Natapos ang araw at nandito na muli ako sa kwarto ko habang nakatulala sa kisame. Kanina pa pumatak ang alas diyes pero hanggang ngayon ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung saan ako humugot ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pag-arteng yon kanina.
Dahil pagkatapos nya akong halikan kanina ay nagsimula na ang pagiging sweet nya sakin or I'll say ang Thower version 1.0 na syang sinakyan ko naman. Hanggang sa umalis sina Direc. Pagkaalis nila Direc ay parang bumalik na kami sa kanya kaniya naming buhay na parang walang nangyari. Kagaya ng dati ay mag-isa na naman akong kumain ng hapunan dahil lumabas si Thower na naka-disguise at sa labas na daw sya maghahapunan. Tumango na lang ako sa sinabi nya.
At ngayong alas diyes y media na ay nananatili parin sa isipan ko ang katanungan na 'Bakit hindi man lang ako nag-react?' Siguro maging ako sa sarili ko ay hindi ko alam ang kasagutan.
"Ugh!" tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Pinatay ko na ang ikaw ng lamp at pumikit na. Naku, bahala na pga. Diba gusto ni Thower ang show na ito para sa career nya? Might as well as galingan ko pa ang pag-acting para hindi nya mahalatang ginagaya ko na sya. He's really a great actor at kung hindi ko pa natutuklasan ang plano nya ay maaaring naniwala na ako sa pag-arte nya kanina.
"Basta!" saad ko at pinilit ng matulog.
---
Nagising ako ng maaga at dumiretso na ako ng kusina para magluto. Baka maagang dumating ang crew kaya kailangang magsimula na akong umarte. Tandaan mo Thower, hindi ako ang kakagat dyan sa plano mo dahil babaliktarin ko at ikaw ang kakagat sa plano ko at mamahalin mo uli ako.Nagluto ako ng english breakfast. Kailangang maging special dahil simula ngayong araw na ito babawiin ko na ang matagal ng akin. 5:30 na ng umaga bumaba si Thower at agad ko syang ipinaghain. Hindi man nya ako tiningnan ay pasimple parin akong nangiti dahil kinakain na nya ang niluto ko.
Saktong ala sais na dumating ang crew, mabuti naman at nakapaligo na ako. Inakbayan naman ako ni Thower at tanging pang ngiti na lang ang ginawa ko. Yan, ingingiti ko na lang ang lahat dahil alam ko sa huli ng paghihirap kong ito ay mamahalin mo uli ako, Thower.
Nagsimula na silang i-film at umarte lang kaming hindi kami naka-film.
Nakaupo lang kami ni Thower dito sa sofa habang nakaakbay sakin ng bigla nyang nilapit ang mukha nya sakin dahilan para mapasandal ako lalo sa sofa. I can feel his breath. Halos hindi na rin ako kumukurap baka kasi pag pumikit ako may masama syang gawin sakIn.
"Mahal, is it okay with you if we go to Palawan?" nanlaki ang mata ko.
"P-palawan? B-bakit?" hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Thower sakin.
"I just thought na hindi pa tayo nakakapag honeymoon might as well na magkaroon tayo ng honeymoon. We're newlyweds after all" nakangisi nyang saad habang nagtataas baba pa ang mga kilay nya.
Teka! Bakit ba naipit ako sa sitwasyong ito? Ano na lang gagawin ko? Ano na lang isasagot ko? I want to say no pero, ayokong ma-disspoint si Thower at hindi nya mapigilang magsungit at kapag ginawa nya yon ay maaaring masira na ang plano ko.
Write it down on a rock, Thower will love me again!
"Ah .. S-sige"
---
Habang nasa byahe ay magkalapit lang kami dito sa upuan sa eroplano ay sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hawak nya ang kamay ko. Napangiti ako at sinandal na lang ang ulo ko sa balikat nya at ipinikit ang aking mga mata.Nang muling minulat ang aking mga mata ay nakalapag na ang eroplano at tinulungan ako ni Thower na dalhin ang mga gamit ko. Isang cameraman lang ang sumama samin dahil may mga aasikasuhin pa daw si Direc.
Dumiretso kami sa isang hotel dito sa palawan. Pagkapasok namin sa kwarto namin ay nanatili lang akong tahimik. Hindi ako pwedeng mag-inarte na ayaw kong magsama kami ni Thower sa iisang kwarto dahil baka mabuko kami. At ayokong mangyari yon
Inilagay namin sa gilid ang mga gamit namin at natigil ang mga mata ko sa isang king size bed.
Paano na lang mamayang gabi? Saan ako matutulog nito? Hindi naman sa ayaw kong matulog kalapit ni Thower, it's just that ---
"Alam kong medyo pagod ka pa mula sa byahe kaya I suggest na matulog ka muna" napalingon ako sa nagsalita. Marahil dahil sa sobra kong abala sa pagtingin dito sa kama ay nawala na sa isipan ko si Thower ay nandito rin pala sa loob ng kwarto.
"S-sige ..." un na lang ang naisagot ko at humiga na sa kama at pinikit na ang aking mga mata. Pagod nga ako kaya kahit sandali ay matulog muna ako.
---
Cloude Thower's Pov
Pagkaalis ko sa kwarto sa naglakad ako papunta dito sa beach na malapit lang. Umupo ako sa buhanginan habang nakatingin sa asul na kalangitan.Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko ay dapat matagal na akong naging mabait sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay nasayangan ako ng panahon dahil hindi ako mabait sa kanya?
"UGH! Tanggalin mo yan sa isipan mo, Thower" umiling iling ako.
Bakit ba ako nagsisisi na hindi ako naging mabait sa kanya when it's clearly na dapat lang ang ginawa ko sa kanya. I should'nt be ashamed of it pero bakit may guilt dito sa puso ko?
Muli akong umiling iling. Naiinis na ako sa sarili ko. Bakit parang unti unti na talagang bumabalik ang dating Thower na matagal ko ng inilibing?
Why does my heart soften every second that I'm with her?
Can it be na nahuhulog muli ako sa kanya? No. It can't be. Hindi pwede! And that kiss ..
-----
Autumn Monique's Pov
Bakit parang may nakayakap saking mabigat na bagay? Humarap ako sa kaliwa at naaamoy ako ang pabango nito. Teka, why does that smell so familiar?Isa isa ko na ring minulat ang mga mata ko and to my surprise ay nakahiga sa kama si Thower at yakap yakap ako. Napansin ko ring wala ang cameraman kaya unti unti kong tinanggal ang kamay ni Thower sa may tyan ko at nung tuluyan ko ng natanggal ay agad akong bumaba ng kama at naglakad ng mabilis papunta ng veranda.
Napahawak ako sa may bandang puso ko at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok nito. Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Siguro mga ala syete na ng gabi pero bakit hindi man lang nya ako ginising.
Umiling iling ako para mawala sa isipan ko ang alaala ng magising ako ay nakita kong yakap yakap ako ni Thower. Hindi naman siguro nagpapanggap lang sya? Pero kung magpapanggap sya, wala namang cameraman para ifilm kami diba?
"Kanina ka pa ba gising?" napalingon ako dun sa nagsalita at nakita ko ang bagong gising na si Thower, medyo magulo pa ang buhok nya.
Tumango na lang ako bilang tugon. At pagkatapos ay binalik ko ang tingin sa view na kitang kita ang lights. Hanggang sa naramdaman ko ang yakap sakin ni Thower dahilan para kumalas ako sa yakap nya ay mapaharap ako sa kanya.
Napuno ng mga tanong ang puso at isipan ko. Gusto kong magsalita kaso walang salita o boses na lumalabas sa bibig ko.
"Autumn .." bigkas nya sa pangalan ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong hinahalikan nya ako at tinutugon ko ang mga halik nyang yon.
Hindi ko rin napansin na may cameraman na nagkukuha na samin ng video.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito ako magreact sa kanya? Maaari kayang gusto ng kalimutan ng puso't isipan ko ang totoo at sumunod na lang ako sa puso ko.
Dahil alam ko ang totoo na mahal na mahal ko si Thower. Matagal na at hinding hindi na mangbabago pa yon.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...