Kasi alam mo yon, masyadong nakakahiya at sadyang may hinihintay akong tao at hanggang ngayon ay hinihintay ko parin sya ngayon. Pero mukhang hindi nya ramdam na may naghihintay sa kanyang tulad ko.

Mabuti na lang talaga nung binasted ko si Sir Calvin non ay hindi nyan ako tinanggal sa trabaho kaya ngayon thanked God nandito parin ako sa trabaho ko.

"You never fail to amuse me, Monique. Lagi mo akong napapangiti. Basta sabihin mo lang kung hindi mo na kaya dahil handa kitang saluhin ha" tumango ako sa sinabi nya at pagkatapos ay bumalik na sya sa opisina nya.

Naikwento ko na rin kasi dati ang sitwasyon ko sa kanya.

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon