Epilogue [Repost]

3.5K 54 1
                                    

Thower's Pov

"5 years ago ay may lalaking nangakong pakakasalan ako, wait I mean 7 years pala. Kasi 7 years akong naghintay sa wala. I waited na tutuparin nya ang pangako nya like I was a love sick puppy dog dahil ang katwiran ko nun. Mahal na mahal ko si Thower kaso sa paniniwala kong yon ay niloloko ko lang pala ang sarili ko. Hindi nya ako mahal. Maaari nung high school at college pa kami ay mahal nya ako pero ngayon, kuya, hindi nya ako mahal. Napilitan lang syang pakasalan ako para sumikat sya." patuloy lang ang pag-iyak nya.

Alam kong si Autumn itong kasama ko sa elevator. Hindi ko alam kung anong laro itong nilalaro ng tadhana pero kung ano man yon ay nagpapasalamat na ako dahil hindi na ako nahirapan pang kausapin at hanapin ang asawa ko.

Everything happens for God's reasons talaga.

"Kaya alam mo kuya, I even wished na sana hindi na ako nagising pa nung nasa malamig na akong sahig nung kinikidnapp ako. Alam mo kung bakit? Dahil kung hindi na ako nagising pa ay hindi ko na sana narinig pa ang sikreto ni Thower. Kung sana namatay na lang ako nun edi sana ... sana t-tanggap pa rin ng sistema kong mahal na mahal ako ni Thower" nagsimula na naman syang umiyak .

I badly want to hug her tight pero baka layuan nya ako. Ganun ang nangyari kaya hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkakabalikan. I missed you so much, Autumn.

"Maybe he have reason kung bakit nangyari ang bagay na yon?" hindi ko na napigilang magsalita.

"Like what? To boost his image so the people of the philippines will love him more? Gosh! Siguro nga. Siguro mas mahal nya ang trabaho nya kaysa sakin dahil kung mahal nya ako --"

I hate this. Akala ko kaya ko pang tiisin pero nagkamali ako. Hindi na pala. I suddenly grab her and intentionaly landed my lips against hers. Sandali lang ang nangyari dahil agad syang lumayo at sinampal ako. Nagpupumiglas pa nga sya pero hinawakan ko sya ng mahigpit at niyakap.

"Autumn, I'm so sorry for everything. Tama ka, siguro nga mas mahal ko ang trabaho ko kaysa sayo pero everything is clear to me now. Ikaw yung mahal ko at kung gusto mo, kaya kong gayahin si Zian na iniwan ang lahat para kay Akia. I can do everything, wag mo lang akong iwan. Next to my family, ikaw yung taong nagmahal sakin ng totoo. I love so much, Autumn. I really do."

A/N:
Zian and Akia is the characters of my story entitled 'Dear Zian Auer'. If you want to read the story, kindly go my profile and click the story. I won't give sypnosis or brief summary of the story, you just have to check the story out. Thank you.

"Lahat ng bad memories na meron tayong dalawa ay babaguhin ko. Let's make new memories. Autumn, mahal na mahal kita. Words cannot express how much this heart of mine beats for you"

Kumalas na sya sa yakap dahilan para mabigla ako. Nung una ay nabigla na ako sa pagkalas nya sa yakap ay mas mabibigla pa pala ako sa sunod nyang ginawa.

Sandali nya akong hinalikan sa labi at pagkatapos ay sinabing ...

"Mahal na mahal din kita, Thower"

---
A Year Later

Everything I can wished for ... lahat ng yon ay nakamit ko. Siguro kailangan kong magpasalamat sa pagkaka-stuck ng elevator nung araw na 'yon dahil muling nabuo ang masayang pamilya namin at mukhang may dadagdag pa.

"Tristan, dala mo na ba ung pinadadala ko sayo?" tanong kong sa anak kong lalaki.

"Opo, Papa. Nasa sasakyan na po"

Napangiti lang ako. Katulad namin ni Jess ay naging kambal din ang anak ko. Sina Cardall Tristan at Allyssa Maica, sinadya talaga naming isunod ito sa unang letter ng pangalan namin ni Autumn sabi kasi nya unique ang pangalan namin ni Jess kaya gusto rin nya na unique ang pangalan ng anak nya kaya heto naging unique nga.

"Allysa, ang mama nasaan?"

"Papa, bumalik lang po sandali sa kwarto nyo po may kukunin lang daw po" tugon ng anak kong babae at dumiretso na sa sasakyang nakagarahe sa may labas.

May plano kasi kaming pumunta ng beach ngayon at dahil nga sa nabalitaan ito ng aking mabait na kakambal ay ibinalita sa buong barkada kaya ayon nauna na sila.

Umakyat na ako ng kwarto at natagpuan kong umiiyak si Autumn dahilan para agad agad akong tumakbo papunta sa kanya at umupo kalapit nya sa kama.

"Baby, what's wrong?"

Patuloy parin ang pag-iyak nya dahilan para yakapin ko na sya.

"Sweetheart, ang taba taba ko na. Hindi mo na ako magugustuhan. Ang panget ko na. Ang panget panget ko na" sabi nya habang patuloy paring umiiyak.

"Sinong nagsabi sayo? Hindi ka panget at mas lalong di ka mataba. Its just that you're five months pregnant sa baby natin after 7 years. I know it's a long time simula nung pregnant ka pero it's just to secure the future our kids"

Napangiti sya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you, Thower"

"I love you too, Autumn"

THE END

Author's Note:
Unang una sa lahat ay nagpapasalamat ako kay Lord. Dahil kung wala si Lord ay panigurado ay hindi ko matatapos ang nobelang ito dahil kung hindi din sa Lord ay hindi ako magkakaroon ng idea para sa story na ito.

Pangalawa ay iyo, hindi aksidente ang pagkakabasa mo sa story-ang ito. Thank you dahil kung isa kang silent reader ay salamat talaga. Hindi ka man nagko-comment ay nakikita ko naman na isa ka sa matiyagang nagbabasa

Alam kong 3-4 months lang ang pagsusulat ko ng nobela pero sa hindi ko malamang katamaran ay umabot ito ng 5 months, tama na ba? Aba, malay! You can do the math. Tinatamad akong mag-isip ngayon dahil, 1:21 am na at linggo bukas kailangan ko pang gumising ng maaga para magsimba. Tapos sa ganitong oras ay patuloy parin ang kantahan dito sa may amin.

Diba, bawal na yan sa administrationg Duterte. Ayy, ewan. Matitigas talaga ulo ng mga tao. Anyway, bakit ba dyang napunta ang sinasabi ko?

So, yun nga. Bigla kasing nawala sa isipan ko ung sasabihin ko. Nalimutan ko, nakatingin kasi ako kung ilang words na e. Anyway, un nga maraming salamat. Sana ay ipagpatuloy ko parin ang pag-suporta sakin.

SANA RIN PALA AY MABASA MO ANG STORY KONG 'MARRIED TO A KOREAN CELEBRITY' . Again, maraming salamat. God Bless.

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon