Hindi ko alam kung anong rason kung bakit hindi ko man lang pinigilan si Sir Calvin na ihatid ako sa bahay.
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa may parkig lot at wala ni isa samin ang nagsasalita. Aaminin ko, hanggang ngayon ay hindi parin naaalis ung sakit na kung paano ako tinuring ni Thower kanina.
Parang nakakapaghina ng loob.
"Monique .." hindi ko na napansin na mas nauna na pala akong maglakad kay Sir Calvin marahil ay dahil sa medyo tulala na lang.
Hindi ako tumigil sa unang pagtawag nya sakin bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad.
"Monique .." tinawag nya ako sa pangalawang beses pero hindi ko parin sya nagawang lingunin.
"Autumn .." natigilan na ako sa paglalakad ng tinawag nya ako sa pangatlong pagkakataon. Tinawag nya ako sa pangalan na palaging tinatawag sakin ni Thower.
Natigilan ako at hindi ko na napansing may mga luha ng tumutulo sa mga mata ko.
Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa magkabilang balikat ko at iniharap nya ako sa kanya. Alam kong si Sir Calvin yon pero hindi ko makita kung anong ekspresyon nya dahil nakatungo ako.
T-thower, bakit mo ako sinasaktan ng ganito? may nagawa ba akong mali para danasin ko ang ganito?
"Monique, look at me ." narinig kong utos ni Sir Calvin pero hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil sa bawat segundo ay lalong bumibigat ang mga mata ko dahil sa luha.
Mahal mo ba pa ako? Kung hindi na, sana sabihin mo ng maaga para hindi na ako nasasaktan pa ng ganito.
"Alam kong mahal mo parin sya pero Monique, hayaan mo akong iparamdam ko sayong mahal kita kagaya ng pagmamahal mo sa kanya" hindi ko masyadong pinansin ang sinabi ni Sir Calvin ng bigla ko na lang naramdaman na dahan dahan nyang inangat ang mukha ko at sunod nyang nilapat ang labi nya sa labi ko.
Nung una ay simpleng paglapat lang ng ng mga labi ang nangyari hanggang sa nauna syang kumilos at hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nagrespond sa halik na yon.
Cloude Thower's Pov
"Bro, sure ka bang sasabay ka sakin?" tanong sakin ni Jess. Tumango na lang ako at hindi na nasalita pa.
Hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Autumn kanina. Naaalala ko lang ang mukha nya ay kumukulo na ang dugo ko, sinabi ko sa kanyang wag syang pupunta sa may shootings ko.
Nakakainis! Muntikan na talaga. Secret girlfriend ko si Autumn at mananatili syang ganun hanggang sa magsawa sya. Wala akong planong tuparin ang kasal na pinangako ko sa kanya nung 4th year high school kami.
Dahil masyado akong busy sa trabaho at hindi ako ung klase ng tao na makukuntento sa isa. Ang gusto ko sabay sabay sila.
"Bro, sino ba ung babae kanina ung sinigawan mo?" out of the blue-ng tanong ni Jess. Naiinis ako. Hindi ko sinagot ang tanong nya at nauna na lang akong naglakad, mas gusto kong makauwi ng maaga.
Pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad hanggang sa nakita ko na ang itim na sasakyan ni Jess. Pupuntahan ko na sana sya ng may nahagip ang mga mata ko.
Teka, parang pamilyar ung babae. Ung mukha nya, ung hubong ng katawan nya ... si Autumn yun ah.
Nanatili akong nakatayo dito habang pinapanuod sila sa kanilang ginagawa. They're obviously making out here in the parking lot. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit biglang kumulo ang dugo ko.
"S-sir Calvin ?" halata ang pagkagulat sa boses at mukha ni Autumn pero hindi ako convince na hindi nya alam ang ginagawa nya. I hate her so much. What a slut!!
"Sorry. Sorry, hindi ko sinasadya" paghinging paumanhin ng lalaking 'to. I don't know this guy pero parang gusto ko syang sakalin hanggang sa mawalan na sya ng hininga. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako!
At pagkatapos sabihin yon ng lalaking yon ay niyakap nya si Autumn na nakapagtiim bagang ko at nakapagpakuyom ng kamao ko. This two is getting into my nerves.
Maglalakad na sana ako ng may naramdaman akong kamay sa balikat ko dahilan para lingunin ko kung sino ang may-ari ng kamay na yon.
"Woah! Chill! Kilala mo ba ung babae?" tiningnan ni Jess ng maayos si Autumn at mukang namukaan nya.
"Teka, sya diba ung babaeng sinigawan mo kanina?" at nagtatawa tawa pa sya samantalang ako at gusto ko ng sakalin ung lalaking yon na kayakap ni Autumn.
"Bro, tama na nga yang tiningan mong yan? Kung naiinggit ka, manuod na lang tayo ng Phineas and Ferb sa bahay" hindi ko pinansin ang sinabi ni Jess at basta na lang akong naglakad ng mabilis at nung malapit na ako at agad ko na lang hinila si Autumn at tumakbo kami papunta sa may kung saan.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
Любовные романыHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...